Lawyer for NSO Birth Certificate Correction and Court Hearing

Bonjour. Mabuhay.

 

Since many of you are asking for assistance when you have concerns for lawyers to handle your court hearing process for NSO corrections. I’m placing a lawyer friend who can potentially help you out.

 

Of course pagusapan ninyo ang proseso at ang kailangan ninyo na correction.

It is my hope na makatulong siya sa inyo sa abot ng pangangailangan ninyo.

 

His contact info:

 

Atty Gwyn Mariano
Alampay & Tamase Law Office
email: btalaw@pldtdsl.net
contact #: (02) 8190961

 

Remember, you are free to choose and decide.

It’s just that ang dami na ninyong nagtatanong tungkol sa bagay na yan and I decided na makahanap ng ma refer na lawyer sa inyo para may choice kayo and you can get an idea.

 

Regards,

 

 

MC

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

976 thoughts on “Lawyer for NSO Birth Certificate Correction and Court Hearing

  1. Pwede po bang humingi ng advice sa inyu sana po matulungan nio po ako kc namatay ang tatay ko ng 2019 now nakapag alaman po namin na may anak pala sya sa labas or what kc nakita po sa depentdent on her sss kasu po ever since wala po sya pinakilala sa amin na may kapatid pala kami or what paanu po namin mqkukuha ang birth cert…nya ng walang authorization pwede po ba yun kc hindi po maaprobahan ng sss ang transfer of pension ng aking ama ng wala ang birth certificate na hinihingi nila sana po matulungan nio kami salamat po

    1. Subukan niyo sa PSA office mag request, ipaliwanag ninyo ang sitwasyon. Pero normally, nag re-require sila ng authorization at ID ng owner ng birth certificate bago nila ito i-release sa requesting party.

  2. Maari ko po bang ipabago ang birthcertificate ko at ilagay ko ay pangalan ng totoo kung nanay?nung pinànganak po kasi ako inerehistro po ako sa tita at tito ko

  3. magandang araw po attorney,,hingi po sana ako ng payo sakin problema gusto ko po ilipat ang apelyido ng akin anak kasi ang ginamit nyang apelyido ay apelyido ng lola niya at ang nakalagay na fathers name ay sa lolo niya sa side ng gf ko tapos ang mothers name na nakalagay ay sa lola niya kasi mga bata pa kasi kami nung mabuntis ko po ang aking girlfriend second year high school lng kami nun kya mga magulang po ng akin girlfriend ang umako na magulang ng bata tapos hindi sila kasal kaya po apelyido ng lola ang nakalagay s rehistro at birth certificate niya.

    ano po ang dapat kong gawin attorney..sana po matulungan niyo ako god bless po

  4. hello po sir magtatanong lng po ako regarding po sa birthcertificate po ng kapatid ko..naka double late registered po siya sa munisipyo kung saan po siya pinanganak.pero wala po siyang recored NSO…ano po kaya dapat gawin po? salamat po

  5. Good afternoon, may problema ako sa gender..female dapat hindi male..ano po ang pinakamabilis na paraan at magkano po?

    1. Well ang paraan dyan is mag file ka ng change of gender sa munisipyo kung saan ka naka register inaabot ito ng 3-6 months na proseso. Ang amount is depende sa LCR nyo kasi may medical and publication yan.

  6. Hello po Attorney,my tanong lang po ako kung maaari ho bang kasuhan or maaari kang mulling kung ang ginagamit mong pang receive ng pera or paggamit ng maiden name mo gayung married ka at my voters id na married nman peru ang gnamit mo ay single sa pagkuha ng passport?my kakilala po aku na dalawang pangalan ang gnagamit.ask kulang po kung pwede kang makulong sa ganung bagay.sana po masagut nyu po ang tanung ko.

  7. Hi Good Afternoon po, hingi lng po ako ng advise kung ano po ang pwede kong gawin para po sa birth certificate ng anak ko kasi bago po kami ngpakasal ng asawa ko ay meron na po kaming anak, ang apelyedo po ng anak ko ay sinunod po sa akin, ngayon po ang asawa ko at ako ay nakapagdesisyon na isunod na po sa apelyedo ng asawa ko ang anak ko. Ano po ang mabilis at murang paraan pa maisaayos po ang birth certificate ng anak ko? Maraming salamat po at more power po sa inyo! 🙂

  8. Good evening!

    Hi Sir!

    Just wanted to share our story and hope that you can give us a proper advice for we really wanted
    to settle this once and for all.
    I had married a single Mom two in total and now we are living happily and married and
    we also had the two lovely daughter which is the fruit of our love.
    Our problem is this.
    Yung anak po kasi nyang babae (which I really love as my own daughter)
    ay naipa apelyido nya doon sa tunay nyang ama which is kasal din po pala without her knowing.
    I don’t want to make this long and I wanted to talk this thing straight from your kind office.
    Mag 12 years old na po sya at kahit minsan hindi po nagsustento or nagpakita sa kanya all this
    time.
    FIve years old po ang anak nya noong magpakasal kame at ngayon po gusto po sana naming
    malaman kung anu po ang pinakamainam gawin upang ganap na matanggap ng bata ang aking
    apelyido at maging ganap at tunay ko na po syang anak..
    Tumayo po akong magulang at minahal ko po ang mga anak nya kahit mag kakaiba po sila ng
    naging ama.
    Mahaba po kasing story.
    All I know Gods plan and purpose is higher than our thoughts and dreams.

    Hindi po kinasal ang naging asawa ko sa dalawang lalaking una syang nagkaanak.

    Masaya po kaming nagsasama at isang buong pamilya.
    Ayan na lang po ang kulang para po sa mata ng tao ay wala na pong kung anu anong
    mga katanungan.

    Nagagalak po ang aking puso na kahit alam nilang hindi nila ako tunay na ama
    ay konsolasyon na lang po ito sa akin na mahalin din nila bilang kanilang ama.

    Maraming salamat po at nawa po ay matulungan nyo po kameng magasawa ukol po
    sa bagay naito.

    Maraming maraming salamat po at pagpalain po kayo ng Panginoon!

  9. Hi sir,,,tanong ko Lang po kasi may anak po ako sa una kong asawa pero di po kame kasal at yung anak po ay Naka apelyido sa Tatay nya,ngayun po may bago na akong asawa at kasal na po kame canadian citizen po yung husband ko ngayun,,,at balak na po namin sumunod sa Canada pwede po kaya namin maisama yung anak ko sa canada kahit hnd Naka apelyido sya sa una kong asawa….

      1. Thank you sir,worried lang po kasi ako na Baka maiwan sya dto sa pinas 7 years old pa Lang po kasi sya,.

  10. good afternoon po..may problema po aq sa b.c ng anak q.kasi ungbbirth cert po nila na galing sa munisipyo nakasunod sa apilyedo ng tatay nila pro nung kumuha aq sa nso..nakasunod sila sa apilyedo ko..ang gamit po nila sa school ay apilyedo ng tatay nila..gusto q sana isunod sa apilyedo ng tatay nila kaso kaso sa mga papers na hinihingi sakin kailangan ng pirma ng tatay..wala na qng balita pa kung nasan ang tatay nila..ano po ang gagawin q?kasal po kami ng tatay nila..

  11. Hello po, Good Afternoon, tanong ko lang po kasi mag aapply kami ng anak ko ng passprt for travel sa ibang bansa kaso lang po naka last name po ung bata dun sa dati kong Boyfriend. paano po gagawin namin papalitan po ba yung last name nya gagawin po ba sa last name ko. ehh kaso po yung lalaki padin po nag sustento sa anak ko.

    1. Hi April Jane,

      Yung pangalan na nakasulat sa birth certificate ng anak mo ang siyang susundin ng DFA at ilalagay sa passport niya. Kailangan din na mag appear ka (as parent kung illegitimate ang status ng anak mo) sa araw ng passport application niya sa DFA.

      MC

  12. patulong naman po..may unang asawa po ako at nagkahiwalay n kmi dahil nagkaroon po xa ng babae at ngkaroon ng anak. ngayon po ay my kinakasama n din po aq at gusto po nyang isunod skanya ang apelyido ng anak ko sa uma kong asawa. ..ano po ba ang dapat kong gawin? kasal po ako sa una kong asawa

      1. hello po.ask ko lang po yung problema ko. 24years old na po ako nalaman ko lang na fake ung nso na nagamit ko nung nagprocess ako ng passport kailangn ko kumuha ng nso na bago.pero wala pala akong register sa nso magpapalate register sana ako kaya lang hindi kasal ang magulang ko.tapos lahat ng documents ko nakasunod sa apelyido ng papa ko. nagtanong na ko sabi hindi daw pwedeng gamitin apelyido ng tatay kasi hindi kasal? may iba pa po bang paraan?

  13. Good afternoon po.. Single mother po kasi ako ngayon. HIndi po kami kasal nong ex bf ko. May anak akong isa sa kanya at nakaapelyido yung bata sa ex bf ko. Nong nanganak po kasi ako sa ospital ay wala po siya non at iba na lang pumirma don sa hospital at nong 7mos na yung bata ay siya na po gumastos at ngpabinyag sa anak namin. Kinalaunan hindi po ngwork relationship namin at iniwan kami ng anak niya. Panu ko po mapapalitan yung apelyido ng anak ko at isunod sa bf ko ngayon kasi ikakasal na po kami. Thanks po

      1. Salamat po sa reply MC. Mga magkano po kaya sa palagay niyo ang gastos sa adoption? need pa ba ang approval nong ex bf ko?

      2. Ang pinaka mahusay po na makakasagot ng tanong ninyo ay isang family lawyer na nakaka alam ng fees for adoption at kung gaano katagal. Pwede din po kayong mag inquire sa DSWD tungkol sa processes and requirements for adoption.

  14. Hello po! Sir, sana mabigyan nyo po ako ng advise s problema Kong ito. Yung birth certificate ng anak ko ay my 1st reg at late reg. 1st reg at late reg po nya y magkaiba ung name nya, lugar ng kapanganakan at name ng tatay nya. Ganito po kc yun, naghiwalay kmi ng ilang buwan ng real father nung buntis n po ako, d p po kmi kasal s time n yun. Tapos ngka bf po ako ulit, sya ung umalalay s akin hanggang pgpanganak ko. Tapos ung problema ko po pnalagay nya s BC ng bata n sya ung tatay instead n apilyedo ko po sana masusunod. Galit n galit po sya. S sobrang takot ko pnalagay q ung pangalan nya. Mga 2 months namin pgsasama ngkahiwalay dn kami ng bf q kc d po kmi mgkaintindihan at grave po sya magalit. Natatakot n po aq s kanya at umalis aq. Nung tym dn n umalis ako nalaman ng totoong tatay ng anak q ang nangyari. Yun nga nangyari Sir, nagbalikan kmi. Tapos, my ngsabi s akin n ipa late register ung bata n dala ung pangalan ng totoong tatay nya. Ginawa q po ung cnabi s akin. At dmating ung time n ngpakasal n kmi ng tatay ng anak ko. Tapos, knabukasan pgkatapos ng kasal nmin ay pna legitimize ung BC ng bata. Ngpasa kami ng mga requirements. After 3 months p namin matatanggap ung bago BC n legitimate n sya. Yun nga, wala po akong kaalam alam n ganito ung mangyayari. Pinadalahan daw ng sulat ung local civil registrar n galing s NSO n negative dw ung pna legitimize kc nakitaan n kapareho ang name ko( mother) s BC ng bata s 1st reg at bago p po to nalaman ng asawa q ngaun n my 1st reg s BC ng anak namin. Kya po malaki po talaga problema q. Dto n po kmi nkatira ngaun s central Luzon. Taz ung pangyayari s Mindanao po. Sna mabigyan nyo po ako ng magandang advise. Thank you po.

    1. Magiging matagal at mabusising proseso yan. Una kasi may ginawang pan loloko eh sa detalye pangalawa yung pag papa late register which is hindi tama. Kukuha kayo ng abogado dyan.

  15. good evning po!!!hingi po ako bang advise…my anak po ako sa pag ka dalaga at acknowledge po sya sa birth nang anak ko ngunit 8mons iniwanan nya anak nya at Hindi na nag sustento ngayon 10y/o na anak nya nag aaral grade 4 ngunit mula nang kinder sya hanggang ngayon age gamit nya aplydo nang aswa ko dahil kasal kmi…anu ba yong una Kong gawin para mapatuloy yong school records nya?gusto ko kasi palitan ung name at surename nya tanggalin ung pangalan ng biological father nya!kc LA naman syang future doon.dito sa asawa ko meron kc ito yong kinikilala nya at govt employee sya…thanks po!
    im waiting 4 ur reply!!

  16. Gud day po. Kailangan Ko po ng advise Ano po dapat namin gawin. Para po maitama lahat.ung kapatid ko. Iniwan po cya ng asawa Nya at may 6 na anak.. Hindi sinosoportahan, In 14 years po.Di napo cya ngpakita.. Kasal po sila a. Pusubli pu ba na pwedi na cya mgpakasal ulit. Kc

  17. Good am po..
    Hingi lng po ako ng tulong,, tanung ko lang po pwede po bang ilipat ang apelyedo ng anak ko sa apelyedo ko? Gayong sa kanyang ama sya naka apelyedo.. Hiwalay na po kami ng ama ng anak ko, mag tatatlong taon na.. At kahit peso wala syang naisustento sa anak namin. Kaya gusto ko po sana na apelyedo ko na lang ang gamitin ng anak ko.
    Anu po ba ang dapat kong gawin para mailipat sa apelyedo ko ang anak namin? Sana po ma2longan nyo ako. Salamat po.

  18. Goodeve po . tanong kulang po Kung pwde ba ma transfer sa ibang lugar ang pag rehistro ang bata na 8months old pa po ..kasi gusto nag parents ng bata na ibigay kaso na register na sya sa lugar ng parents ng bata, gusto nila ipa apa ampon and bata at ipa rehistro ito sa iba lugar . Please help.

  19. Mag tatanung pho ako panu pho ba pag may nag kaso tapus mali ang spelling ng first name at walang middle name pho pero tama pho ang ipilido . anu pho ba ma aadvice ninyo pho

  20. Ask ko lang po kase un anak ko po ang surname nyang gamit ay sa dati kung live in partner ask ko lang po papanu po ang proseso na gusto ko po kase ang maging surname ng anak ko ay akin po papanu po kaya un

    1. Hi Alyssa,

      Ibig mo bang sabihin ay ang last name ng anak mo na nakasulat sa kanyang birth certificate ay ang last name ng dati mong ka-live in?

      Kung ang last name sa birth certificate ang nais mong papalitan, kailangan mong kumonsulta sa abogado para malaman ang proseso at halaga ng pagpapalit ng apelido ng anak mo.

      MC

  21. Good day po open pa po ba tong blog na to? Ask ko lang po manganganak na po kasi ako 2months from now, pwede po ba ilagay sa birthcertificate ng bata ung apelyedo ng ama nya kahit hindi kami kasal?

  22. From 2010-2015 ang naging relasyon namin ng aking girlfriend. Nagkaroon ng isang anak noong 2011. Nagpakasal kami noong 2014 ngunit secret marriage ang ginawa namin. Naghiwalay kami kasi nakakita sya ng ibang lalaki. From 2014. Hindi ko na po nakita o nadalaw ang anak ko kasi wala akung trabaho at nahihiya ako sa magulang nya na humarap ng walang trabaho. Gamit po ng anak ko ang epilyido ko. At natatakot ako na palitan ng side nila ang name ko. blinock na ako sa Facebook ng girlfriend at nagpalit sya ng number para Hindi ko sya makontak. Ang tanong ko po pwede po ba nila palitan ang surname ng anak ko mula sa akin at palitan ng name ng aking dating kasintahan/asawa ng walang abiso mula sa akin? Salamat po.

  23. Hi po sir..paano ko po maaayos ang middle name ng tatay ko sa BC nia..Ysong kc ang middle nia samantalang sa BC ko Yuson ang nkalagay..ngaun tinanong ko cla kng ano nkalagay sa marriage certificate nla Yuson at lahat ng i.d ng tatay ko Yuson din..tapos nkita ko na sa marriage certificate nla ang date kng kelan cla ikinasal eh july 4 1989 samantalang june 6 1989 ang nkalagay sa birth certificate ko..kailangan ko pa po ba ng laywer pra jan at magkano po aabutin ang magagastos ko sa pagpapaayos..salamat po..

    1. Dapat nyang ipa correct yung B.C nya kasi mali yung middle name nya doon. Regarding naman sa date of marriage ng kasal nila sa B.C mo baka pwedeng correction na lang ang ipagawa sa iyo sa munisipyo kung saan ka naka register.

  24. Hi MasterCitizen,

    Good afternoon po =)..
    Ako nga pala si Cristie 28 y.o from Quezon city.
    Gusto ko sana ipapalit ang apilyido ng anak ko kasi po naka apilyido po sa ex live in partner ko dati.. Since 3 years na po kami hiwalay at wala naman po ako natatanggap na sustento sa anak namin gusto ko po sana sakin nalang sya naka apilyido, para po sana bago sya mag aral maging ok na po ang birth certificate nya. Possible po ba ito,? Ano po ang dapat kong gawin,? Sa birth certificate nya po naka pirma din po kasi ang father nya di ko po kasi alam na magbabago po ang kapalaran namin wala po palang “forever”.
    Ngayon po gusto ko lang po sana mabago ang surname ng anak ko sa apilyido ko. Naiiba po kasi apilyido nya samin. Or if ever po na magpakasal ako pwede po ba i adopt sya ng magiging asawa ko in the future po. Madali po ba ang process nun,? at magkano po kaya ang magagastos,?

    Sana po ako ay iyong matulungan master.

    Nagpapasalamat,

    Cristie

    1. Yung ipa pa adopt mo sa magiging husband mo yung anak mo ngayon mas magandang option yun kasi kapag nagyon mo ito gagawin ang ilipat ang surname nya sa iyo kailangan mong kumuha ng abogado para dito.

  25. Hello po.. Ako po so Joylyn Perocho Tuazon.. Ipinanganak noong Nov. 3 1984.. Married na po since 2008.. Wla po aq NSO as Malabon City king swan po as ipinanganak base na rin po as lumang birtcertfc8 na hawak ko. Nag apply na aq ng late registration as malabon since 2013 namatay na pona any nanay q since 2007 at Hindi po sila nasal ng tatay q.. Tatay po any naka pirma sa Lumang birtcrtfc8.. Sbi po sa municpyo tatanglin saw po any mother.. As UNKNOWN MOTHER kahit na may proof na aq na death certificate na bigay po ng half sister q.. Until now wla pa po aq birth certificate.. Thanks po..

  26. Hello po…ako nga po pla c Guiaria Enog ipinanganak po ako nong May 10 1985… 31 years old na po ako ngayon
    Pero nakalagay sa birtcertifecate ko ay May 10 1975 paano po ba mapalitan ang 1975 ng 1985? Thank you….

  27. Hindi na po ba mapapalitan ang
    apelyido sa NSO copy ng birth
    certificate kahit legitimated na? Nag aalala po kasi ako baka magkaproblema po ako pagpapafile for board exam.Late registered po ako kasi late na nagpakasal parents ko.. Legitimate child na po ako sa BC na galing sa munisipyo namin pero sa NSO ko illegitimate po. Anong pong kailangan kong gawin? Salamat po

  28. Gud pm po….TANUNG q lng po kung kelangan PA ng lawyer papalit ng isang letra SA pangalan….??nagiging kahiya-hiya po KC ANG pangalan q DAHIL lng po SA isang letra Mali…salamat po

  29. Good day po, sir magtatanong lng po sana ako,mga magkano po magagastos pag magfile ng correction sa munesipyo?at matatagalan po ba bago matapos?

  30. hello po gusto ko lang po sana magtanong kung ano po dapat ang gawin kung gusto ko po ilipat sa apelyido ko ang anak ko.,.kasi po nung pinanganak ang baby ko yung tatay niya po ang nag rehistro bali hindi po kami kasal..Nais ko po sanang palitan na yung surname ng anak ko at ilipat nalang sa apelyido ko mag 3 yrs old na po siya ngayon gusto ko po sana bago siya mag aral ay maiayos ko na ang pangalan niya…matagasl na din po na wala kaming komunikasyon ng tatay niya wala pa siyang 1 taon nung umalis ang tatay niya..need help po..thanks sa pagsagot

  31. magandang araw po sir, girl po ako, ikinasal po kmi ng asawa ko nang nabuntis nya ako 3 yrs na po nkklipas..2 and half months na po kami hiwalay dahil nalaman kong may anak na siya sa iba at yung mag ina nya sa manila ang pinili nya, ang sakin po gsto ko nalang ihingi ng sustento ang anak namin..pero plagi ko siya tinetext na magbigay ng sustento kahit konti, palagi naman nya sinasabi na wla siya trabaho. mag lilimang buwan na po kasi sya di nag bibigay sa anak ko kaya di ako naniniwala na wla siya pera kahit konti samantalang kinakasama nya yung anak nya dun at kabit nya. wala po kc kong work kya nanghihingi ako sakanya ng sustento. ano po kaya pwede ko gawin sir?help me po. thank u.

    1. Hi Jenny,

      Pwede kang kumonsulta sa abogado (Public Attorney’s Office) o sa Women’s Desk sa munisipyo ninyo (kung meron). Sila ang makakapag bigay sa iyo ng legal advice kung papano ang pinaka mahusay mong gawin para ma-obliga ang asawa mo na mag bigay ng sustento sa inyong mag ina.

      MC

  32. hello po sir!mag ask lang din po ako..ganto po sir may kinakasama po ako before pero ndi po kmi kasal nag karon po kmi ng anak isa ..pero ngayon po hiwalay na kmi ..ngyon po sir kasal napo ako sa foreinger from pakistan gustong gusto po sya ng asawa ko ngayon kaya lang po sir my problem ang apelyido po ng anak ko ay sa kinakasama ko po dati ..ang gusto po ng asawa ko ngaun palitan lahat pangalan at apelyido panu po gagawin ko sir help naman po …

  33. hello po magandang araw po..
    may problema po kasi ako about birth certificate ko ung nakalagay po kasi dun apelyido ng mama ko kasi patay na po ung papa ko nung process po ung live birth ko pero mula elem. hanggang matapos po ako ng high school sa papa ko po ung dinadala kong apelyido nahihirapan po ako mag enrol ng college dahil hindi mag katugma ung diploma ko at birth certificate ko ung sa diploma ko sa papa ko ung sa birth certificate ko sa mama ko ..
    pwede ko po bang bagohin ung ung regester ko sa school para gayahin nlng kung anung nasa birth certificate ko??

  34. Adoption ang process na gagawin nyo dyan. Kasi hindi naman siya ang talagang tatay eh. Baka kasi may medical na procedure kapag legitimation due to subsequent marriage nag gawin nyo eh baka lalong lumalala ang problem.

  35. hi, good afternoon. ask po sana ako magkano magagastos ko kc i want to change the surname of my two kids. my two kids po ako nakaapelyedo sa father nila, and hindi po kami kasal. gusto ko po ipabago at ipaapelyedo sa akin na.

    1. Hi Aila,

      Kailangang ng court order para mapa-palitan ang apelido ng mga anak mo. Pwede kang mag consult sa PAO or kung meron kang personal lawyer, pwede siya ang mag advise sa iyo ng dapat gawin.

      MC

  36. ask klang po ano dapat gwin kc po kumuha ako nso nkalagay no record birth certifecate ano p dpat kung gawin

    1. Check mo muna sa munsipyo kung saan ka naka register kung meron kang record kapag wala din file ka ng late registration lapag meron ka sa local endorsement naman ang gagawin mo.

      1. Sir Good Evening tanong kolang sir kong anong magandang gawin sa birth certificate ko Sir kasi po Sir mag kaiba kami ng last name ng father ko homihingi po ako ng advice sa inyo sir

  37. tapos po ang apelyedo ng anak ko ngaun ay apelyedo ko rin po. kapag sinunud ko ang apelyedo ko sa NSO. magka iba na kami ng apelyedo ng anak ko.. ako Canillas a surname of my mother. at ang anak ko Permano, apelyedo ng papa ko..

  38. Good pm.. magtatanung lang po sana ako.. tungkol sa BC naming magkakapatid. illegitamate po kc kami.. sa records ng NSO. apelyedo ng mother sa nso namin. hirap na po ako ngaun mag isip. lahat po kc ng mga valid ID’s ko apelyedo ni papa. Gusto ko lng po malaman kung gaano katgal i-process sa court at magkano po kaya ang gagastusin? my libre po ba kayang abogado para dto? employed n po kc ako AT apelyedo ni papa dala ko pero NSO ko apelyedo pa din ni mama nakalagay. kasal n po sila. kayang lang nasilip kc ng NSO na buhay pa ang unang asawa ng mama ko nung time na ipinanganak kaming 5 magkakapatid kasal din po kasi xa dun.

  39. Pwde po bang ilaban ang karapatan ng anak sa kanyang tumayong ama sa knya? Kahit hnd nya ito tunay na ama pero naka-apelyido ito sa kanya at may patunay na sya ang nakapirma sa birth certificate at sya ay nangako na sya ang tatayong ama ng bata. Gusto ko po ksi malaman.

  40. Sir papaano po ipaayos ang aking birthcertificate ang umattend po kasi sakin nung ipinanganak ako ang unang asawa ng mama ko kaya sya nkapirma at surname nya ang naging apelido ko paano ko po ito ipapaayos sa tunay kong surname at nasa edad na 19 po ako ??

  41. magandang araw po. kasal po ako sa asawa ko nun 2006, may 2 po kaming anak naghiwalay po kami ng 2009 tapos nagabroad ako. paguwi ko ng 2013, nalaman ko na nagkaroon siya ng pangatlong anak sa naging boyfriend niya. ipinanganak yun bata 2010 at nsa abroad ako nun, ginamit nya ang apelyido ko na hindi ko alam, na maging apelyido ng bata dahil kasal nga kami, pero hindi ko naman anak un bata at anak nya na ito dun sa naging boyfriend nya. maari po bang bawiin ko ang apelyido ko dun sa bata na hindi ko naman anak, tapos if may nilabag po ba siya na batas dahil inapelyido nya un bata sa akin na hindi ko naman anak at hindi nya sinabi nun nasa abroad ako. makakasuhan ko ba siya dun. salamat po more power po sa inyo,

  42. Hello po, i need advice lang po. Kasi yung anak ko nakaapelyido dun sa tatay nya pero more than 1 year na kaming hiwalay at hindi sumusutento. Ngayon may bf po ako at may plano na po kaming magpakasal at gusto nya mailipat sa kanya yung apelyido ng anak ko po. Ok lang po ba na papirmahin na lng namin yung tatay nung anak ko na tatanggalin nya yung apelyido ng anak ko at may balak po kasi kami na pagbayarin sya sa damage fee kasi alam ntin malakas ang women’s right dito po sa pinas. Ok lang po ba na gawin namin yun kahit kasunduan lang po kahit hindi na idaan sa korte basta pumirma sya sa kasunduan? Ok lang po ba yun? Kung hindi po ano po dapat namin gawin? Salama po.

    1. Adoption lang ang nakikita kong option para masunod ang surname nung bata sa magiging asawa mo. Una may makukuha ba kayo doon sa tao na damage baka kasi kaya hindi masustentuhan yung bata dahil wala naman talaga mabibigay.

  43. Pa help naman po may isa po akung anak sa pag ka dalaga ko pero nakaapilyedo po ito sa dati kung boyfriend sa araw ng pag paparegister ng anak ko pumunta sya at pumirma at nangakong susuportahan nya ang anak namen pero hindi nya ginawa until now mag t-3years old na ang anak namen . Gusto ko po sana ilipat ang apilyedo ng anak ko sa apilyedo ng asawa ko ngayon ano po ba ang kailangan kung gawin para mapawalang bisa ang apilyedo ng totoong ama ng anak ko at mailipat ito sa apilyedo ng asawa ko ngayon ?

  44. Gud eve po.ano po ba ang mabuting paraan para makapag late register kasi po ung apelyido ko Rosario lang. ung sa papa ko po Del Rosario? Tapos po sa school record ko iba po ung place of birth Manila po.Ipinanganak po ako sa San Jose Del Monte Bulacan un po ang place of birth ko sa iba kung paper.

    1. Una bakit malimali ang detalye mo? Pangalawa hindi late registration ang dapat gawin sa case mo kundi correction of entry ang late registration kasi para lang yun sa walang record.

  45. Good afternoon po…may mga anak na po kami nung ikinasal kami ng asawa ko…ang problema po sa birth cert. Ng mga anak ko may middle name po ang asawa ko at marriage cert. Po namin ay wala…korean po ang asawa ko na usually wala po talaga sila middle name…ano po ang dapat kong gawin?at dapat pa po ayusin yun kahit wala naman sa mismo sa pangalan ng bata ang problema.sana matulungan nyo po ako maraming salamat po

  46. Good eve..sir 2 names po kasi name ng anak ko. Idinugtong po kasi ng tyahin ko ang pangalan ng anak nyang hapon kasi mag-kabirthday ang mga anak namin.ngayon po na 6 y/o na anak ko umiiyak sya.ayaw nya nung pangalan nung hapon na idinugtong sa name nya. Plano po namin mag-asawa alisin yung name ng hapon (kazuya).. tinutukso po kasi sa school ang bata at ayaw ng pumasok ng anak ko. Ano po ang dapat naming gawin?6 letters po ang aalisin sa name ng anak ko.magkano po kaya? Salamat po

    1. Depende sa LCR officer yan kung papayagan. Dapat kasi may valid reason ang pag aayos ng pangalan eh. Punta muna kayo sa munisipyo kung saan naka register yung anak nyo.

  47. Sir good pm po ako po ung apelyedo ko po sa mama ko pero ung ginagamit ko na middle name is ung sa papa kopero sa live birth ko walang nka lagay na middle ngaun po mag take ako ng board exam panu po ba ito

  48. tanong ko lang po paano kapag anak ko sa pag ka dalaga ang bata ngunit ang nilagay sa kanyang birth certificate ay ang mother name at fathers name ay aking magulang bali nalabas na kapatid ko lang sya pwede paba ipabago yun para saakin sya naka pangalan?

  49. magadang araw po. ask ko lng, paano po kong mali ang spelling ng father name sa birth certificate ng kanyang anak? now ko lng po kase napansin nong pinadala sa akin.

  50. God day po, may anak po ako kaso hindi naka apelyido sakin sabi po ng girlfriend ko sakin nilagay naman daw po nya name ko. Mapapapalitan pa po ba yun? 3 yrs old na ngayon yung anak ko. Saka mga magkano po magagastos? Salamat po

  51. good morning po ask ko lang po pagnaregester na po ba yong birth certificate ng bata hindi na po ba ito pwedeng bagohin?kasi po gusto ko sanang palitan ang apelyede at magulang ng anak ko kasi yong kapated ko na po magegeng magulang nya..kung baga po papaampon ko ang anak ko sa kapated ko…kasi po my birth certificate na xia..gusto ko po mangyare na kapated kona mageng legal parent ng anak ko?salamat po..

  52. Gudpm..ask q lang po mali kc ung bday ng asawa ko sa marriage contract namin!ano po bang dapat gawin q and may bayad po b un?salamat po

  53. Hi goodevening tanung ko lan po kung pano maayos yung mali sa NSO ko 1997 po ako pinanganak pero nakalagay sa NSO ko 2003, paanong proseso po iyon maasyos at ano ng kelangan gusto ko po sana ipaayos, maraming salamat po.

    1. Punta ka munsipyo pakita mo yung nakuha mong copy galing PSA(NSO) para maipa ayos ito. Baka pwedeng correction na lang ito kasi obvious naman yatang clerical error lang yan.

  54. Good afternoon po. Magtatanong po sana ako. Posible pa po ba na mailipat sa apelyido ko ang anak ko? Nakaapelyido po kasi ito sa kanyang ama.Gusto ko po sana na ilipat sa apelyido ko ang bata dahil matagal na pp kaming hiwalay ng kanyang ama. Mag apat na taong gulang na po siya. Sana po ay mabigyan niyo ako ng kasagutan. Maraming salamat po.

  55. Hello po . Ask ko lang kung panu yung proseso para magamit ng dalawang anak ko yung surname ng ama nila kahit illegitimate child lang sila Anu Anu po ba documents kelangan ko makuha ?

    1. Kailangan i acknowledge ng father para masunod sa kanya yung surname nila. Punta kayo ng munisipyo kung saan naka register yung mga bata para makapag file nito kailangan andoon yung tatay kasi may mga pipirmahan siya.

  56. May dati po ako kalive in at nagkaron po kmi ng anak na dalawa ngaun po may ibat iba na kmi pamilya andto na po ako ngaun sa ibang bansa gusto ko po makuha mga anak ko pero ang gamit po nila surname eh sa tatay nila at ang sur name ko po eh sa asawa ko na ngaun..makukuha ko po kaya sila?..

  57. Di pa kami kasal nung tatay nung bata pero sakanya nakaapelyido, naghiwalay na kami. Pwede ko pa ba tanggalin apelyido niya sa anak ko? May nso na rin yung bata. Thankyou po.

  58. Gandang gabi po. Tanong kulang po kung paano kupo mapapalitan ang apilyido nang anak ko . Bata papo kc ako nang mabuntis at ayaw nang magulang ko sa bf ko . Kya sa akin naka apilyido ang anak ko. at wla pusyang middle initial. Nag aaral napu kc sya iniisip kupo na bka mag karoon nang prublema pag dating nang panahon. Ok naman napo kme nang papa nang anak ko pag dating sa bata . Thanks po

  59. Hello! I’d like to ask how long po aabutin and magkano po kung papalitan ung date of marriage ko sa birth certificate ng anak ko. Sobrang malayo po kase ung date na nilagay ng husband ko kaya sabi sa NSO, kailangan daw po dumaan sa court.

  60. Good Day.
    Gusto ko lang po humingi ng advise about sa problema ko sa BC ko. Apilyedo ng father ko ang gamit ko. Pero wla pong name ung father ko sa BC ko. may DNA po kmi na hwak ko. tapos yung name ng mother ko naman po apilyedo ng father ko ung gnamit nea sa name po nea pero Hndi naman po cla kasal. Ngaun, may aswa ng iba ung mother ko. kung papalitan ko b ung apilydo na ginamit ng mother ko ung Maiden name b nea ang ilalagay? o anu po dapat ko gawin? Thank you

  61. Gud pm po sir tnung q lng po pnu po ggwin nmin ng partner q dhil ung bc ng anak q nsa apelyido q po at wla xang middle name dhil di po kmi nkblik sa ospital kya di pu xa nk pirma sa bc ng anak nmin anu po ang dpt nmin gawin dhil gsto po ng partner q na sa knya ang apelyido ndi po kmi kasal sna po mtulungan niu po kmi salamat

  62. hi sir talaga po bang may bayad ang pagpatanggal ng sobrang letra s nso nabalitaan ko po kase na wala ng bayad ang pag aayos ng nso hinihingian po kase kme ng 1,500 para s patanggal ng isang letra at 2 months bago makuha.

  63. Tanong lang po ako. yung kasama mo namin sa bahay ay may anak at ang apelido ay isinunod sa magulang na babae 1993 siya ipinanganak at yr 2000 naman sila nagpakasal na mag asawa. nais sana ng anak na papalitan ang kanyang apelido sunod sa apelido ng kanyang ama. Pero ang problema namatay na nung isang taon ang tatay niya. Maari pa po ba nya palitan ang kanyang apelido? at ano ang requirements para dito. salamat po

    1. Pwede pa naman lalo pat kasal na naman yung magulang. Ang tanong is kung ok lang ba sa LCR officer yung simpleng proseso kasi nag declare sila ng ibang magulang eh.?

  64. may tanong lang po ako yung bayaw ko po kc e nag.aapply abroad tapos ang problema po wla po xang middle name at nkapagpassport n din sya ng wlng middle name e sabi ng agency nya ksilangan daw plagyan ng middle name e wla kc sa nso and bc nya yung middle name nya ano po ba dapat gawin kc daw po adopt lng daw din po xa tnx po

  65. hi po. may anak po ako sa pagkadalaga at pinagamit naman po ng ama nya yung surname nya. Ngayon po kasal na ako sa ibang lalaki. Iniwan po kame nung dati kong kinakasama nung 2 years old pa lang po yung anak ko. ngayon po turning 6 na po yung anak ko. Balak po namen ng asawa ko ngayon na isunod sa surname nya yung surname ng anak ko ngayon. gusto niya pong baguhin. gusto nameng dalawa. ano pong gagawin namen? need pa po bang ipaalam sa totoong ama nung anak ko yung balak po namen ng asawa ko ngayon? pls help po.

    thanks in advance po sa pagreply.

    1. Adoption kasi yung process na gagawin para maisunod sa surname ng husband mo ngayon. Kung sa pagkadalaga mo siya naging anak at hinid naman nya ginagawa ang responsibilidada nya sa bata bilang ama baka hindi na dapat. Mag conbsult kayo sa abogado para mas mapabilis din ang proseso ng adoption.

  66. Hello po sir’.good morning..gusto ko po huminge ng advice sainyo.my dalawa po akong anak.nakarehistro po sila sa pangalan ng lolo at lola nila.ngayon po gusto ko ito maayos kasi nasa magulang ko na sila pinakuha ko po sa papa ko para makapag-aral ng maayos.ano po ba gagawin ko sir.thanks po..

  67. Hello po. Ask ko lang po sana. Problema ko po kasi birth certificate ng anak ko. Ang nasa nso po nakalagay na parents ng anak ko ay ang parents ko po. So bale lumalabas na magkapatid kami. Paano po yun? Kasal naman kami ng asawa ko. Ang lahat ng records ng anak ko ay family name ng asawa ko po talaga. Please advise me po sa dapat kong gawin. College na po ang anak ko ngayon.

  68. pano po ba ilipat ang apelyido ng anak ko sa stepfather nya ? nakaapelyido po kse sya sa tatay nya pero matagal n po walang paramdam ung tatay nya mag 4yrs old n po anak ko at ung step father n nya ang tumayong tatay nya mula 1yr old . thankyou

  69. Hi ask ko lang poe makaka alis bha ng bansa kung ang apelyedo eh hindi sa tatay..sa nanay poe naka epelyedo ako ehh…salamat..

  70. hello good afternoon . may tanong lang po tungkol sa birth cert ng anak ko . may asawa n po ako ngayon at kasal kame , may anak po ako sa una na nakaapelyido sa kanya yung bata, gusto po sana namen n ilipat sa asawa ko yung apelyido nya . pano po kaya yun at magkano kaya ang budget ?

    1. Adoption ang pwede nyong gawin dyan. Hindi pwedenbg ilipat sa kanya yung surneme ng bata dahil hinid naman siya ang biological father eh so adoption lang ang pwede.

      1. pano po ba process ng adoption ? at magkano po kaya ang magiging budget dun ?

  71. hello po. may problema po ako sa bc ko regarding sa wrong entry of nationality . nakalagay po kc sa bc ko my mother and father nationality is chinesse citizen so it means na ako po ay chinesse citizen.my father is tama na chineese citizen pero ang nanay ko dapat ang nakalagay ay filipino kc sya po ay half filipina at half chineese . ano po ang dapat ko gawin saka magkano kaya ang aabuting ng gastos ko if daan pa sya sa court saka gaano po katagal ang proseso. di ko po kc alm kung san ako magcicimula. nalaman ko lng nung pagkuha ko sa nso..

  72. good day po..ask ko lang po sana kung ano ang dapat gawin ng pamangkin ko ayaw kasi xa tanggapin sa school ngayon kasi sa birth cert po niya apelyido ng nanay niya ang gamit niya pero sa deploma niya apelyido sa tatay niya nung ipinanganak siya hindi pa kasal magulang niya nitong 2007 lng sila ikinasal ano ba ang dapat gawin para malipat apelyido niya sa tatay niya

      1. Hai sir ask ko lang po, pregnant.po ako ngaun at hindi pa kami kasal ng ama sa magiging anak namin nasa abroad pa po kc xa , manganganak na po ako.this month or nxt month. Gusto ng papa ng magiging anak ko apelyedo nya gagamit.pag penarehistro na ang anak namin. Panu po yun kung hindi xa maka perma kc malayo xa pero gusto talaga namin apelyedo nya gagamitin ng magiging anak namin?

      2. May proseso kasi yan i inquire nyo na sa munisipyo nyo kung ano yung dapat na affidavit para masama yung name nya sa B.C nung bata kapag gagawin na.

  73. Gud pm po.

    Ask KO lang po kung paano ayusin ang birth certificate ng anak KO. .kasi Hindi KO nailagay ang pangalan ng am a nya sa birth certificate baka n/a po anu po gagawin KO kahit hung mailagay lang sa BC hung pangalan ng tatay nya .

    Thanx po

  74. Paano po mapalitan ung apelyedo ng anak ko… Kc ung gamit nya poh ngaun ung apelyedo ng unang asawa ko… Gusto po sana nmen bagohin ung apelyedo ng bata…at ilipat sa apelyedo ng asawa ko ngaun pnu po un….

  75. Hello po. Pwede pong mag tanong? Magkano po kaya ang aabutin pag pinalagay ko ang apelido ng anak ko sa asawa ko? Sakin po kasi naka apelido ang anak ko. Hindi po kami kasal ng asawa ko. Nung panahon po kasi na nanganak ako sa anak ko e pareho po kami ng asawa ko na minor age. Kaya po sakin naka apelido anak ko. Salamat po.

  76. Sir good Eve may anak po ako dalawang laalaki nakaapelido sa AMA nila pero d kami kasal gusto ko po papalitan ang apelido dahil wala naman support

  77. Paano po ba ang proseso para mawlan bisa ang kasal kinasal po ako ng 1997. After a year naghiwalay po kami ng asawa ko. Since 1998 di na kami nagsasama may pamilya at anak na siya. Ilang taon po bago makakuha ng cenomar pag naayos na ang kasal.

  78. Hello po. ask ko lang po.. yung partner ko po meron siyang ex then may anak sila pero hindi niya totoong anak kasi buntis na yung girl nung naging sila at pinangalan sa kanya yung bata.. nakapirma po siya BirthCert na siya yung tatay at sa kanya din po nakapangalan, ngayon po gusto ng partner ko na ipatanggal na siya sa birthcert ng bata as a father at papalitan na apelyido ng bata para wala na habol sa kanya.. kasi may balak na kami magpakasal, baka kasi magamit siya ng girl kapag nagkaanak na din kami.. sana po masagot niyo.. salamat po..

      1. Kaya niya kasi pinirmahan yun, tinakot siya nung tatay nung babae kasi ayaw niya ipangalan sa kanya.. di kasi nila alam na hindi siya yung totoong tatay.. shunga lang siya kasi di nagsalita noon..

      2. yung nanay na din po kasi ng bata nagsabi na papalitan nila ng apelyido pero nung sinabi na pamailya ng partner ko na hindi niya anak yung bata at magpapakasal na kami, bigla nagbago ihip ng hangin..

  79. Ano ang gagawin ko para palitan ang apelyido ng akong anak at isunod sa apelyido ng bago kong asawa pero hindi pa kmi annul nung dati kong asawa…sana poh mapayuhan nyo ako

  80. Hi po.

    Single parent po ako. Pareho kmi ng apelyedo ng anak ko at middle name.
    Magkaproblema po ba ako sa pag apply ng passport nya? Magkano po ba abutin kung ipatanggal ko middle name ng anak ko?

    1. Kung na register na yan at pumasok na sa PSA(NSO) yan na yung gagamitin nya at pwede naman sa pagkuha ng passport yan. Kung ipa pa ayos mo naman yan ida daan sa korte yan.

  81. Good day sir
    Paano po ba ang proseso ng pagpalit ng pangalan Ashley G. Cruz ang pangalan ng anak ko gusto ko po talaga Tashnea G. Cruz ang ipangalan SA kanya pinapakelamn KC ng byenan ko babae lht ng desisyon ng asawa ko pano po ba ang proseso 1yr old Na po ang anak ko d po kmi kasal tnx po more power sir

  82. Gud afternoon po. Ask ko lng po panu po kaya yung process ang gagawin ko Mali po kasi ang birth certificate ko. Junior po ako pero sa birth certificate ko walang naklagay na junior. Pero sa lahat ng valid ID ko may ginagamit akong junior. San po kaya ako pwede pumunta? Sana po matulungan nyo ko.slamat po…

  83. Gud am sir tanong ko lang po kung pwede pa ba mahabol yung pirma sa b.c ng anak ko… since kxe nung pinanganak sya hindi ko po napirmahan dahil sa isang magulong sitwasyon… 6 months na po ung bata… hindi po kami kasal ng babae… ano po ba dapat kong gawin?..

  84. Ang apeyido ng anak ko ay naka apelyido sa tatay nya ngayon po may karelasyon syang iba at buntis din po yung girl. Gusto ko sana na ipa.apelyido na sa akin ang anak ko dahil sobrang labo na pong magkabalikan pa kami ano po gagawin ko? Hindi naman kami kasal.

  85. hi good day po.. mag tatanong lang po ako

    ano po kaya puwde kong gawin kasi ung case ko naman po la po akong record na birth certificate tapos po nong pinanganak po ako year 1990 di pa kasal ung paperent ko at nag pakasal sila year 2000 po. ang problema namatay ung tatay ko na di ako na pa rehestro ang mga paper ko lang na may signed ang papa ko ung report card ko ng 4th year high school ako at ang gamit ko po talagang surname is ung sa papa since nasa elem pa ako hanggang ngaun ang sabi sakin nag nag papalate na ako sa municipality namin ang ma gagamit ko nalang eh ung sa nanay ko.. la na po ba ibang way? kasi kung mag kakaganon po lahat ipapabago ko lahat ng papers ko..

    1. Kasal ang magulang mo bakit hindo mo pwedeng magamit ang surname ng father mo? Kanino ka ba nagtanong sa munisipyo sa LCRO ka dapat pumunta. Mag file ka ng klate registration of birth at the same time eh legitimation due to subsequent marriage. Itanong mo kung pwedeng sabay itong gawin?

  86. Hi Sir Good Morning po!!tanong ko lang po kung ano ang dapat kung gawin ngaun kasi sa Birth Certificate ko un ang tamang surname ko noong kinuha ko ang NSO ko mali ang surname ko ” ang surname ko na nalagay ay ang Middle Initial ko” pano po ang dapat kung gagawin kasi ang father ko kasal sa una niyang asawa ano po ang suggestion niyo po!ngaun po hindi ako makakuha ng passport dahil sa mali ang surname ko sa NSO since nagaaral ako surname na ng father ko ang gamit hanggang ngaun.

    1. Naka apelyido kasa mother kasi hindi sila kasal nung father mo nung time na ipanganak ka? Kung kinikilala ka ng fatehr mo pero pwede kang mag file ng acknowledgement of paternity para malagay sa B.C mo yung surname nya. Kung ok lang sa iyo pwede kang mag ka passport pero naka sunod sa details ng PSA copy mo.

  87. Tanong ko lang po. Pwede ko pa po ba maayos yung bc ng baby ko ? mali kasi yung pangalan ko yung naisulat ko duon. Paano po kaya ito ? Mga magkano po kaya ang aabutin na gasto ?

    1. Pwede mo naman ipa correct yun. Dalhin mo sa munisipyo yung kopya ng B.C ng baby at B.C mo parehong galing ng PSA(NSO) ha. I file mo ng correction mga 1k lang aabutin yan.

  88. Magandang gabi po…ang tanong ko po sana ay ito ako ay nagkaroon ng anak sa isang lalaking may asawa tapos yong anak ko naka apelyedo sa papa nya pwede ko pa po ba yon malipat sa apelyedo ko single parin po aq at gusto ko po sana sa akin na ang apelyedo ng anak ko at magkano po kaya ang gastos at gaano katagal bgo malipat sa akin.

  89. Hello yung birth certificate ko po kase walang midle yung po papaaayos po 4motbhs daw bago maayos wala po bang ibang paraan para mapadali yun kase kailangan na kailangan na pagpagawa ng passport bago ako mag 18 hindi po kase aabot 4months nlang 18 na ako pwd po kaya mapakiusapan ang dfa dun

  90. itatanung ko po kung may bayad ang paglipat ng apelyido ng anak ko sa asawa ko kasi kinuhanan ko ng birth certificate sa nso apilyido ko pa nung dalaga ako ang nakalagay eh iyong kinuha ko na birth certificate niya sa municipal namin apelyido ng na ng asawa ko kc naipalipat ko na nung ikinasal kami kaso nga sa nso bakit ganun hindi napalitan

  91. Goodnoon po sainyo…ask ko lng po pwd po ba ako makakuha ng passport ng anak ko kahit sa father nya ito nkaaapelyido kahit di po kmi kasal at hiwalay n po kc napag alaman po nmin n my asawa po xang una.5yrs old n po ung anak ko..at sa ngaun po my bf aq n tga ibang bansa at gusto nya po kming epitisyon..tanong q lng po my mga process po b n kailangan ang ama nya pra mkaalis kmi ng bansa.salamat po..

    1. Nasa iyo pa ang right nung bata kasi minor pa siya. Ok lang kahit naka apelyido pa sa tatay yung anak mo. Yung sa petisyon lang ang hindi ko na masasagot kasi siempre mag kaiba kayo ng surname eh.

  92. Sir itatanong kpo sana kung maaari pa pong bawiin ng asawa ko ang surnme nia na ipinagamit nia sa batang Hindi nman po pla nia anak na pinaangkin lng pla sa kanya? Gsto ko lang pong mlaman. Salmat po

  93. hello po mastercitizen ask ko lang po paano po mapapalitan ang apelyido ko po sa taong nag ampon po saakin po? pero po ang mother ko po sya po ang biological mother ko po nkapag asawa po sya ng hapon po at gusto po nila na ayun ang gamitin ko po ang apelyido ng bago kong father po.. paano po ang processo po nun po maayos po ba yung BIRTHCERTIFICATE ko po nun at maisusunod po sa pangalan ng papa ko po ngayon po? thankyou po 🙂 sana po matulungan ninyo po ako.. 🙂 godbless po.

  94. Hi MasterCitizen, Good day po! Magtatanong lang po sana sa sitwasyon ko, meron pong ipapa ampon sa akin na bata malapit na sya manganak ang gagamitin nya po na pangalan habang nagpapa checkup sya ay pangalan ko din po posible naman na pangalan ko rin ang malagay na ina ng bata kapag sya ay lumabas na sa tyan ng bata at mairegister sa Local Registrar diba? At kung ako ay wala naman asawa lalabas na wala syang Middle name dahil Apelido ko ang gagamitin nya? Salamat po!

  95. Hi po ask ko Lang po ung Sa case ng sister ko May anak po sya na 3 year old pero Hindi po sila kasal ng tatay ng bata meron po syang apply abroad at hinihingan po sya ng full child custody from court nu po ung mga dapat nyang gawin? Mga gaano po kanya katagal ung proseso at mga magkano po maya magagastos? Salamat po

  96. Hi po ulit…nag consult na po kami sa munisipyo sabi po..sa korte daw po…ask ko lng po gaano po kaya to katagal ayusin..may isang taon po ba mahigit..? At estimated money po magagastos magkano po kaya?

      1. Hello..po may nakausap po c mama sa munisipyo namin sa province at advice po nila sa case ko is…cancellation na lng daw po..icancel na lng daw po yong registration ko may hearing din daw po sa korte..pag inaaproved daw po maglate register daw po ako ulit…sa tingin nyo po ok din po ba yong cancellation at matagal din po ba proseso?

      2. Kung pwede yung cancellation mukhang mas maganda yun kasi medyo mabilis bilis na proseso yun pero baka magpapalakad kayo siguraduhin nyo na may resibo ang bawat bitaw nyo ng pera.

  97. Good day po, tanung ko lang po sana kung panu mapapalitan ung father ng bata s birth certificate, naghiwalay po kasi kmi ng tatay ng anak ko buntis palang ako, meron pong umako n siya ang maging tatay s kanya n po nkarihistro ung bata. Dumating po ung time n bumalik po yung tunay n tatay ng bata . gusto niya n po kaming kunin. Maaari pa po bang malaman kung mapapalitan ung pangalan ng tatay .? pta po apelyedo niya ang magamit nga anak ko?

  98. Hello..po..may problema po ako sa nso birth certificate ko…mali po yong birth date ko..ang totoo po is june 27 1994…kaso lumabas po sa nso na december 17 2005…naging bata po ako ..honestly late registred po ako…ano po kailangan gawin..at gaano katagal..bago maayos po ito..at magkano po ang gagastosin…sana po magreply po kayo…please…

  99. Pwede po ba gamitin ang sedula ng kinakasama ko kht married ang nakalagay duon .. para sa pagproseso ng b.crtfc8 ng anak namen na ipapanganak pa lang ngaung bwan .. bale hwalay napo sila ng una nyang asawa peru di pa sila annul ..

  100. Good day po .. Mali po kasi yung gender co sa Nso . instead of female , male po yung nakalagay sa gender . Pwede po ba ko magpakasal kahit ganon ? Thanks 🙂

    1. Depende na yan sa officer na pag papasahan nyo sa munsipyo kung saan kayomg lugar ikakasal. Pwede ka naman mag pa affidavit pero antayin mo na din yung advise nila kapag nag file na kayo ng marriage license nyo.

  101. hello po ask ko lang ano puwede gawin sa birth certificate ng mga step kids ko kasi gusto na sila ipetition ng mother nila at inaayos na papers kaso sa bc mali po yun edad nun nanay pinabata po niya ng 3 years. saka declared po kasal sila ng mister ko sa bc ng bata kahit hindi. isa pa pong concern is kasal at may 3 anak po yun girl sa unang asawa pero ng mag abroad siya single po gamit niya at di niya po declared na may anak sya bukod sa 2 anak niya sa mister ko, ngayon po malapit na pong matapos sa college yun 2 bata at gusto niya kunin. di po ba ito makaapekto kasi magulo yun mga infos sa bc. gaano po katagal ang proseso at magkano po aabutin? thanks po!

    1. Magulo nga. Sa B.C nung bata dapat maayos yung edad ng nanay yung kasal na wala naman. Kailangan nyo na mag consult ng abogado kasi dapat merong dapat idaan sa korte na proseso.

  102. Sir may leave in po ako pero asa pinas sya.my anak po kme 7days baby gzto ko po sa apelyido ko eh rehistro ang bata kaya lng po asa barko po ako ngayon anu po kya pwidi gwin ng aswa ko sa pinas para marehistro ang bata sa apelyido ko?

    1. May mga dapat ka kasing pirmahan eh. Yung munisipyo kung saan i re rehistro yung bata ang magsasabi kung pwede. Kung ako sa iyo pag uwi mo na lang asikasuhin yung pag acknowledge sa bata.

  103. Hi sir good evening po…tanong ko Lang po ano po ba ang dapat gawin kung gusto kong isunod na ang apelildo ng anak ko sa tatay Nya sinunod ko po kasi sa apelildo ko kasi di kami kasal…ano po ba ang dapat Kong gawin sana po matulungan nyo ako…marami pong salamat..

  104. My ibang paraan pa po ba na mkuha niya din ako kahit hindi kami ikasal? .paano po kung ung dating pinakasalan ko hindi ko na alam kung nasaan? Ung case po kasi ng kasal ko dati is sa hotel room kami pinakasal. Kinasal lng po kami para daw po sa mbilis na visa. Pero hindi ko po alam kung totoong kontrata yung pinirmahan ko. Tapos pinakukuha ako noon ng pasport pero single daw ilagay ko.posible po kaya na totoo ung contract na un?

      1. Master hindi ko nga po alam kung inireguster nila un kasal, hindi ko din po alam kung totoong taga municpyo un ngkasal samin. After po kasi nung kasal pinakukuha nila ako ng pasport pero ilagay ko daw sa pasport is single. .ngrequest na po ako ng cenomar, pero not sure po kung anu maging result if kasal ako or hindi. Pinangangamba ko po kasi baka lumabas kasal na ko, khit hindi ko nmn po sigurado kung totoo ung kasalan na un. Hindi po ba iligal ung mga proceso dito sa pinas ng mga foreigner naghahanap sila ng papakasal nila sa kapwa nila lahi?. .

  105. Good day master tanong ko lng po kapag po yung pangalan ng anak ko nakasunod sa pangalan ng bf ko pero hindi po kami kasal dahil kasal po ako sa una pero wala po ako anak sa unan asawa ko at hindi din po nkasunod pangalan ko sa dati makukuha po kaya kami ng anak kosa bf ko na adopted ng japanese at citizen na po siya sa japan? Anu po kayang pede gawin?

    1. Yung anak mo posibleng makuha nya kasi naka pangalan naman sa kanya eh pero ikaw kasi paano ka nya kukunin eh wala kayong M.C. Depende sa VISA na i a apply nyo. Ayusin mo na din yung unang kasal mo para mapakasalan ka nya.

  106. good day po.. Allan Joy De Jesus Gojo Cruz po ang name ko pero ang nakalagay po sa birth certificate ko Allan Joy De Jesus Cruz lang po, nawala po yung Gojo.. ano po ang kailangan kong gawin? kailangan pa po bang dumaan ito sa korte?at magkano po kaya ang magagastos?

      1. Depende sa evaluation nung LCR officer nyo. Kapg pwedeng correction lang na wala ng court order or kung dapat i court order importatnteng part pala yung nawala eh.

  107. nagkaroon po aq ng karelasyon pero ayaw sakin ng magulang nya, pero alam kong buntis na xa, kaya nghiwalay kami, kaso ibang lalaki ang gusto ng mga relatives nya..at nagsama sila at ng manganak xa, ung bago nyang kinakasama ang pumirma ng birth certificate ng bata…pero naghiwalay din cla ng malaman nyang kabit lang xa..o may legal na asawa ung lalaki, pagkaraan ng dalawang taon, at ngparamdam xa sakin at sinabi nya sakin aq ang tunay na ama ng bata, legally ba maaayos q pa ba birth certificate ng bata gayong ibang lalaki ang paumirma sa birth certificate ng bata?naguguluhan aq paano q aayosin birth certificate ng bata?ano po ba dapat qng gawin?payo lang po salamat… kelangan pa po ba ng DNA test?

  108. pa-help po, malayo po kasi yung munisipyo kung saan narehistro yung cousin ko.
    Matanong ko lang po if may bayad po ba ang ganitong sitwasyon:
    mali po kasi yung apelyido ng tatay at nanay nya na nakalagay sa BC

    salamat po

  109. good pm po..tanung ko lang po?kapag po ba nagkaanak sa akin ang american citezens,magiging citezens din po ba ang bata at ako kahit hindi kami kasal???..gusto ko lang po malaman maraming salalmat po

  110. Good day, sir ask Ko Lang po about Sa case Ng anak Ko Hinde po Kame kasal Kya NASA apelyido po Ng asawa Ko inaayos Ko Na po Sa NSO at may annotation Na ok Na po Sa akin Na yung apelyido Kaya Lang po kinuha po Ng passport ng asawa yung anak Ko Na NASA apelyido pa Nya pano Ko po mapapaltan yung apelyido Nya Sa passport gamit Ang apelyido ko Pero Sa NSO po ok Na naayos Ko Na Sa apelyido ko 12 yrs old n po Ang anak Ko. Thank you po Ng madami

  111. Ask q lng po kung anu pwde q gwin kc po ang passport q codenera kc po un nasa BC q…pro ang lahat po ng paper q codinera…ngyn q lng po npaaus ang BC q para maging codinera….pnu q po kya mppapalitan ung s passport q???need po answer..salamat po

      1. Kuha ka muna ng appointment schedule sa passport.com.ph. Kapg may schedule ka na dadalhin mo yung copy ng B.C mo from PSA(NSO) at mga i.d’s mo na may correct details na gusto mong masunod at yung passport mo.

  112. Gud afternun po..I’m Kimberly joy cabe from Riyadh..ask q lng po prob ko..? Since birth po apelido ng nanay q gamit ko kc d po cla kasal ng taty ko then nung mgppkasal po aq nung 2008 sav po s civil register n pwede q n dw gmitin apelido ng taty q my batas n dw po n ganun cla n dw po ngaayos bsta ngbyad dw po km..knasal po aq s Asawa q n ang gamit q ay Kimberly joy maningas at nkka appear s marriage contract po nmin n maningas din ang gmit q nung ngpkasal ako..ngaply po aq mg abroad kmuha ng nso cabe p rin nklgay..tnry q rin po n kmuha ng cenomar lumabas nga po dun n hnd p nga dw aq ksal..hwaly n po aq s Asawa q..? Pwede p rin b aq mgpksal kung sakali..?

    1. Hi Kimberly,

      Kung ang nakalagay na apelido mo sa NSO BC at Certificate of Live Birth ay ang apelido ng nanay mo, hindi mo ito mapapalitan unless:

      1. ma-legitimize ka (nagpakasal ang mga magulang mo after kang ipanganak)

      2. Mag execute ang tatay mo ng AUSF (affidavit to use the surname of the father).

      Nung kumuha ka ba ng NSO BC mo nung mag abroad ka, wala bang annotations sa kopya ng BC mo na apelido na ng tatay mo ang gamit mo? Kung wala, ibig sabihin, hindi naayos ang pagpapalit mo ng apelido (basically dahil hindi dumaan sa kahit alin sa dalawang binanggit sa taas na proseso).

      Kaya walang nag reflect na kasal mo sa CENOMAR ay dahil hindi ang pangalan na gamit mo sa NSO BC ang ginamit mo sa Marriage Certificate.

      Abogado lang ang makakasagot kung pwede ka pang magpakasal ulit gamit ang pangalan mo sa NSO BC mo.

      MC

      1. Thank u po s details..prob p din po ung s 2 q anak kung d po km kasal at nklgay s BC nla n maningas middle name imbes n cabe po..wala po bng prob dun..?

  113. GOOD MRNING PO GUSTO KO LANG PO SNA ITANUNG TUNGKOL SA BIRTH CERTIFICATE NG ANAK KO ACTUALLY LAST MAY 21, 2015 LANG AQ NANGANAK AND SA LIVE BIRTH KCE NG ANAK KO SIA NAKAPELYIDO NGAUN WLA KCE SIA DITO SEAMAN PO SIA SO BALE AS OF NOW HNDI KO PA SIA NAPPRGISTER KCE BASE PO SA PINAGANAKAN KO NEED P DW PO NG PIRMA NG AMA NG BATA EH WLA PO SIA KAYA NG DECIDE AQ NA MAGPLATE REGISTER KCE KUNG SKIN KO PO I GAMIT UNG SURNAME KO MHHRAPAN AQ NA MAGPALIT.. TAPOS A MONTH AGO HNDI KO ALM MAY NABUNTIS SIA AT 2 MONTHS AFTER AQ MANGANAK NALAMN KO NLANG N NANGANAK NMAN UNG NABUNTIS NIA AUQ N SANA IPAGAMIT UNG APELYIDO NIA KAYA LANG SA LIVE BIRTH KCE NG ANAK KO SIA APELYIDO NIA ANG GAMIT NG ANAK KO …NEED P PO B NG PIRMA NIA PARA SA REGISTRATION CKE UNTIL NOW HNDI KO P PO SIA N PPBNYAGAN ..UN LANG

    1. Hi Kaycee,

      Kung hindi pa na-submit sa munisipyo yung certificate of live birth, baka pwede mong pakiusapan ang hospital na bigyan ka ng bagong kopya at huwag mo nang ipalagay doon yung pangalan ng ama ng anak mo (depende ito sa ospital). Pero kung na-submit mo na ang certificate of live birth sa munisipyo, mahabang proseso na para baguhin. Pwede ka pa din mag tanong sa munisipyo.

      MC

  114. Hi,

    Tanung ko lang kung puwede pa mabago ang Records ng bata sa Hospital. May ipapa ampon kasi sa amin at willing naman po ang mga magulang nun bata. Para sana maiwasan namin ang mahabang proseso lalu napo ang DSWD.

    Salamat

  115. Hi Master,

    Itatanung ko lang po sana kung puwede pa ba palitan ang Records ng bata sa Hospital at Munisipyo? willing naman ang mga magulang sa gagawin namin. Baby po pala ipinanganak nun October 28.

    Salamat.
    SV

    1. Hi Susie,

      Nasagot ko na ito sa previous email.

      Also, ang registration ng bata ay kailangang magawa within 30 days after ng kanyang kapanganakan. Malaki ang possibility na registered na ang bata sa LCR. Hindi na pwedeng baguhin ang details sa Certificate of Live Birth na registered na. Malalagyan na lang ito ng annotation kapag legalized na ang adoption ninyo sa kanya.

      MC

  116. Hi Master!

    Itatanung ko lang po sana kung puwede pa mahabol o mapalitan ang Record ng bata sa Hospital? at sa Munisipyo?.. Merun kasi ipapa ampon sa amin kaso sa kagustuhan po namin na huwag na dumaan ng DSWD at Atty e mismong hospital at munisipyo nalang ang aayusin namin. Payag naman po ang mga magulang noong bata

    1. Hi Susie,

      Kung napa-register na sa LCR ang bata, hindi na mababago ang mga nakalagay sa certificate of live birth niya. Maaari na lang itong lagyan ng annotation kapag na-formalize (legalize) na ang adoption sa kanya.

      MC

  117. Hallo po ,Ask ko LNG po Kung Ano po magiging proseso Sa kapatid ko na lalaki 33 year old na po siya now mamomoroblema po siya Sa knyang pagkuha ng NSO o live Birth kc d mlaman Kung Ano ung totoo Niyang Name simula nung paglaki Niya ,Sa maynila po siya ipinanganak kaso ung live birth Niya nung pinanganak siya Hindi na makita ,Nung nagsimula siya magaral lagi na Niya ginagamit ung Julius ,Pero Sabi ni Nanay ang nakalagay LNG daw dun Sa nawawala niyang live birth is Baby LNG .Tanong ko LNG po pwede po ba ulit siya mabinyagan ?Nahihirapan po kc Kumuha ng Live Birth .

    1. Hi Maria,

      Kung napa-rehistro siya noon, kailangan ninyong pumunta sa office of Civil Registrar kung saan siya pina-register. Dun kayo manghingi ng bagong kopya ng live birth.

      Sinubukan niyo na bang mag request sa NSO ng kopya ng birth certificate niya? Kung napa rehistro niyo na siya noon sa LCR, malaki ang chance na meron na din siyang NSO birth certificate. Kaya lang, kailangan ninyong masiguro kung ano ang pangalan na nakalagay sa live birth niya para mahanap ito sa NSO.

      Sa Office of the Civil Registry kayo mag inquire, kung saan siya ni-register noong ipinanganak siya.

      MC

  118. Hi po!
    need your advice, marriage po ako dito sa UAE sa Judical court noong Feb 2007 at ngayon May 2015 ay nagdivorce na po kami parehas kaming muslim.. then nag ask ako ng CENOMAr sa NSO at marriage po ang nakaregistered.. paano ko pa mapaplitan na single ako.. dito naman po ako sa UAE kinasal sa judical court nila. hindi sa phil. embassy or sa pinas. please advice po:) many thanks

  119. pwede po ba mag tanong ano po ba ang dapat gawin if hindi po nka perma yung tatay ng anak ko tpos ngayon gusto ko po siyang ipa perma bilang ama ng aking anak hindi pa po kami kasal kaya sa yong surname ng baby ko ai sa akin po

    1. Hi Ethel,

      Kung ang anak mo ay isinilang after August 3, 1988, at gusto ninyong ipagamit ang apelido ng kanyang ama sa kanya, kailangang mag execute ng ama ng Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF) sa Civil Registry kung saan naka rehistro ang bata.

      MC

  120. Tanong ko lang po kung pano ang gagawin ko.may anak ako s una kong asawa pero hnd kme kinasal nkaapelido po skin ang bata..mtagal n kmeng hiwalay ng knyang ina at nkapagasawa n ako ng bago at dto ay pinakasalan ko sya…ngayon gsto ipatanggal ng bgo kong asawa ang apelido s anak ko s una paano po ang proseso

  121. Hello po..may problema po kse bc ng anak ki ung panganay q po gusto ko pantanggal surnme ng ama di po kmi kasal pero nksunod sa apelyido niya kse ng file kmi ng paternity..pero two years n kmi hiwalay anu po ggawin ko pwd p b isunod n lng sa apelyido ko. Sana po mtulungn nyo ako. Salmat..

  122. Hello po, ask ko lang kung paano ko po aasikasuhin ang BC ng anak ko papasok na kasi sya sa school this coming june. Yung sa name nya kasi mali yung first letter, instead na “A” naging “L” di ba po may nilabas na statement ang NSO na walang bayad sa correction ng name at 15 days process lang? Totoo po ba yon ? Saka po yung surname po nya eh sakin inapelyido hindi pa po kasi kami kasal ng asawa ko nun that time at hindi sya nka pirma dun sa papel na pinapapirmahan skanya dahil nkalimutan nya puntahan . Ngayon po ay kasal na kami , madali nlang po ba ang proseso nun at gaano din po katagal ang pag process ? Salamat po sa pag sagot .

    1. Hi Ara,

      1. Ang case sa pag-correct ng spelling ng first name ng anak mo ay maaari nang ilapit sa LCR. Basahin mo ang write up ko tungkol sa mga ganitong cases dito: https://mastercitizen.wordpress.com/2015/09/08/application-to-correct-entries-for-nso-birth-certificates-how-is-it-really-done/

      Para naman sa process ng legitimation ng anak mo, ito ang mga requirements na kailangan mong ihanda at i-submit sa LCR kung saan naka register ang iyong anak:

      a) Certificate of Marriage;

      b) Certificate of Live Birth of the child;

      c) Acknowledgement (not required for illegitimate children born on or after 3 August 1988);

      d) Affidavit of legitimation executed by both parents which shall contain the following facts:
      (1) the names of the parents;

      (2) that at the time when child was conceived, the aforesaid parents could have contracted marriage, and that they subsequently contracted marriage,

      (3) the date and place when such marriage was solemnized;

      (4) the name of the officer who officiated the marriage;

      (5) the city or municipality where such marriage was recorded;

      (6) the name of the child to be legitimated, and the other facts of birth;

      (7) the date and place where the birth of the child was registered; and

      (8) the manner by which the child was acknowledged by the parents which may be in the child’s record of birth, in a will, a statement before a court of record, or in any authentic writing (not required for illegitimate children born on or after 3 August 1988).
      For a child to be considered legitimated by subsequent marriage, it is necessary that:
      the parents could have legally contracted marriage at the time the child was conceived ;
      that the child has been acknowledged by the parents before or after the celebration of their marriage ; and
      the acknowledgement has been made with the consent of the child, if age or with the approval of the court, if a minor, unless it has been made in the certificate before a court of record, or in any authentic writing.
      The original family name of the child as appearing in Registrar of Births shall not be erased or deleted, but in the remarks space shall be written “Legitimated by Subsequent Marriage” indicating the family name which the child shall bear by virtue of the legitimation also giving reference to the entry number in the Registrar of Legal Instruments.

      When the interested party requests a copy of the birth certificate of a legitimated child a certified copy of the certificate of Live Birth bearing the annotation “Legitimated by Subsequent Marriage on ________ (date of marriage) at __________ (place of marriage)” or a certified transcription using standard form from the Register of Births bearing the effects of legitimation and the same annotation indicated in the certified true copy shall be issued. (Rule 66, A.O. No. 1 S. 1993)

      Hope these helped!

      MC

  123. Ung birth certificate po ng anak ko panganay na pinanaganak nung 1998 ay nalagyan ng wrong entry.nung time na yon sa bahay lng po ako nanganak and nilagay ng kumadrona na kami ay kasal na ng asawa ko that time..akala po kasi nya nasama kami sa kasalang bayan ng dela estrada church..pano po ba gagawin sa problemang eto..mahal po ba ang gastos sa ganitong problema..kasal na po kami ngayon ng asawa ko pero last january 22,2010.sana po matulungan ako.maraming salamat po.

  124. Good afternoon sir.ittanong ko po sana kung paano po ang pagaayos ng legitimation ng anak namin..nanganak po ako nung nsa abroad sya at hindi po kami legal sa parents ko kaya ang nangyari sakin po nakaapelyido ang bata at wala pong nakalagay na name of father sa birth certificate nia..ngaun po umuwi ang tatay ng anak ko at nagpakasal po kami..ang problema po namin ay hindi po maacknowledge ng asawa ko ung anak namin dahil wala pong proof na documents tulad ng sss.

    1. Hi Roxane,

      Ito ang mga kailangan mong i-prepare for the legitimation of your child:

      1. Marriage Certificate ninyo ng father ng anak mo.
      2. Certificate of Live Birth ng anak ninyo.
      3. Affidavit of Legitimation executed by you and the father of your child. Mag consult ka sa LCR office for the complete and correct proforma of an Affidavit of Legitimation.

      MC

  125. good day po!
    itatanong ko lang po sana kung ano po ung procedures of correcting the middle name? ang middle name at surname ko ay sa mother ko po pero inacknowledge po ako ng father ko, un nga lang po nung time na pinanganak ako is hindi raw pweding gamitin ng bata ang apelyedo ng father kapag hindi sila kasal ng mother kahit inacknowledge nya pa ung bata.,
    itatanong ko na rin po sana kung pwede na okay lang po ba na hindi ko na palitan ung surname ko kundi ay tanggalin na lang po ung middle name ko.
    thanks po =)

    1. Hi Sidifinni,

      Pwede mong ipaayos ang middle and last names mo para magamit mo na ang last name ng father mo, in as much as inacknowledge ng father mo ang iyong birth.

      Go to the LCR office kung saan ka naka register at mag submit ng Affidavit of Acknowledgement at Affidavit to Use Surname of Father. I-file niyo ito sa LCR para ma-process ang pagpapabago ng last name mo sa BC.

      Kung ang gusto mo naman ay tanggalin lang ang iyong middle name, maaari kang mag consult sa lawyer kung pano ang procedure dito.

      MC

  126. Good Evening po sir.
    I hope matulongan niyo po ako dito sa problem ko po. 3rd yr. College na po ako ngayun. Since Elementary until 1st yr. college ang gamit ko pong surname sa father ko. Nung 2nd yr. College na po ako hinihingi na sa Registrar yng NSO BC ko kasi daw dapat pinass ko na yun nung 1st yr. pa ako. Kaya pinakuha ko pp sa tito ko. Tapos nung binagay na po sakin ng tito ko yung copy I was shocked kasi ang nakalagay na surname ko po dun yung sa mama ko. So I asked my mother kng bakit ganun then she told me na yung papa ko daw nag pa registered daw nun nung pinangak na po ako sa hoslital. Tapos nung umuwi daw sila dun sa lugar nila papa yung lola ko gusto ipagamit na surname ko ay yung kay papa kaya punapalitan nila since then yung surname na ni papa ang gamit ko. Pero nung yung surname ni mama yung lumabas sa NSO I decided to use the surname that was written in my NSO BC. Kaya nung 2nd yr. College ako up until now ang gamit ko na pong surname pati middle initial ay yung sa mama ko na po. Tama po ba ang naging desisyon ko?

    Another question pa po. Yung mom ko po kinasal na nung dalaga pa po sya tapos nung nag hiwalay na sila may iba nang pamilya din yung asawa niya po ay nag pakasal po ulit sya which is my father. Ibig sabihin po ba nun na void ang kasal ng mom ko sa papa ko po? kasi si naman po sila ng file ng annulment/divorce? Pero yung mama ko po ginamit ang surname nung father ko. Pwede po ba yun?

    Please help me. I really need your answer in this matter sir. Thank you and God Bless you.

    1. Hi Che,

      1. Yung sa BC mo, kung ano ang nakalagay na information sa NSO certified BC mo, yun ang dapat na ginagamit mo. Kung last name ng mother mo ang nakalagay sa BC mo, yung last name nya dapat ang gamitin mo. Kung ang ginagamit mo nang last name ay ang last name ng father mo, at gusto mo nang ipabago ang last name mo sa NSO BC mo, mag consult kayo sa lawyer. May acknowledgement ba ang father mo sa NSO certified BC mo?

      2. Ang legality naman ng marriage ng parents mo, given na kasal sa iba ang mother mo prior to her marriage to your father, ay mapapatunayan lamang sa pamamagitan ng pag check ng Marriage Certificate nila sa NSO. Kung ang kasal nya sa father mo ay registered sa NSO, ibig sabihin legal ang naging kasal nila at tama lang na gamitin ng mother mo ang last name ng father mo.

      MC

  127. Tulong po need ko ng advice anu po ba ang gagawin ko ganito po kasi nangyari

    Naghiwalay kami ng asawa ko last 2008 ng january 2008 ( hindi pa annulled ang kasal) Iniwan ko siya dahil niloko niya ako ang kasama nya ngaun ay ang babae na pinagawayan namin me anak na sila kasing edad ng anak ko sa pangalawa ko na kinakasama ngaun

    Me Anak ako sa una kong asawa 8 taon po sya gamit nya apelido ng father nya ako po hindi ko na po naipaupdate ang apelido ko dahil nadin sa sama ng loob ko sa nangyari dahil para saan pa po ang purpose kung wala na din naman po kami

    Me anak po ako sa pangalawa ko 2 po isang 4 na taon at isang 2 taon gamit ko po ang apelido ko as their middle initial and then ang apelido nila is sa father nila,

    Balak ko po mag abroad pero paano po ang gagawin ko lahat po ng documents ko is single hindi ko na po naipaupdate .

    1. Hi Allaine,

      Pwede kang kumuha ng passport at makapag abroad using your maiden name (or single status). Pwede mo din ipa-update ang iyong status sa mga government IDs mo kung gusto mo. In which case, sa passport mo, kailangan married na din ang status mo. It’s really up to you.

      1. Good Evening po sir. This problem keeps on bothering me. Kaya hindi po ako minsan maka concentrate sa school 3rd yr. college na po ako.
        *Yung mom ko po kinasal nung 17 pa po sya. Hindi po ba yun void? Kasi hindi pa naman sya nasa legal age nun. Tapos nagpakasal po sya ulit pero hindi pa po siya nag file ng annulment/divorce sa dati nya pong asawa. Panu po yun?

        *Dun naman po sa BC ko. Two times pa po silang nag pagawa ng BC ko. Yung ginamit ginamit ko po since elementary until 1st yr. College yung surname yung surname ng father ko. Then nung kinuha ko yung NSO BC ko I found out na yung Surname ng mom ko ang naka registered. Malaki ang pagkakaiba nung sa 1st BC ko sa una kasi dun sa 1st BC ko lahat po dun totoo tapos naka sign pa po dun yung father ko dun naman po sa 2nd BC ko mali yng nakalagay ng lugar kung saan ako pinangak.
        Nung 2nd yr. Na po ako Pinapalitan ko po yung surname ko. Ang ginamit kuna po kung anu ang naka registered sa NSO which is yung kay mama. Pati po middle initial ni mama yun ang gamit ko lumabalas tuloy na parang kapatid ko lang ang mom ko po. Panu po yun? Tama po ba ang naging desisyon ko? Ang iniisip ko po kasi na baka mahirapan po ako nitong kumuha ng passport. Please help me. I really need your answer sir. Thank you and God Bless.

      2. Hi Che,

        Anong year unang ikinasal ang mother mo? Kung before August 3, 1988 siya ikinasal, ang minimum age requirement sa mga babae nung mga panahon na yun ay 14 years old. Kung on or after August 3, 1988 naman, ang minimum age requirement ay 18 years old pataas.

        Sa mga changes naman sa BC mo, kung alin ang naka rehistro sa NSO, yun ang valid BC na dapat na ginagamit mo. At kung ano ang nakalagay na information mo sa NSO certified BC, yun ang dapat na ginagamit mo.

        MC

  128. Good Day Atty. Ask ko lang po kasi yung husband kong japanese gusto i adopt yung daughter ko she is (3 yrs old) anak ko po sya sa dati kong ex bf. Ngayon po ang law sa japan makakakuha ng visa ang bata kapag sa akin po mismo nakapangalan na ako ang parent ng bata sa birth cert. nya. Pwede ko po ba ipalate register nlng ang bata at ilagay ko na ako po ang tunay na parent nya? Help me pls atty. And if i need a lawyer pls recommend me a good lawyer po. Thanks a lot. God Bless.

    1. Hi Aubz,

      May existing na birth certificate na ba ang anak mo? Kung wala pa, late registration talaga ang mangyayari sa kanya. Pero kung registered na sya at meron na syang birth certificate, dapat din na nakalagay sa birth certificate nya ang pangalan mo.

  129. itatanong ko lang kung anu dapat gawin kung ang nso birthcertificate naka apelyedo sa nanay tapos ipapalipat sa apelyedo ng tatay.

    1. Hi Donna,

      Ang pagpapalit ng last name sa birth certificate (hindi simpleng typo error lang) ay kailangang dumaan sa court proceeding. Mabuting mag consult sa lawyer para mabigyan ka ng tamang advise regarding this.

  130. may inampon po kami pag ka panganak pa lang samin na nang asawa ko pinangalan . may habol padin po ba ang tunay na mga magulang

  131. Sir Good evening po. tanong ko lang po kung gaano katagal ang proseso ng discrepancy ng age at spelling ng father ko? mali po kasi ang age nya sa birth certificate ko at mali din po yung spelling ng name nya. may iba pa po bang way para mapabilis yung proseso? kailangan ko pa po bang kumuha ng lawyer?

  132. Good morning po may gusto lang po sana aqng itanong..nung ipinanganak ko po yung panganay ko hindi p po kmi kasal ng asawa ko kaya po ang gmit nyang lastname is yung sa akin pa,pero sa bc nya at report of birth nya dto sa hapan e nilagay q name ng asawa q and in acknowledge naman nya ung anak nmin,now meron pong passport n yung anak ko ang kaso problemado po aq pano palitan ang lastname nya?pwedeng doubled register nlng po ba or affdavit of legitimacy ang kailangan?

      1. Yes po dto po kami sa japan stable
        And sa info ng report of birth nya nilagay q naman po name ng asawa ko which is tatay nya dn naman pero ung name ng anak ko last name q nilagay ko kasi kinontra aq ng mom ko n wag q iapelyido sa asawa q kasi dpa nga po kmi kasal at baka wala nmng balak sinunod q nlng po kasi im not aware nmn po sa mga gnyan jasi kung alam q lng n magkkaprob eh,actually andami n nmjng nasayang n panahon kaso po antgal n po nming inaasikaso pinabalik balik lng po kmi sa embassy dto sa japn kht cnusunod nmin ung mga dpat asikasuhin then sa huli bgla po nila saabihin samin d dw po sila nagaasikaso ng gnyan dto sa pinas dw po yan,And meron din pong ginawa g paternity ung asawa q and acknowledgement etc.na anak nga po nmin ung panganay ko,so i thought pag nagpalit po sha ng passport automatic ng mapplitan ung last name nya hindi pala need pa palang maging legitimate ng anak ko.

  133. Hello po sir, tanong ko lng PO anong pwede kong gawin nasa abroad po ako matagal na at last year kinailangan ko Ng Bc from nso nakakuha po ako kaso yung name and family name ko po is ok kaya Lang may JR po yung name ko e mula po nag abroad ako d ko PO ginagamit ang JR dahil last time na kumuha PO ako ng BC sa civil registrar Ng bayan namin e wala pong JR yung birth BC ko please help me po. Thank you

  134. paano po iregister apelyido ko kasi apelyido ng tatay ko ang ginagamit ko mula grade school e patay na sya hndi nila na iparecord pwede ko padin ba to gamitin khit patay na sya? kasi payag din naman mga kapatid nya na gamitin ko surname nila

  135. Good evening po. Ano po ggawin ko kung my mali po s edad ng asawa ko n nkadeclare s bc ng anak nmin, kc pinanganak po anak nmin ng sept. 29, ang bday ng asawa ko ay oct. 25, dpat po 33 yrs old plang cya nung date n pinanganak ko anak nmin, kaso 34 po nadeclare ko. Paano po ggawin ko? Or dapat ko p b ito ipAAYOS? Dhil prang wala nman gamit ang edad ng magulang.

    1. Although parang hindi importante meron pa din itong effect. Halimbawa ipe petition kayo at dapat kayong magsubmit ng mga dokumento baka makita yung discrepancy na yun. Filing for correction lang naman yan. Pero technically pa 34 na siya that year?

  136. Good morning po.. may anak po ako he was born sept 2007 nung manganak ako 2weeks ako nkaadmit wlang ngaasikso tpus half lang ang nabayaran sa hospital ng promissory note nlang kmi.almost 9 years na wala pa din sya birth certificate nung mkauwi po kmi gling hospital may skit po plang hydrocephalus ang anak ko hindi na nmin naasikso ang birth dhil sa pagpapagmot ano po bang 1st and the last step ko na gagawin sna po may chance kayo na masgot ako.. malaki po ba ang gastos may kaso po ba kung ibang midwife ang pipirma para makapasok napo ng nso?slamat po

  137. good pm po sir tanong ko po sana may anak po ako nka apelyedo po sa tatay nya pero di kmi kasal at ngaun may pinakasalan po ako at gsto ko poka e pa apelyido sa asawa ko ngaun paanu po ung proseso??

      1. atty tanong ko lang po..kc ung napangasawa ko may anak sa pagkadalaga tapos ang apelyedo ng bata ginamit yung sa ama pero kasal po sya sa tunay nyang aswa….ngayun po gsto ko sanang isunod sa apelyedo ko ang surename ng bata papanu po ang process….salamat po and god bless…

  138. hi gud am po
    ask ko lang po illigitimate child po ako gamit ko ang last name ng mother ko sa pagkadalaga nya wala po akong middle name . kasal po ang mama ko sa hapon almost 20 years na planu ng hapon na e adopt ako anu po ba requirments ang kakailanganin ko 24years old na po ako ngayon un lang po ang naiisip nilang way para makapasok ako sa japan. thanks !

  139. Sir gusto ko lang po itanong 9 years na po ang anak ko pero wla pang birth dhil di namin na settled ang promissory note namin ano po ba dpat gawin ?

  140. ,hi sir… ask ko lng po sna kung ano pwede gawin sa kaso ko… yung baby ko po kse hindi name ko yung ginamit sa birth certificate nya bilang mother… inako po ng parents ko yung pagi2ng mother ko… name nila yung ginamit… ngayon po gusto po namin ayusin ng bf ko… gusto po namin na kunin na yung baby namin… tsaka palitan yung birth certificate nya… ano po pwede gawin…? thanks po in advance sa sagot…

  141. Gud eve poh ask kulang poh kung ano ang dapat Kong gawing hakbang o proseso.May Mali o kulang po kc sa apelyido ng kapatid ko.ang Family Name po kc namin ay “ALO-OT” pero ung sa kapatid ko “ALOOT” lng wala pong guhit (-) ung sa kanya

  142. Hope matulungan nyu ako sa case ko. May naunang asawa na ang nanay ko at ikinasal sila sa hwes. Hindi sila nag tagal kasi sinasaktan ang nanay ko ng una nyang asawa. Napilitan lang syang pumirma nun at di nya sineryoso na maililihistro ang pinirmahan nilang papel. 1992 nang mailihistro ang kasal nila pero di sila nag tagal dahil lumayas si nanay ko. Hanggang sa magkakilala sila ni tatay at ako nga ang unang naging bunga ng pagsasama nila. Ipinanganak ako noong June 1994 at ipinalihistro agad na gamit ang apelyido ng nanay ko. Sa makatuwid wala akong middle name. Nag pakaal sila noong Dec. 1994 at sinimulan nilang ayusin ung problema sa BC ko. Naayos sa local registrar akala nila ok na ang lahat na wala ng magiging problema. Simula ng mag aral ako apelyido na ng tatay ko ang gamit ko lahat ng legal documents ko apelyido lahat ni tatay ang gamit ko. Kumuha ako ng NSO nitong taon dahil kailangan sa school graduating na po kasi ako ng colleges at duon po namin nalaman na apelyido parin ng nanay ko ang nakalagay. Humingi po kami ng payo kung paanu maayos sa NSO ang name ko dahil ok namn na po ang record ko sa local registrar may mga binigay silang papel upang ipakita namin sa NSO para maayos. Nilakad naman po agad yun ni tatay pumunta po sya sa main para maayos at duon po nila nalaman na may bisa pa din ang unang kasal ni nanay kaya hindi madaling ayusin ang problema ko tungkol sa pangalan ko. Anu po ba ang pwde naming gawin dahil matagal na pong walang communication ang nanay ko at ang unang nyang pinakasalan. Kasal naman po ang nanay ko at ang tatay ko at sa aming magkakapatid ako lang po ang may problema dahil nung ilihistro ako eh hindi pa po sila kasal nuon. Maraming salamat po at umaasa po ako sa feedback.

    1. Dapat mapawalang bisa muna yung unang kasal ng nanay mo. May batas naman na kapag wala ng komunikasyon ang mag asawa sa loob ng maraming taon na pwede ng ipawalang bisa ang kasal nila. kailngan nyong mag consult sa abogado.

    2. Mahabang proseso po ba ang pag sasa walang bisa ng kasal?
      Ano po ba ang mabilis na paraan ipabago ko lahat ng legal documents ko upang masunod ang nakalagay sa NSO ko o yung ipaayos ko po ang NSO ko salamat po sa payo

  143. Good evening po..gusto ko po sana itanong kung pwedi ko po bang ipaapelyedo sa bago ko ngaung ka partner sa anak ko. Kasi po bata pa po ako nung ng asawa at kasal kami sa civil at muslim.. tpoz nghiwalay kami at meron na syang ibang pamilya pero wla akong anak sa kanya, at sa ngaun po ngkaroon ako ng isang anak sa bagong partner ko sa ngayon..pwede bang iapa middle name yong sa akin at apelyedo ng bagong partner ko ngayon sa anak ko sa kanya ngaun?

    1. Kung siya yung father nung bata at kinikilala naman nya pwede nyong isunod yung surname sa kanya pero illegitimate pa din yung anak mo kasi hinid naman kayo kasal nung tatay ng bata eh.

  144. Hello po, yung anak ko po nakaapelyedo sa tatay nya pero yung tatay nya po matagal na kaming hiwalay mga 2011 po. Ngayon ay may pamilya na sya at isang anak, at dahil nga po naaksadente sya before, hirap sya ngayon magtrabaho,nagbbigay sya ng kaunti para sa bata pero hindi madalas. Ang akin lang po total hindi naman kami kasal at hirap sya sa pag sustento at my srli na rin syang pamilya, pwede ko po bang palitan ang apelyido ng anak ko sa apelyido ko???

  145. Hi po mag tatanong lang po aq kung papano po gagawin ko na isunod sa apilido ko yung bata. At ako yung ilagay na mother dun sa birthcertificate niya. Anak po sya ng kaibigan ko pero ayaw po sya akuin.pero niregister muna po yung bata habang nandtu po ako s abroad 1 month plang po yung baby gaano po katagal ang process? At mga mag kano po kaya mgagastos ko.. salamat po

  146. good pm tatanung ko lang po sana kung paano mag paayos mg birthcertipicate ng anak ko… mali kase ung surename na nailagay sa birthcertificate nya… pati ung apilido ko na nakalagay sa birthcertificate mali din…

  147. sir gud afternoon po gusto ko lng po sana papalitan ung apelyido ng panganay ko kc po ang apelyido po ng panganay ko ay sunod skin pati n po ung middle initial d pra po na kapatid k lng po ung ank ko ang lbas sna po matulungan nyo po ako na maging apelyido n ng asawa ko ang panganay ko

  148. hlo po sir may itanong Lang po ako kc po sa NSO ko po wala po akong middle name . tapos ang nasunod ko po is May middle name ako..ano po gagawin ko para mapalitan ang nasa NSO ko..lahat po kasi mga diploma ko May middle ako..reply po pls..nahihirapan po ako mag hanap ng work dahil Dyan…

  149. May anak po ako dalawa sa una kong asawa saken po naka apelyido mga anak ko.. ngayon nag asawa po ulit ako at may anak kami isa sa asawa ko po naka apelyido yun.. pwede ko po ba palitan ang apelyido ng dalawa kong anak sa una sa apelyido ng pangalawa kong asawa?

      1. Gusto ko po sana malaman kung pano po ang pagproseso at anu po ang kailangan na requirements at magkano po kayo ang magagastos ko po sa lahat lahat?

  150. goodpm po sir tanung ko lng po ano po bang pwedeng gawin sa birthcertipicate ng anak ko….ngkarun poh kc kmi ng problema.nde ko po kc alam n naka register na ang anak ko.nagkarun po kc ako dati ng boyfriend at nun nanganak ako nde namn po kc cya ang tatay ng anak ko.pero inirehistro nya sa apelido at ginawan n pala nya ng pangalan…nghiwalay napoh kmi nun matagal n.ngkarun ako ng probema nung ng pa late register ako.apelido ng bf ko ang nakalagay.pano ko po ba maililipat ang apelido ng anak ko sakin at mapalitan yung name n nilagay sa birth nya…ano poh kaya ang pwede kong gawin..tutal matagal nmn npo kming wala ng bf ko at ngasawa n cya.nde din po kmi kinasal.sana po mabigyan nyo po ako ng information kung ano pwedeng gawin.maraming salamat po.

      1. salamat po sir tanung ko lang po uli kung mayrun po kayong kilalang abogado na pwedeng makatulong sakin.at magkano po kaya ang gastos gusto ko din po kasi malaman kasi po nde ko namn po kayang magbayad ng sobrang mahal.pasensya na po kung pati ito naitanung ko.

  151. Ask ko lang po.may asawa ako malaysian. Buntis ako at balak ko manganak sa pinas.paanu po kaya ang ggwn ko pra sa ama parn xa nakasunod ng pangalan. Mgng legal prrn po ba xa na anak ng asawa ko kht sa pinas xa pinanganak. Malaysian rn poba mggng nationality nya

      1. Yes po kasal kmi unang anak nmn dito ko sa malysia pnanganak. Pero medyo ngkakalabuan kmi at balak ko ipangnak etong pngakawa nmn anak sa pinas.

      2. Bago lng po kc ikasal e pnkuha lng ako mga papers galng nso den pnared ribbon nmn den pnsa sa phil embassy dto sa kl. Un napo ba un? Or need kopa ilakad dpt ireport at paaanu po aa aang ganub pasena npo d ko alm.

  152. Gud day po.. sir tatanung ko lang po… Paanu po ba ang process ng pag transfer po ng apelyido ng kinakasama ko po sa anak ko po.. Kasi po ang gamit na apelyido at middle name ng anak ko po ay sa akin.. Single mom po kasi ako.. Pero po ngaun may kinakasama po ako.. Ang gsto po nya ay ilipat ang surname nya sa anak ko.. Dhil tinuturing nya po itong parang anak na nya. Pede po ba yun khit hindi pa po kami kasal?. Paanu po kaya iyon? At magkanu po ang magagastos po nmin? Maraming salamat po. Txtbck po

  153. Good afternoon po, gusto ko po sana itanong kung posible pa po ba na mapalitan ang apilyido ng mga anak ko sa apilyido ng asawa ko ngayn, gayun adult or nasa legal age na sila, kasi ang gamit po nilang apilyido ngayon ay ang apilyido ng dati kong kinakasama pero di po kami kasal ganun pa man nakapirma po sya sa BC ng mga anak ko at kung sakali naman po na pwedeng palitan ang apilyido nila more or less magkano po kaya ang magagastos, at ano ano po ang mga dapat gawin ?Salamat po..

  154. Good day po.mahaba po ba proseso ng pagpalipat ng apilyedo kasi my anak ako gamit nya apilyedo gusto po palipat ng ama nya.magkano kya kaylangan na pera?

      1. Gud pm po. Ask q lng po panu po mapapalitan ung birthcert ng anak q nakalagay po kc dun married? pero d po kmi kasal ng papa nya. Paano po ang proseso? Tnx po

  155. hi gudpm ask ko lng po.paano magchange surname ?ung baby ko po kc 6mos.gusto ko po ipaapelyido sa tatay nya .pro paano po un nkarehistro na po kc sya ngparehistro ako s munisipyo ng mnila .ano dapat ko gawin ?please help

  156. dobble entry po ako at mali mali ang na indicate sa nauna kong birthcertificate bali corection of entry and cancelation po ang case ko… mga ilng years po kya aabutin ito bago maayos?tulungn nyo po ako 😦

  157. Itatanong ko lang sana kung magkano aabutin kapag pinalitan apelyido ng anak ko. Nung nabuntis kasi ako nagfun run po ang tatay ngayon gusto niya na ilagay isunod sa apelyido niya. Nung nanganak ako sa ospital sa akin nakaepelyido ang bata at unknown ang nakalagay sa birth certificate ng anak ko dahil nga galit ako at ayoko sana siya ipakita ayun ng ng 2months old anak ko tinawagan at text nila ko na makita siya. Ngayon pinapaayos skin ng lola ng anak ko yung bc niya magkano kaya paayos at ano mga requirements? Thank you po

  158. gud day po sir paadvice lang po aq. ganito po yun, simula nong nag aral aq apilyedo ng tatay ko ang ginagamit hanggang sa nakagraduate ako. hanggang sa nkapagtrabaho po ako.. pero sa birth ko po ay sa aking ina.. lahat ng papeles ko po ay nkaapilyedo sa aking ama except lang sa sss.. ngayon mgkakaanak na po ako ano ba dapat dalhin na aplyedo ng baby ko gusto kc ng gf ko na apilyedo q pero d po kmi kasal tnx po. i’m male po…

  159. gud eve po tanung ko lang ppo kasi uhn kapatid ko late registered na cya….ang nkalgays civil regis… eh gelli A. TAUY YUN NA PO ANG GINAGAMIT NYA HANGGANG HIGH SCHOOL PTI SA MGA REQUIREMENTS….THEN LAST YEAR KUMUHA NA SYA NG NSO BC…ANG NKALGAY NA EH GELLI A.FILLE…ANU PO ANG GAGAWIN NMIN… ANG TAUY AY SURNAME NG MAMA NMIN..DHIL NGA NDI CLA KASAL NOON..KYA SURNAME NI MAMA ANG GAMIT NYA..PERO PO SA LIKOD NG NSO NAKALAGAY DUN UHN NAME NG FATHER NAMIN AT MAY PIRMA PA… ANU PONG GAGAWIN….SNA PO MATULUNGAN NYO KMI THANK YOU

  160. kapag may NSO birth certificate kana then mali ang year, pwede pa ba palitan yun? tsaka paano kung dalawa na ang rehistro mo sa civil registrar ano ang mangyayari? kasi nung sinabi namin na sa municipal na mali ang year ng birth certificate sabi nila magkuha nalang daw kami ulit then nung nakakuha na kami nagkuha kami ng NSO then yung lumabas yun parin yung first na mali ang year? so paano na yung isa bago kinuha namin? ano ang gagawin namin?

  161. Hi! my question is, if you have already your passport the you want to change some info there like for example your date of birth or year, so it is possible to change?

  162. gudmorning po..ano po ang gagawin sa proseso sa pagpalit ng pangalan ng bata dahil hnd nman kasal sa ama..

  163. sir gud pm po..kasi po ang apelyido ko “LLAMOSO” yung nasa BC ko “LLAMOSA” pati yung sa father q “LLAMOSA” din pero “LLAMOSO”po tlaga apelyido namin..ask q lang po if how much kya pagpapalit nun?thank you so much po sir..

  164. Sir good pm po.
    Ask ko long po Kung ano gagawin. Kc po ung anak ko and naipasa ng asawa ko ung live birth in baby as municipyo nung pinanganak ko ng hindi ko alam . Ngayon po nag aaply ako ng philhealth kc laging nagkakasakit anak ko and nagpunta ako nso para maicarry ko sana anak ko kaso negative po. Ang problema po nasa ibang bansa na ung asawa Ko. Paano ko po maireregistro ung anak ko para maicarry ko xa sa philhealth..
    Tnx po kung sakaling sumagot kau.. malaking tulong po to

  165. Sir ask lng po sa BC ko po kc parehas po kme ng mother ko na walang middle initial pero po sa BC ng mother ko meron po sya middle initial pano po ba gagawin sa BC ko???wala po kc ako father kya wala ako middle initial tnx po

  166. HI Sir, Good day po! I’m lucky to found your site. Ask ko lang po sana about my problem.
    Sa NSO ko po kasi may middle name ako which is illegimate child ako kasi mother ko lang po yung naka register dun tapos po ang lumalabas na magkapatid po kame. Kasi i’m using her middle name and surname as well. Lately lang po ako nainform na dapat walang middle name actually yung clerk po ng SSS ang nag inform sakin inalis po nya yung nilagay kong middle ko tapos inaccept naman po nya yung copy of NSO ko. GUsto ko pong maayos to kaso i don’t have any idea where and what to start. Please help me po. Thank you and God bless!

    1. Sa munisipyo kung saan ka naka register uumpisahan ito. Pero kung naka declare na ito at ina accept naman yung NSO mo ok naman yan eh. Kasi baka i court order pa yan eh.

  167. sir ask ko lang po gusto ko maayos yung birthcertificate ko kasi yung surname ko sa nso namocatcat middle name yun ng tatay ko ang surname nya talaga ay damalerio. tapos lahat ng documents ko damalerio lahat gusto ko maitama kasi gusto ko mag abroad. single mam kasi ako……. damalerio po talaga ang tamang surname ko. ang nasa nso ko MARICEL TABES NAMOCATCAT. yung tama po dapat MARICEL TABIS DAMALERIO. salamat po sa sagot

  168. Good afternoon po sir 🙂 Nasa abroad po kase tatay ng anak ko at hindi pa po kame kasal pano po pag naipanganak ko na si baby pede po ba na isunod ko na ang apelyido ni baby sa tatay niya kahit wala pong pirma ng boyfriend ko? O kung di naman po pede po bang member of the family nlang ni boyfriend ang pumirma?

  169. Hi! Tanong ko lang po if anong pwedeng process para matanggal surname ng father ng baby ko sa bc nya. Kasi wla nman sustentong binibigay.. Salamat po

  170. Sir good day po. Ask ko lang po kung paano po magiging legitimate ang anak ko? Nung ipinanganak ko po kasi sya ay hindi ko ipinalagay ang pangalan ng ama nya. Kaya sa akin po nakaapleyido ang bata. Ngayon kasal na po ako. Pede ko po ba mapa-legitimate ang anak ko? Maraming salamat po.

  171. Goodday po!, ask ko lang po pano po ba ang magiging process kasi po ung pangalan po ng mama ko sa birth cert ko maling pangalan nya po so ngaun po nabago na ung sariling birth cert ng mama ko from agnes-angela un na din po ung lumalabas sa bitth cert nya kapag kumukuha po sya. Pero ang nasa birth cert ko po agnes pa pano po ba magiging process salamat po.

  172. sir tanong ko lang po ano po magandang gawin sa livebirth ko kasi nag kamali ng sulat sa apilydo ko dapat GUILLARTE ang ngyari GUILATE ano po tamang gawin ko mag aabroad po ksi ako thanks in advance po

      1. Ask lng po panu ko po malilipat s apelyedo ko ang apelyedo ng anak 2yrs old na po sya,d kmi kasal ng tatay ng bata.wala n po kmi pkialam s isat isa gusto po namin n malipat na s apelyedo ko.anh b.c nya po ay apelyeso ng tatay pti po ang baptismal.so pnu po gagawin ko,if malilipat po skin ang apelyedo ng bata nid pb ng aproval ng tatay in.tnx po.

  173. Hello po. Pano po yung proseso ng pagpapalit ng apelyido? Kasi po sa ina po naka apelyido yung bata, ngayon po gusto nila na ipaapelyido sa ama.

  174. Sir magtatanong Lang po sana ako kung Pano ko maililipat sa apilyido ko ang aking anak na nakaapilyido sa tatay nya.dI po Kami kasal kaso nakaaknowledge po sya sa Bata gusto ko sanang iapilyido ko sa akin ang anak ko dahil 4months palang sya hiwalay na Kami ni walang suporta eversince

  175. Sir ask ko lng po . anu po ang dapat ng requirements para po sa paglilipat ng apelyedo ? Magpapabinyag na po kc ako pero d pa rin nakaapellyedo ang bata sa tatay niya. Pero may affidavit of paternity na may perma nya kaso d ko pa nafile hanggang ngaun kc nakarehistro na ung birth certificate nya . Ano po ang mga hakbang ang dapat kong gawin ? Sana matulungan nio po ako . Thank u .

    1. Yung latest na nakuha mo sa NSO na copy at mag documents mo na mg papakita ng tamang middle name mo ay dadalhin mo sa munisipyo kung saan ka naka register para maka pag file ng correction of entry.

  176. ask ko lang po pano ko po papapalitan apelyido ng anak ko sa apelyido ko? hindi po kami kasal nung tatay niya. Nung nanganak po ako ok pa kami kaya yung birth certificate ng anak ko nasa apelyido ng tatay niya. Pero ngayon hiwalay na kami matagal na. Kaya gusto ko po sana papalitan apelyido ng anak ko sa apelyido ko. Pano po gagawin ko?

    1. nag work po ako sa restaurant 13 years regular..may nag sumbong po ng kasamahan po namin na umiinom daw kami ng alak at kumakain ayaw naman nila iharap yung nagsumbong tapos kasama po raw ako sa mga nagsabi ng lagot ka paglabas mo sabi ko hindi ko po sinabi yan kaya po pinagawa po nila ako ng explanation letter hr po ang nagpagawa….ang tanong ko kahit hindi ko po sinabi ang salita na yun grave treat po ba yun?.matangal po ba ako sa work ko?salamat po.

      1. sir maam pano po eh wala naman po akong sinsbi na banta…gravetreat pa rin po ba yun.

  177. hi sir ask ko lang po kung pano ko makukuha yung anak ko,nasa pinas po.
    kasal po kasi ako sa father nya nung 15yrs old plang ako,den 2yrs after naghiwalay din po kmi ngayon po my bago na po akong pamilya at kasal na po ako.
    gusto ko po makuha ung anak ko,
    Hindi po ba ako ma question if ever kuhanan ko sila ng passport?kasi married na ako sa iba?
    payag nmn po yung father na dalhin ko na yung bata,
    Ano po mai advice nyu,
    pls help..

      1. 13 at 14 yrs old po cla
        nkalagay po kasi sa bc nila ung kasal namin
        e pag kumuha po kasi ako ng passport nila di sila mag taka na yung apelyedo ko iba na?
        if ever po mag pa annulment ako magkanu po kaya ang magagastos?
        thanks po sa reply..

      2. ang restaurant po namin ay may serves charges..nong una binibigay nila 50 pesos 1 month…katagalan po tinanggal na nila..pero nakita po namin sa resibo may 10 percent na serves charges pa po na sinisingil..sa menu namin ganun din nakalagay din 10 percent…tanong ko lang po ang pagkaka alam ko ang serves charges po ay pinaghahatian ng mga empleyado puwede po ba yun hindi na nya ibigay sa empleyado.salamat po ng marami..

      3. Sa DOLE ka dapat mag reklamo kapag labor issue na ang problem mo. Yung service charge walang akong idea kung sa empleyado ba dapat mapunta.

  178. hi po..gud eve!! nagkaanak po ako sa ibang lalaki pero my asawa po ako.. due date ko po ng pangangank is july 1 .. alam na po ng asawa ko nngyri.. ngayon po ang tnong ko pede po bang gawin aug.8 ang birthdate nya pra kunwri ay 7 months ko po sya ipinangank.

  179. gud day poh tnong ko lng po panu kung ang gamit kong apelido simula pre skul hangang high skul ay sa nanay ko tpus nung nkagraduate ako sa highskul bigla po nila itong pinalitan ng apelido ng tatay ko nalilito po ako ngaun kung anu ba tlga gagamitin ko kc ung nsa birth certificate ko apelido ng nanay ko po wlang middle name tpos nkpirma nman po yung taty ko dun sa acknowledgement anu po ba dpat kong gmiting apelido please po I need an answer regarding sa problem na yan mg aaral poh ulit ako sa college.

    1. Ung nsa nso ko po ay apelido ng nany ko ang gusto ko po sana yun nlng gmitin ko kc un napo nksanayan ko hindi po sila ksal ..kya daw poh npalitan yung apelido ko kse mei acknowledge ng taty..

      1. Kung hindi naka reflect sa NSO B.C mo na pwede mong gamitin ang surname ng tatay mo hindi mo ito dapat gamitin tama yung ginagamit na surname ng nanay mo at dapat wala kang middle name. Ang acknowledegement na ginawa sa iyo ay pagkilala lang hindi pag allow na gamitin ang surname nya. Ang official record mo ngayon ay yung nasa NSO.

      1. Ok poh thank u anu poh b dpat gwin kc pu yung diploma ko po sa hyskul ay npalitan na tsaka yung mga tor and good moral etc. Npalitan nrin ayaw napo nla ibalik sa dati san po b ako dpat pmunta pra maayos ?

      2. Sa kanila na dapat iayos yan eh. Ipakita mo sa knila na yun ang nasa NSO record mo at ina align mo lahat ng dokumento sa isang details lang.

  180. paano po nya pwedeng i acknowledge nakasampa po siya? ang sabi po kasi di pwede pag wala ang presence ng father. if ever po pagbalik niya magpapakasal po kami, madali lang po ba ang process once na kasal na ? gano po kaya katagal ang proseso ng pagpalit ng surname at mga magkano po magagastos? salamat po

    1. Pagdating nya at nagpakasal kayo ang gagawin nyo ay legitimation due to subsequent marriage mura lang ang proseso nun mga 1k lang aabutin madami nga lang requirements.

  181. sir good evening po, gusto ko po sana itanong kung paano po ang gagawin ko. i am 8 months pregnant di pa po ako kasal, ang boyfriend ko po ay seafarer. gusto po sana namin ng boyfriend ko na ilagay sa apelido ng father ang baby namin. pero di pa po ako nanganganak sumampa na po siya. paano po ang gagawin namin sir para maging apelido nya si baby? malayo siya at di siya makakapirma sa birth cert ni baby to acknowledge. sana po matulungan nyo ko. thankyou po.

  182. sir, ask ko lng po.. paano ko mapapalitam name ng baby ko.? Iba po kasi ang pangalan nya nung bininyagan sya. Di ko po kasi akalain na iibahin ng tatay nya ung naisip kong pangalan para sa kanya. Ung ama nya po kasi ang nagproseso ng kanyang birth certificate. Hiwalay na po kami at di kasal. sana matulungan nyo po ako..

    1. may mga ground ng pagpapalit ng name ng bata kung yung reson mo papayagan nung LCR officer nung munisipyo kung saan naka register yung anak mo mag pa file ka ng change of name sa opisina nila.

  183. gud pm po ask k lng po mli po ang surname ng nny k s nso imbes n chua ”SIO” nklgy ngbyd n kmi s lcr 2700 pero hnd approved ng nso kht my birth certificte ng mga kptid nya lht kc ng id nya chua gmt nya pti s titulo ng lupa pno po kya ggwin nmn?my bngy yng lwyer affidvt lng

  184. Hi sir. I am czarina selga. Problem Ko po kasi yung name ko. Sobrang pareho po kasi kami ng name.. Czarina maria antoniette po dapat ang name ko kaso naging czarina maria Michaela. Sobrang pareho po. Birthday lang po naiiba. Nahihirapan po akong mag school and work because of error names. Balak ko naman po kasi sanang mag ibang bansa. Lahat po ng nasa I.D ko is my real name. Michaela nga lang po ang nasa BC. Ano po gagawin ko. Wait ko po reply niyo thanks.

  185. Gud day po…ask ko lang po…may anak po ako..pero di skin nkapangalan yong BC nya..after a year po..bumalik at ngsama kami ng tunay nyang tatay peo nghiwalay din po..,ngayon po gustong ipagamit ng ama nya yong apelyedo nya sa bata..ano po dapat nmin gawin..masagot nyo po sana ako..salamat po

  186. magandang hapon po pwede po ba ako magtanong kung ano dapat kong gawin kasi po gus2 ko po sana ipalagay yung pangalan ng tatay ng anak ko sa birthcertificate nya kasi po hindi ko po sya sinulat nun nanganak ako sa madaming kadahilanan po pero napa record na po ata sa NSO ng lying inn na pinag anakan ko . american po ang ama ng anak ko ngayun po gusto ko po sana ipaayos ano po ba dapat gawin? nung january 2015 lang po ako nanganak pwede pa po ba mahabol yun? maraming salamat po

  187. gaano katagal sir yung processing ng ligetimation due subsiquent marriage ….maraming salamat po…..

  188. hello po.. tanong ko lang po about sa birth certifacate, na pwede pa ba mapalitan ang name ng anak ko pero ang apelyedo hindi na.. tapos pwede ko po ba alisin ang name ko sa birth certifacate as a father ng bata after ma regestered? kung pwede magkano po ba ang magasto at ilang buwan po ba bago matapos ang proces nyan? salamat po..

      1. ok kailangan pa ba ng court hearing yan or dun na lang sa LCR ng munisipyo namin magprocess ng BC

  189. gud eve po sir ask kulang po kasi ang asawa ko sa probinsya po sya nanganak ng tym po na nanganak po siya indi pa po kami kasal kaya po surname po ng misis ko po ang nakalagay sa BC ng bata at wala po dun ang pangalan ko sa Bc ng bata ….at sa ngayon po kasal narin po kami piro anim na taon na po ngayon ang bata ……ask kulang po ano po ang gagawin ko meron narin po kaming cenomar ng asawa ko….at merrages certificate …….ask kulang po kung gagastos po kami ng malaki para my idea po ako kc uuwi po kami dun sa probinsya ng misis ko para ayusin yung BC ng bata…….at kagaano kaya po katagal ayusin ito…..maraming salamat po……..

    1. Hinid na kalakihan ang magagstos mo sa legitimation due to subsequent marriage na proseso para masunod na yung surname mo sa naka mo. Mga 2k siguro aabutin yan.

  190. sir .pwede ko pa po ba palitan ung apelyido ko ang gagamitin ko kasing apelyido pacubas gusto ko pong gamitin ung apelyido ng lola ko ..ang tunay na apelyido ko ramos .at mag kano poh ung magagastos kong sakaling pwedeng palitan ung apelyido ko..

  191. Good Afternoon,

    Ask ko lang po illegitimate po ako then nung nag asawa po ang mama ko pinapalitan po yung apleyido ko sumunod na po sa bago asawa ng mama ko, kala ko po naayos na so yun na po ginamit ko surname mula high school hanggang sa nag asawa na po ako,, pero last year po pagkuha ko po ng nso nalaman ko po na hindi po pala nabago yung apelyido ko apelyido pa din po ng mama ko ang nandun sa nso,, panu po yun valid po ba ang kasal namin dahil di pa po pala nabago yung surname ko nung nagpakasal kami. pero ok na din po sa akin kung not valid po yung kasal namin kasi hiwalay na po kami nung asawa ko. panu po kaya yun ? susundin ko po ba yung nasa nso.? salamat po..

      1. Ginamit ko po yung bc na bago para xerox po yun un po yung pinasa ko, lately ko nalang po nalaman na di pa po pala sya naayos my mga kulang pa po pala docs kaya di po sya naendorse sa nso , kaya ung nsa nso ko po apelyido pa din po ng mama ko, valid po ba kasal namin?

      2. panu po yun iligitimate po kasi dun sa una ko birth ceritificate inadopt lang po ako ng stepfather ko kaya po papapalitan ung surname ko, kaso di pa din po napalitan.

      3. di pa po na process yung papers sa munisipyo kaya po di pa din po nabago sa munisipyo ung bago ko surname kaya di po na endorse sa n.s.o kasi my mga kulang pa po daw documents.

  192. good morning po.. ask ko lang po kung paano pwde gawin para maayos last name ng anak ko. hnd po kc kami kasal ng ama nya at ng ipanganak ko ang anak ko nasa america na ung father nya. kaya nung iparegister ko xa sa akin xa nkaapelyido. ano poh ang pwd namin gawin para mapaapelyido sa ama nya anak ko.

  193. Ask ko lang po may baby po ako dpo sya nka apelyido sa papa nya ksi po bata pa ko nun at wala sya nung nanganak ako pano ko po kaya mapapalitan ung apelyido nya dhil nagsasama na po kmi ng papa nya mga magkano po kya magagastos salamat po

  194. Magandang umaga po, magpapatulong lang po kng tama po ba ang gagawin ko.may dalawa akong anak sa una kng asawa pero hindi kami kasal, at dala nila ang apilyedo ko, ang ama nila wala ng pakialam sa amin at may gusto magpakasal sa akin gusto ko na gamitin ang pangalan sa pangalawa kong maging asawa at pumayag cya, tama ba na gamitin ko kahit hindi pa kami kasal? Wala ba akong problema pagdating sa college ng mga anak ko? Please payuhan nyo ako hindi ko na po alam.alam.salamat po

    1. Hindi mo pwedeng ipangalan sa kanya yung mga anak mo kasi hindi naman sila yung biological father nung anak mo. Pag kasal na kayo pwede mong iap adopt sa kanya yung mga anak mo para magamit nila yung surname nya.

  195. Gudpm po. Apelyido ko po ang gamit ng anak q ngayon. minor po kasi ang tatay nya ng ipanganak ko sya.paano ko po kya ipapasunod s apelyido ng tatay nya ang apelyido ng anak ko?

  196. Hi po sir,
    Tanong ko lang po gusto ko mapalitan apelyido ng anak ko sakin. Hindi gaano nagbigay ng suporta. Di po kami kasal, wla po ako plano magpakasal sa kanya dahil hindi mag render ng perang kinita nya tapos alam kong malaki salary nya bigyan lang ako ng maliit nung buntis palang ako. Tapos nanakit pa sya nuon, dahil maaga na kong umuwi tapos lasing! Ngayon nasa taiwan sya mai ibang babae po dun ganun parin bigay nya 1k/mo.somtimes wla po talaga in 2mos.dahil pra sa bata lang daw Tapos gusto pa nya doon daw bata patirahin sa parents nya para masuportahan mabuti. Ayaw ko po! Nagpunta na aq sa PAO ukol sa suporta nya di daw sya sisipot at pipirma, magbabnta pa sya mga masakit na pasabi.
    Ang gusto ko nalang mapalitan family name anak ko.Tsaka after 3 yrs pa dating nya dahil bago palang sya bumalik uli sa taiwan middle of last yr pa po. Ok lang po bah palitan kahit wlang consent nya kasi di rin yon pipirma,at alam kong magagalit yon! Ano po bah madaling proceso kasi malapit na mag school anak ko po babae 3yrs old na sya ngayon na yr.kukuha po sana ako ng NSO certificate nya. Tsaka mayron po akong bf taga ibang bansa maari po sya maka adapt sa anak ko kahit di pa kami kasal? Di po ba tataas sa 20k gagastusin po? Gano po ka tagal pag adaption? Pag sakin lang po ba apelyido mas matagal po ba process?
    Antay ko po sagot nyo. Thanks po.

    1. Kapag kasi ililipat mo pa yan sa surname mo mahaba at magastos na proseso pa yan. Baka mas mabuting i adopt na lang yan ng mapa pangasawa mo. Hinndi naman kayo kasal at hindi naman nag su sustento yung ama eh.

      1. Goodmorning sir, tsaka tanong ko pa po kailangan bah mag stay dito sa pinas for 2 years ang aampon sa anak ko at mag bigay support for 2 yrs.din,bago mapalitan surname? Di ba po mapalitan agad nso certifcate nya?kahit few months process po? Tanong ko lang po kong totoo yan bago ako pumunta doon at do some process. Tanx po..

  197. Good pm po..mag tatanong lng po sana aq if ano dpat ko gwin.
    Single mom po aq at my isang anak.
    Ang father nya po ay may sarili pamilya at mga anak nsa abroad po sya at sa loob ng isang taon n sahod po sya ng 2M.
    Cmula po ng nanganak aq wla n po kmi communication at nd xa nag susustento.
    Nka apilido po skin ang bata at illegitimate nka lgay s BC nya,
    If mg papakasal po b aq pwede nya gamitin ung apilido ng asawa q n kinikilala nya ama? Mtgal po bang proseso? At mg kano po magagastos?
    2nd question, my habol po b aq s tatay ng anak q n sustenso? Anong kaso po pwede? Dhil s pg abandona nya smin? Mkaka suhan dn po b aq?
    3rd question, alam ko lng po kng san bayan xa nka tira pero nd ko po alm ang full address, pno ko po malalaman ung full address nya? Incase po kc na my mng yari s anak nmin.
    Like q po sna mg ask s munisipyo nla pro bka tanungin at hingan aq ng info ko.ayoko sna malaman nya or pamilya nya n hinahanap q cla..sna po matulungan nyo aq tulad ng n babasa q s mga nag iinquire sainyo..
    Marami po salamat At umaasa po aq s tulong nyo.

    1. Kung ikakasal ka sa iba pwede mo ipa adopt sa asawa mo yung anak mo para maging legal nyang anak at magamit yung surname nya. Regarding sa sustento makipag usap ka muna sa kanya baka naman makuha nyo muna sa usapan.

  198. Good evening Sir Master!,

    Pwede po ba humingi ng advice. hmmm yung anak po kasi ng friend ko na nasa Japan ngayon gusto umuwi dito sa pilipinas. pero galing na po sila dito for ng maliliit pa sila. bali nag update po sya ng Passport nya sa japan.. Na detect na 2 po ang NSO nya isa sa Japan at isa dito sa Pilipinas. Need po nya ipa-cancel ang NSO registration nya dito.. ano po kayang pde gawin ? May mai recommend po ba kayong lawyer or Judge.

  199. Gudpm patulong po kung ano po ang dapat kung gawin,problema po kc s nso ko iba lumabas sa apelyido ko at pangalan ng Ama ko sa ginagamit ko, lahat ng mga requirements ko Vasquez ginagamit ko nkapag pakasal nko at nag karoon ng 2 anak Vasquez ang gamit,nong pagkuha ko ng nso ko iba na,nagkaroon po kc ng panglawang asawa ang mama ko nong bata pa ako,ano po dapat kung gawin.

      1. Ung apelyido po ng unang asawa ng mama ko ska sya din nakalagay s pangalan ng Ama ko bata pa po kc ko ng nagkahiwalay cla simula po nong nag -Aral ako Vasquez na gamit ko at ang step father ko ang kanikilalang Ama ko na.ano po gagawin ko gusto kung mag abroad,problema ko nso ko lahat nmn po ng requirements ko eh Vasquez na NSO lang tlga problema.

  200. god pm po tanong kulang po kasi ng nanganak ang misis ko sa probensya po sa hospital at ako naman dito po sa manila ngtatrabaho ng nanganak na siya apelyido nya po ang nakalagay sa birth certificate ng bata wala po dun ang pangalan ko…ng tym po na yun indi pa po me kasal ng asawa ko piro ngayon po kasal na po kami paano po mailipat ang apelyido ko sa anak ko….

  201. gud pm po . tnong ko lng po b bguhin ang apelyido ng namatay . ksi po s b.certfcte po kming mfa anak nya ay isa lng po ang letter R smntlng sa NSO po ng nmty ay sa surnme po nya ay double R .mbbgo p po kya yun .kung ptay n po .tnx po

  202. Thank you po sa reply.. May tanong pa po sna ako eh kung sakaling gusto nyang Kunin yung bata sa akin may possible po ba na Mukha nya sa akin ung Anak ko 7 yrs old na po ung baby ko.. Thank you po ulit 😊

  203. Good day po! Ask ko lng po kc yung Anak ko nka apelyido sa ama nya Kaso gusto ko ng ilipat Ito sa apelyido ko pede po kya yun Ndi nman po kmi kasal dati nagsusustento sya Kaso start nung nov. until now Ndi na may gf. na po sya and alam ko po magpapakasal na sya, kya Balak ko na lng ilipat sa apelyido ko, Pede po kya yun? And magkano po kya gagastusin? Thank you po

  204. Good day po. Ask ko lang po sana if pwede magamit ng baby ko ung surname ng tatay nya kahit na walang pirma nya? Currently working abroad po kasi ung tatay and di na aabot if ikakasal kami before sya umalis kasi urgent ung work nya. Im giving birth this coming march so im worried na baka di magamit ni baby ung surname ng tatay nya. Thank you.

    1. Kailngan kasi may pirma nya eh para ma acknowledge at mapagamit nya yung surname nya sa abak nyo. Pa inquire mo na sa city hall kung ano ang dapat gawin sa ganyang situation.

  205. Hi po, tanong ko po, nagkaanak kasi ako nung dalaga pa ako, sa nso niya nakalagay sa father n/a, ngayon po kasal na ako at gusto ko gawing legal na tatay ang asawa ko, pwede ko ba ito ipabago nalang? O kailangan pa din ng adoption? Dahil wala naman nakalagay na tatay ang anak ko sa nso. Thank you in advance

  206. Good morning po. Patulong naman po ako, gusto ko sanang palitan ang last name ng anak ko 9yo na sya sa kadahilanang naghiwalay na kami ng walang kwenta at iresponsable nyang ama. Mulapinagbuntis ko sya hanggang ngayon na nag aaral na sya ay walang sustento kaming nakuha sa kanya. Bagkus ako ang provider para sa mga needs namin. Nakabili ako ng bahay namin sa pangalan ko syempre 2M pero dahil sa ako nga ang solong provider ay naubusan ako at naibenta ko ang bahay ko….naghiwalay kami na ng maraming beses dahil maliban sa nananakit sya…physical at verbal ay batugan pa. Gusto ko nga rin po syang idemanda dahil sa hirap at pagsasakrispisyo ko pati pagtitiis ko sa kanya…ngayon umalis sya dahil sabi ko nga batugan, gigising 10-12 ng tanghali tapos ako nagtatrabaho na.Ano po gagawin ko? Gusto kong mabago last name ng anak ko para makapagmove on ako…bagong buhay …yan din gusto ng anak ko…tulungan nyo po ako at pinagkakaisahan ako ng pamilya nya…wala silang pakialam samantalang palamunin ko lang nmn ang kapatid o anak nila. Ako pa nga masama dahil inaaway ko daw kapatid nila. Eh batugan eh..alangan namang lambingin kopa…ako ang nagbigay ng magandang buhay sa kanya at ang sinukli sa akin ay paghihirap at konsumisyon sa buhay. Salamat po.

    1. Sorry sa naranasan mo sa buhay ha. Pero kasi kung gagawin nyong baguhin yng surname nung anak mo mahaba at magastos na proseso yan kaya kung ako sa iyo huwag mo ng baguhin. Kung makakabuti sa inyo ng anak mo na lumayo kayo sa lugar na malapit sa kanila bakit hindi yun ang gawin mo and kung kasal kayo mag file ka ng annulment. Pwede kang mag reklamo sa barangay nyo kung ginugulo ka ng asawa mo.

      1. Maraming salamat po sa pagsagot. May itatanong pa po ako, may mga kamag anak po kasi ako sa abroad, canada at states. Wla pa po kaming passport ng anak ko pero kukuha na kami soon. Hindi po pala kami kasal ng tatay nya kahit makailang beses nya akong inaya… gaano po ba kadali o kahirap na dalhin ang anak ko sa ibang bansa kung mag-migrate na lang po kmi don? Di po ba ako magkakaproblema kahit magkaiba kami ng last name? At gaano katagal kaya ang proseso ng pagmamigrate? Para tuluyan na kming makalayo sa tatay nya at ng mabigyan ko din sya ng magandang buhay. Wala po akong bf pero parang plano kong maghanap pero taga ibang bansa para mas mapadali ang pag alis namin…tama po ba? mapapadali po kaya pag ka may bf or asawa kang foreigner na taga don sa lugar na plano nmin puntahan. Salamat po ule.

      2. Sa pag a apply ng passport walang problem kahit mag kaiba kayo ng surname makikita naman sa mothers maiden name sa B.C nung anak mo ang pangalan mo eh. Yung sa VISA yun ang medyo kumplikado. Tama ka na mas maganda kung may BF or asawa ka na foreigner para mapadali ang alis nyo.

  207. May anAk n po kaya lng po nasa ama n cla at ayw n pong ibalik skin.king skali po b n mag kakaanak aqo pwede po ilagay s birthcertfcte ay first baby kahit po may anak n ko n dalawa

  208. Good day po!

    Since Elementary until college Apelyido ng Father ko ang gamit ko which is “ACSON”. Pati sa local BC ko po ACSON ang nakaregister. Last year kumuha ako ng NSO BC “NARBAY” ang nakalagay which is surname ng mama ko. Napanganak na ako bago sila nakasal (2 years old aq bago sila nagpakasal). Eldest po ako sa tatlong magkakapatid at ung dalawang kapatid ko okay naman ang NSO nila. Sa akin lang ang mali. Ano po ang dapat gawin. THank you po and Have a good day!

  209. Issue: dalawang bc ang nkarehistro sa nso.ung una nakalagay na “married” at may date and place of marriage pa.hindi talaga kasado.at wala namang acknowlegment of paternity. Kaya after 2 or 3 yrs, ni-late register sa ibang lugar at yun na ang gnagamit ng bata sa pagskul niya.2012 ikinasal ako sa bf ko and gsto nya na apelyido nya ang gagamitin kaso d naaprubahan ang legitimation kasi nag appear yung unang bc.
    Ano po pwede naming gagawin? Kung adoption naman, magkano est.gagastusin and ilang months aabutin yung court proceedings.6 yrs na kaming walang komunikasyon ng biological father ng bata.

  210. tanong ko lang po .meron po kasi ako rehistro apelyido ng mama ko s palawan adi hindi sila kasal ng papa ko…ngayon po kasal n sila nung 1999 may rehistro na po ako ng apelyio ng papa ko pina late register po ako sa nueva ecija….ngayon po kumuha akk ng nso ang kinikuha ko ung sa apelyido ng papa ko pero hindi pi lumalabas ung nauna ko po parin ang lumalabas sa NSo …ano p kailangan ko gawin para ung late register ko n nkaapelyido sa ppa ko ang lumabas na s nso.

    1. Mali kasi yung ginawang proseso sa iyo hindi dapat late registration ang dapat ginawa nila ay legitimation due to subsequent marriage para magamit mo yung surname ng father mo. Hinid mo talaga makukuha yung na late register sa iyo kasi may original record ka sa NSO.

      1. pag nakapagfile po magagamit ko na po apelyido ko sa papa ko..gano po kaya katagal un para maayos…tapos po ano mngyayari sa late rgister ko..

      2. ano po mga kailangan ko papeles para sa legitimation….wla po ba ibang option na mas mabilis sa 3 months?..o kaya 1month lng ang proseso..

      3. Waka na yun tamang proseso sa case mo. Primary requirements na kailangan mo is yung NSO B.C mo yung unang na register at NSO M.C ng magulang mo yung ibang requirements munisipyo na ang magbibigay.

      4. ask ko lang po may proseso po ba na pwede ipadelete ng nauna na rehistro para lumabas po ung late register ko?

  211. paano po ba ipatanggal ang extended name ko po .kasi menard jay po ang pangalan q sa n.s.o. eh lahat po ng credential ko ay menard lng ang name ..at ang lugar po ng kpanganakn sa NSO ay iba din po sa credential .ung late register po kasi ang ngamit ko . huli ko na po nalaman na may first register po pala aq .ano po ba dapat gawin

  212. OK po ganon po gawin q apelyido q sa pgkdalaga, bale po mllgay Sa bc not married po km ng ttay ngayon ng mgging baby q. D po kya mgkaroon ng problem in the near future ks mgkaiba papeles at name q Sa baby q po? Thanks po sa inyo

  213. gudeve po, i need advice po, kasal p.m aq sa una, ngkahiwalay po km at meron.po siya pamilya n. nasa po mga anak nmin.
    meron po aq kinakasama ngayon at buntis po aq. paano po ang ggawin q? gusto g ttay n aapelyido po nya gamitin ng isisilang qng bta at d nmananak ng asawa q sa una. pls help me..

  214. Hi sir, good day po sa inyo, may tanung lang po ako kung pano ang proseso, nagpakasal po kami ng asawa ko at meron na po syang dalawang anak na babae, pero anak nya po ito dati sa foreigner, actually dalawa, isa sa hapon at isa sa singaporean. gusto ko po sana maging apelyido ko po yung dalawang bata, para po kasama na po cla sa benefits ko. magkano po ba ang magagastos, gaano po katagal ang proseso at ano po ang unang hakbang? may napagtanungan na po kami dati, ang sabi iadopt ko daw po ung dalawang bata at aabot ng 60k yung gagastusin, tapos kailangan pa ng abogado. tama po ba yun o mas may madaling paraan or murang paraan? salamat po. God bless

  215. Hello po sir, may problema po ako sa birth cert ng 2 anak ko. pinanganak ko po sila before na hindi sa aking pangalan naka rehistro. Yong panganay ko nakarehistro sa mama at papa ko, so kibale sister ko xa sa papers, taz yong pangalawa naman naka rehistro sa ante at uncle ko. Ngayon, gusto ko na sila e petition, pero need sila ma register sa pangalan ko. Is there any possiblities na machange yong birth cert nila at ma register sa aking pangalan? Yong tatay nila wala na, patay na 2 yrs ago. sana matulongan nyo po ako. thak you!!

    1. Kasal ba kayo nung father nila? Kapag ganyan kasi idadaan sa korte yan. And yung mga dokumento nung mga bata siempre dapat ma i update kapag naayos na lahat. Mag consult kayo sa abogado na kilala nyo para maayos ito.

  216. Good afternoon ask ko lang po , kasi dati nung nanganak me hindi pa kami kasal ng asawa ko kaya pirma lang sya para ma i apelido sa kanya at single papo kami parehas un nklagay sa birth cert.ng anak namin . Ask ko lang po panu mababago yun kasi po kasal na kami . Anu pong requirements,

  217. Hi po, ask lng what if blurred yung name ko at wrong spelling po yung father’s name ko Carmilito po kasi instead of Carmelito.Ano po ang pedeng gawin dun? Thanks a lot…power

    1. Yung sa name ng father mo ipa file mo ito ng correction of entry. Regarding sa blurred i inquire mo yung second endorsement na proseso sa munisipyo kung saan ka naka register mo ito gagawin pareho.

  218. Good day! Ask ko po sana kung ano magiging status ng bata kung sakaling nakalagay sa BC ng bata eh “not married” hndi po kasi kami kasal pero in acknowledge naman ng tatay ung bata at gamit apelyido nia. Legitimate po ba o illegitimate? May nakakapag sabi din po kc sakin once nainacknowledge ng tatay ang anak at pumirma sa BC is considered as married. Kaso hindi naman po kami nagssama nun tatay. Please help.

      1. Pero bakit po may nakapg sabi sakin na basta my anak considered as married na yun kc may anak na daw kami. Para po daw may bago ng batas ng tungkol dun. Totoo po ba gun?

  219. hello po

    paano po ba mag transfer nang last name nang totoo kung tatay kasi ang last name ko before ay sa mama ko tapos nilipat sa stepfather at ngayon ay ililipat na sa totoo kung tatay pwede po ba yon please help!! tapos may binigay ang mama kung bagong NSO peru hindi tugma ang panganlan ko at ang pag-anak sah akin