The CENOMAR After An Annulment

Cenomar After Annulment

Bonjour!  Mabuhay!

One of the most commonly asked questions regarding CENOMAR (or Certificate of No Marriage or Certificate of Singleness) is:  What appears on the CENOMAR if the owner has had his previous marriage annulled?

Let us find out.

According to the Philippine Statistics Authority (PSA), a CENOMAR is a certificate issued by the NSO stating that a person HAS NOT contracted any marriage.  It is also referred to as Certificate of No Record of Marriage or Certificate of Singleness.

Ang taong hindi pa nakasal kahit kalian ay mabibigyan ng CENOMAR at doon makikita na sya nga ay single pa.  Ito ang proof na hindi pa sya nakasal.  Para sa mga nakasal na, ang details ng kanilang kasal ay makikita din sa kanilang CENOMAR – katunayan na hindi na sila “single”.

Hindi naman kasama ang CENOMAR sa mga documentary requirements ng pagkuha ng marriage license o sa pagpapakasal.  However, meron nang mga ilang LCR offices na nanghihingi ng kopya nito bago ma-process ang application for marriage license ng mga gustong magpakasal; ganun din ang mga parish kung saan balak magpakasal ng mga applicant.

According to www.verifiedph.com, kung annulled ang previous marriage, ang lalabas sa CENOMAR later on would be the details of his previous marriage (including the name of the spouse and the date of marriage).  Kung annulled na ang nasabing kasal, magkakaroon din ng annotation sa kopya ng CENOMAR pertaining to the annulment.

Ang hindi mangyayari ay ang makakuha pang muli ang taong ito ng malinis na CENOMAR na magsasabing hindi pa sya nakasal.

If you have a previous marriage and have gotten it annulled and are now planning on settling down with a different person, mabuting mag request ka na ng kopya ng CENOMAR mo six months before your planned wedding.  Pwede kang mag order online through www.nsohelpline.com or call (02) 737-1111 and have a copy delivered to you.  Kahit hindi ito required, mas mabuting sigurado ka na tama at accurate ang mga details and annotations na nakalagay sa iyong CENOMAR.  Do not wait until the last minute to fix any oversights or have the CENOMAR updated.

I hope these information helped.  Sharing is caring!

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

90 thoughts on “The CENOMAR After An Annulment

  1. Hello po ask ko lang po pag napasa na po sa PSA yung finality ng annullment ilang araw po antayin bago maka kuha ng cenomar sa PSA ? Pls reply thanks

    1. try to request for a copy of the annotated marriage certificate after 1 to 3 months. Pag nakakuha ka na ng annotated copy, you can request for a CENOMAR na. Sa CENOMAR dapat mag reflect na yung annullment.

  2. Hi po,
    Ganito po kasi yun. Si Foreigner is nakapag.asawa ng pinay tatlong beses. Kaso yong cenomar nya ang lomabas is sa unang marriage nya still married parin sa cenomar nya pero sa pangalawa at pangatlo divorce/annuled na po. Anu po ang gagawin para ma.clear ung unang asawa kasi my balak na naman pagpakasal kaka.annuled lang din sa pangatlong asawa. Sana po matolongan nyo po ako. Thank you po

  3. Boyfriend ko po kasal pero 3 years na po silang hiwalay, kasalang bayan lang, kapag po ba hindi nakapagbigay ng fee for Marriage certificate hindi po ba marerehistro?

    1. Basta’t nasunod ang Essential and Formal requisites of marriage, kahit hindi pa na rehistro sa PSA, o kahit hindi nag bayad ng fee for registration, kasal pa rin sila. Ang mangyayari lang ay delayed registration of marriage — hindi sila makakakuha ng marriage certificate mula sa PSA — pero hindi ibig sabihin ay hindi valid ang naging kasal. Ang Kasalang Bayan, dahil sponsored ito ng munisipyo, ay siguradong legal.

      Huwag kang makikipag boyfriend sa may asawa na.

  4. Hi good afternoon, ask ko lng nag file kasi ako ng annulment last 2018 June. then natapos ung hearing at lahat2 ng kailangan last june 2019. until now wala pang naipasang decision ung judge na may hawak dun sa RTC namin.. possible lang ba un 4 months na today wala pa xang napasang decision? i already ask my Atty. and sabi niya pa wait lang daw.. Please help po. salamat

  5. I have a question po. How about po sa case ko? Kinasal na yong ex-husband po kasi yong process of divorce was through Sharia Law Divorce. Paano ba ang process ng pagkuha ng Annotated MC? kumuha po ako ng CENOMAR last december 2018 nakalagay po don na hindi na ako kasal at wala naman details like name of spouse and date of marriage. Please help me po. I want to renew my passport using my Maiden Name. Paano po ako makakakuha ng Annotated MC na hindi naman through annulment ang process ng paghihiwalay namin. Please help me po.

    1. Hi Melisa,

      Dito ba sa Pilipinas siya nag file ng Sharia Law Divorce?

      Normally kasi kailangan ipa-acknowledge yung divorce papers sa RTC dito sa Manila City Hall. Para malagyan ng annotation ang MC ninyo.

      Subukan mo din mag request ng kopya ng MC mo, baka naman may annotation na din given na nakakuha na ng divorce ang ex-husband mo.

      MC

      1. Hi po,
        Ganito po kasi yun. Si Foreigner is nakapag.asawa ng pinay tatlong beses. Kaso yong cenomar nya ang lomabas is sa unang marriage nya still married parin sa cenomar nya pero sa pangalawa at pangatlo divorce/annuled na po. Anu po ang gagawin para ma.clear ung unang asawa kasi my balak na naman pagpakasal kaka.annuled lang din sa pangatlong asawa. Sana po matolongan nyo po ako. Thank you po

  6. Patanung lng po paano ko po malalaman kung kasal ang aming tatay sa una na kung kasal aman sila ng nanay ko at di nia alam n may kinasamahan pla ung tatay nmn n una pra mkasigurado lng gusto amin kumuha ng cenomar nila ng unang kinasama nia ag problema ndi amin alam ang mga details nung babae kung kailan at san sila ikinasal kung kasal nga po tlga sila nung una kinasama nia

  7. Please help. Kasal ako sa isang muslim pero catholic ako, muslim wedding sya after 10 years we divorce. I have divorce ceritificate from NSO, now im planning to remarry, went i went to cityhall hinahanap ako ng annotation sa old MarriagrCert before, at yung CENOMAR ko nka lagay parin na im married sa prev ex. Kahit meron nakong divorce cert. Im confuse, i was thinking maybe if i request for new MarriageCert after the divorce, baka me annotation na, kasi the MarriageCertificate I have is old copy 10 years ago. Please advise.

      1. If your married via muslim wedding sa Pilipinas there is Divorce, its under Muslim code and not Family code. Im catholic and his muslim during the wedding and during divorce. I file my divorce sa OMA or office of the muslim affairs and i have Divorce certificate authenticated by PSA. After 3 years, I would like to remarry again in a civil wedding, under family code. I submit my CENOMAR, previous marriage cert and divorce certificate as reference. The clerks is asking me where is the annotation in my marriage certificate and CENOMAR ( Still showing my previous marriage ) . So i told them I don’t need to annotate my Marriage Certificate which applies only for annulment under family code. I was married under Muslim code and I’m Catholic during the marriage and divorce.

        I was able to update all my government ID’s and revert it back from married to single, using divorce certificate as my proof.

        The city hall clerks is asking for annotation in my Marriage cert and Cenomar as requirements. They even told me they are not familiar with my case and they are trying to apply family code in which annulment applies so annotation is needed if your planning to remarry. My marriage is under muslim code in which divorce applies so no need for annotation.

        Please advise, any information would be gladly appreciated.

  8. Ask q lang po maari po ba Hindi marealeasan ng cenomar ang asawa ko kung mgrereklamo ako Hindi po kami kasal Peru my anak po kami may balak po kasi sya mgpakasal sa iba at gusto ko itong harangin

    1. Hindi eh, kasi wala naman talaga siyang kasal so may karapatan siyang makakuha ng cenomar. Pero may karapatan kang mag reklamo kung sa tingin mo hindi dapat makasal yung kinakasama mo.

  9. Ask ko lang po sir. Pwede po ba ako makakuha ng cenomar ng partner ko ng di nya nalalaman?

    1. Hindi pwede eh kasi kailangan may authorization letter at I.D nya na valid kapag ikukuha mo siya ng CENOMAR and sa higpit ngayon ng PSA(NSO) dapat immediate family ang kukuha.

  10. good day po,, namatay po ang ttay ko sa saudi,, kasal po sxa sa nanay ko,, kso po naghiwalay po sila at nagpakasal po ulit ang ttay ko,, ung namatay po ang tatay ko kukuhanin po nmin ung labi nya,, dhil kami po ang una,, pero hiningi po ng dfa ang requirements po, cenomar, kumpleto po ang nanay ko ng documento 1974 p po cl nagpakasal license number meron, at nakuhanan ko din po sxa ng psi na marriage contract sa nso,, pero ung kinuha na po nila ung cenomar ni tatay kung totoo nga na kasal cl,, meron po kaso isa lang po ang nakalagay na pangalan sa cenomar un po ang ka live in nya ngayon,, pero kasal po ang nanay ko at tatay ko,, at may nso po cl na marriage contract, paano po nangyari na naging single ang tatay ko ,eh kasal po cl at kumpleto ang pirma,license number ng kasal nila,, ? pwede po malaman kung ano ang dapat namin gawin? kc po may kinausap cl sa munisipyo daw sabi ng mga kamag anak po nmin dati,, hindi po kaya na magic po ang record nila? may panalo po ba kaming unang pamilya,

    1. Sabi mo may record ng kasal nila sa PSA(NSO) diba so dapat pagkuha nyo ng CENOMAR makita yun. Ipakita nyo sa PSA kung bakit nangyari ang ganun may record naman ng kasal sa kanila bakit kapag kumuha ng CENOMAR hinid nakita yun?

  11. Good day po,Master. Nakuha ko na po ung final decision ng annulment ko. Tanong ko Lang po gaano po katagal ang pagpaparehistro sa NSO pra makakuha po ako ng Cenomar? At magkano po kaya ang pagpaparehistro ng Final Desicion ng Annulment. Thank you po in advance sa sagot nyo.

  12. Hi master. Kung magkaso po about sa pag suuporta ng bata through pao. Ilang months po bago matapos? Kadalan po ilang mos bgo matapos ang kaso ilang buwn ang pag process?. Aabot po ba ng half yr? Maraming salamat po

      1. Opo. Pro tatAgal po ba ng half yr sa pgkakaalam nyo po? Kilangan ba ng presenta ng magkaso habang nag poprocess?

  13. hello ask ko lng puh..I already have a copy of annotated marriage certificate. ask ko lng puh once i request ba ng marriage certificate sa nso is my annotation na nakasulat n void and null since i want to have a second copy of it..

  14. Sir tanong ko po,kung pwedi ko po bang makasuhan ang wife ko at papa nya dhil sa pananakot po nila na ipapatay nila ako pag di ko maibigay sa kanilang gusto nla. Ano po ang pwedi kong ikaso? Slamat po

  15. Good day Sir!

    Na annulled ang kasal ko at may court decision na last April 2016. Naayos kuna rin sa NSO at naka received naku from them ng Annotated Marriage Certificate.

    Question:
    1. Pag nag request ako ng Cenomar sa NSO, bibigyan ba nila ako ng Annotated Cenomar or Annotated Marriage Certificate?

    Malaking tulong po ang iyong sagot.

    Salamat po ng marami!

      1. Thank you.

        So ang ibig sabihin ay bibigyan parin nila ako ng Annotated Cenomar or Annotated M.C nalang?

  16. Master tanong ko lng po, gusto ko po ipa annul ang kasal, pwedi ko po bang gawin sa bisayas, khit ang isa ay nsa luzon? Dun kasi sya nakatira na ngayn. Maari po ba mtuloy ang annulment kahit malayo kmi sa isat isa o di magkkta ayaw nya naman pumunta dto ayaw ko din don dhil wla akong mtutuluyan? Paano ang proseso pag mgkalayo?

      1. Thanks master.gusto ko po dn malman pno po mtutuloy. Papadalhan lng po ba sya ng sulat AT sagot ng sulat nya ang kilangn. Pano po yong mga wtness ng kasal namn kinasal ksi kmi nung 17 palang sya, wala pong haharap na wtness ksi ang witnesses ay nasa knla sa luzon, pwedi po ba khit birth certificate nya dhil mron po akong nso nyA, AT MAY mga picture din po ako za knyA KASAMA ANG KINAKASAMA NYA ngaun at mga nging bf nya before sya nagkaroon ng knakasama ngaun. Sapat na po bang nso nya at mga ibedensya na mga pics nya kasama ang mga nkrelasyn nya at knakasama ngaun? Pra itutuloy ang annulment?

  17. Thanks Master. Ibig ko pong sabihin, Paano po kung kakalipat pa lang ng pera from joint namin ng kinakasama ko to her own account, after lng may nangyari skin (incase) And ng magpunta ang pinakasalan sa bank at nalaman na kaka transfer lng ng pera sa ibang account ang laman ng joint, wala na po bang magagawa ang pinakasalan, dahil nasa ibang acc na ang laman ng joint. Kasi may right naman na ilipat siguro agad ang laman ng joint sa remaining holder to her own account. Wala na po bang laban ang pinakasalan dahil wla na sa joint ang pera.

  18. Sir gusto ko pong malaman na pwedi bang makuha namin mag ina ang negosyo ng karelasyon ng papa ko, dahil po nakapagpatayo lng sya ng negosyo gmit ng suporta ng papa ko o pera ng papa ko, kahit na yong negosyo ay nakatitulo sa babae, nakapangalan lang po sa babae wlang pangalan ng papa ko. Pwedi pa rin po bang makuha namin yong bussiness ng girl kahit walang name ng papa ko sa titulo ng bussiness ng babae e pera pa rin naman po yon ng papa ko, sabi po kasi wala kaming laban kahit daw pera ng papa ko, kasi sa girl naman daw nakarehistro yong bussiness, hndi naman daw cla as bussiness partner. At rason ng girl suporta yon ng papa ko inipon nya at nagpatayo ng bussiness. Maari nyo ba akong bgyan ng advice.

  19. Hi sir ask ko po, naka joint account ako sa kinakasama ko, once ba may mangyari sakin ,sa kinakasama ko mapunta lahat ng pera ko na nasa joint? Hindi dun sa babaeng underage nung kinasal kmi at sa anak namin. Ksi po pag joint kung may mangyari sa isang joint acc holder,prang automatic sa ka joint mo mpupunta ung pera, khit secondary o primary pa sya.

    1. Joint account kayo sa may right talaga yung ka partner mo dyan. Yung asawa mo dati dahil kasal kayo pwede yun mag habol sa kalahati nung nasa bangko kasi may kahati ka talaga doon eh.

      1. Ibig sabihin po sir makikinabang po ang kinakasama ko kahit ako lng po ang kumikita?. Ang sahod ko po dun ko pinapasok sa joint. Ginawa ko po yon dhil gusto kong sa knya mapunta laman ng joint dhil mabuting tao po sya. Pano incase may mangyari skin sir,baka pumunta sa bank yong pinakasalan ko pra kunin ang pera sa joint account,ibibigay ba ng banko sa knya sir agad agad dhil asawa ko sya dhil kasal kmi,o sasabihin ng bank sa knya na kilangan mag usap sila ng kinakasama ko dhil kmi ng kinakasama ko ay may ari ng joint acc. Di sila pweding basta bastang ibigay nalang ang buo sa pinakasalan ko dhil yon nga dalawa kming kinakasama ko ang may ari? Ano kaya ang gagawin bank sa kanya at sa pera? Please sir gusto kong malinawan. Thank you po master.

      2. Master, tanong ko po pano in case may mangyari sakin, at inasikaso agad ng kinakasama ko ang pera namin sa joint, ibig kong sabihn ilipat nya agad ang joint acc money sa kanya mismong account (individual acct nya), at late ng nagpunta sa bank ang pinakasalan ko dati, wla na po ba syang pag asa magkaroon ng hati sa joint. Dahil nailipat ng joint money sa ibang acc ng kinakasama ko? Wla na bang habol ung pinakasalan ko, except lng kung hindi pa nailipat ng kinakasama kong joint acc money namin sa ibang acc nya. Dhil i think ang rles ng bank,pweding ilipat ng remaining acc holder sa ibang acc nya pag may nangyari sa isa. Ano po sa tingin nyo? Maraming salamat po, i need an answer po master

      3. Kung meron naman siyang sariling account ilipat nyo na doon yung tingin mo ay para sa kanya para hindi maka pag habol yung dati mong asawa kasi pangalan nya lang yun eh.

  20. Good day po!.ask ko lang kung pde pa po mavoid ung kasal namin ng ex wife ko july 3 2011 po kami kinasal pero july 18 po 2011 na file ung marriage contract po..yung july 3 po mismo kami pumunta dun at nagpakasal po kami bigla ng wla pong pinasang mga requierments po…sana po matulungan nyo po ako maraming salamat po!..

  21. Hello Po

    Tanong lang po sana, kaka annul lang po ng kasal ko. at ito May 05 2016 ngpdla na po ako ng documents to NSO pra sa annonated marriage contract at CENOMAR through LBC po. pwede na po ba akong mg request sa NSO office dito sa Cebu ng CENOMAR and Annonated Marriage? hindi na po kasi ako mka hintay ng 2 months. SAbi kasi 2 months after pa daw pwede?

      1. hello po sir gud pm.kkannul lng po at merun na ako court order n finality,pwede ko na po ba tong ipasa sa LCR fpr registration po?at pwede ko na po ba tong ipakita sa PSA pra sa PSA MC at cenomar ko?thnk u sa answer po.

  22. Gud am…just wanna to clarify po.. kc nung nagpakasal kmi ng asawa q last 2013 sa q.c xa lng poh nag asikaso lahat ng requirements nmin kc po magkalau kmi im here in provnce pagpunta q dun ready na lahat ikasal na kmi sa civil at nw nakakuha narin aq ng cert of marriage sa psa..my question s d q poh nakta ung cenomar nya ok na poh b un? At secnd question q s 3 mos fr nw may nalaman aqo na my babae xa at my nangyari na sa knila at ung grl s nurse pwede poh b aq magfile ng kaso?

  23. Hello po
    kasal po ako s isang foreign narional at naammend po pp ko pra mkuha nya ako s place of work nya.ngsama po kmi ng 6 yrs.our marriage is on the rock and we cant continue what we have started kya umuwi po ako s pinas.may nkilala ako at ngkarelasyon at snabi ko n kasal ako pro hiwalay n kmi ,sbi s akin pwde nya ipull out ung record ko s nso with the help of his friends.tpos punapirma po nya ako ng marriage contract n pumirma din po ako .after signing the contract nlaman ko s pamilya ng ex ko n nmatay sya s aksidente pro wla pi akong hawak n death cert ksi wla n po akong balita s kanila after nung ibinalita n patay n po ex ko..
    N pull out po b kya ang record ko s unang kasal ko?
    valid po b or naipasok po kya ang pangalawa?
    since wla nmn po akong hwak n death cert paano ko po kya mapapalitan ang apilyido ko ksi apilyido p rin po ng ex ko ang gamit ko..ano po ggwin ko..

    1. Unang una walang nakakagawa ng pull out ng record sa PSA(NSO) tyr mo kumuha ng record ng pareho mong kasal para malaman mo kung totoo ang sinasabi ng kinakasama mo ngayon. Makipag coordinate ka sa embassy nung nationality ng una mong asawa para makakuha ka ng death certificate nya.

      1. hi great morning po.. ask kolang pi halos 16 yrs. npo aq walang blita s asawa pwede npo bang mpawalang bisa kasal namin? pano? At magkano po mgagastos at gaano po katagal? pwede npo b ako mgpakasal kung sakali?

  24. Hi,
    Ask ko lang kung lang po pag 20 years na walang communication pwede na po ba IPA walang visa ang kasal… May gusto po ako pakasalan ngayon

  25. Hi po, magandang hapon!
    Nandito po ako sa Kuwait meron lng po akong mgà katanungan na gsto kong malaman ang kasagutan din ninyo. May kinakasama na po ako dito sa Kuwait 7 years na po kaming nagsasama may asawa po sya sa pinas pro alam na ng asawa nya at ang pagkakaalam ko po nagdecision silang pareho na mas maigi na ung wla na lng silang pkialaman at basta ung obligasyon ng lalake hindi nawawala, sa malaking salita naghiwalay sila thru conversation sa yahoo messenger/fb. Ang tanong ko lng ngayon po pwede nà po ba kaming magpakasal dyan sa pinas? Alam nman ng babae ang tungkol sa amin, running 8 years na pla kami ds year… May maitutulong po ba kayo sa akin? Kasal sila noon sa civil.. I need ur opinion po or sagot sa tanong ko.
    Thanks po ng marami!

  26. Hi. Question po. Kumuha ng cenomar ang bf ko pero nkalagay ay “with anulment of marriage”. Ang ibig sabihin po ba nito ay anulled na po tlga ang prev marriage nya? Naninigurado lang po. Salamat po.

    1. Hi Cb,

      Dapat nakalagay sa CENOMAR niya ang mga sumusunod:

      a. Date of Marriage
      b. Place of Marriage
      c. Name of bride and groom

      Sa Remarks/Annotation, dapat nakalagay: With Declaration of Absolute Nullity of Marriage.

      MC

  27. question po, kamamatay lang po kasi ng husband ko last month and nung nagpaprocess na po kami ng mga claims meron pong record dun sa cenomar nya na kinasal po sya last 1985 sa ibang babae bago po kami nagpakasal nung 2006. paano po kami naiisuehan ng marriage certificate ng NSO kung kasal po pala sya sa una? sabi po nung husband ko nung nabubuhay pa sya, hindi daw po sya pumirma sa supposedly na kasal nila, bale tinakbuhan nya daw po yung babae nung araw na yun. Saka paano po nagkarecord sa Cenomar nya na 2 beses syang ikinasal kung wala rin naman po maprovide na NSO copy ng marriage certificate nila yung una. Please help. Thank you!

    1. Imposibleng wala silang record ng kasal sa NSO kasi may lumalabas sa CENOMAR nya eh. Ang NSO kung ano ang ipinapasa sa knila ng munisipyo yun ang inilalabas nilang detalye. Lumalabas invalid yung kasal nyo kasi may kasal pala siya sa una. Kung paano na record yun kahit walang consent ang asawa mo ? baka gumawa sila ng paraan hindi na natin alam yun diba. Wala kamong pirma ang asawa mo doon sa dokumento nila baka yun ang maging laban mo.

  28. hi .i just want to ask po about my friend condition . 2012 she is 16 yr old she visit cebu then unexpected happen she meet the guy in ayala and guy ask her if she want to go with him in bohol . both of them go to bohol and spend 2 nights there in seperate bed . after that the girl back in her place in cagayan de oro city . then after a month the guy contact her and they chat always and after a year the guy court her and now the guy want to apply fiancee visa . it is possible to happen ? please we really need your help and advice . thank you and advance po and godbless

    1. Kung nasa legal age naman na yung friend mo pwede naman. Inquire nyo sa immigration yung proseso. By the way sure na ba yung friend mo sa taong yun? Teka sino ba ang i a apply ng fiancee VISA yung friend mo papunta doon sa guy o yung guy papunta dito?

  29. Salamat sa response Master! Antayin ko na lang yung mga kopya ko. Yung huling dokumento na natanggap ko is yung Decision, nung August. Sana makuha ko na yung Finality at Decree itong taon. Salamat uli!

  30. Hi po,

    Yung ex-wife ko nag-file ng annulment. May natanggap akong decision galing sa RTC via mail. Ang alam ko may certificate of finality na at na-register na din yata nya. Pano ako makakakuha ng kopya ko ng certificate of finality at yung decree? Ipapadala din ba sakin ng RTC via mail?

  31. Tanung lng po, yung bf ko po ng kumuha sya ng cenomar, nka lagay duon na ikinasal na sya before sa ex gf nya which is wla syang alam. Anu po ang best option na gawin nya pra mging malinaw ang lahat.kailangan po ba na kumuha sya ng abogado? Salamat

      1. master ask lang po kung ano dapat kong gawin kasal po ako sa una kong asawa at hiwalay na po kami 5 years na. but now may gf po ako ng US citizen gusto ko po sana pakasalan siya para madala nya ako sa america. kung mag tour ako na lang ako dun para diretso kasal na pwede po ba un.?sobrang mahal po kasi ng annulment ng pinas hindi gaya ng divorse sa america ang mura lang ng fee ang bilis pa ng proseso.

      2. Pwede ka namang mag apply ng VISA as tourist pa US pero siempre i e evaluate ka nila kung qualified ka. Pero hindi ka pwedeng magpakasal dito hanggat hindi annuled yung una mong kasal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: