Requirements When Applying for a Solo Parent ID

Solo Parent ID 2

Let us continue with our discussion on Solo Parent Benefits.  Most of you are eager to find out kung ano ang mga requirements para makakuha ng Solo Parent ID.  The answers are actually very simple (and easy to accomplish!).  Read on.

Ang applicant para sa Solo Parent ID ay kinakailangang magdala ng sumusunod na mga documents sa kanyang City or Municipal Social Welfare and Development office:

1.Barangay Certificate na nagsasabing ang Solo Parent applicant ay nakatira sa barangay na iyon within the last six months.

2. NSO certificates:

a. Birth Certificate of child/children

b. Kung ikaw ay biyudo/biyuda, Death Certificate ng yumaong asawa.

c. Iba pang dokumento na maaaring gamitin bilang suporta sa iyong application.

Ang mga NSO certificates tulad ng Birth at Death ay maaari nang ipa-deliver sa iyong bahay.  Tumawag lang sa (02) 737-1111; kung may internet naman, maaaring mag logon sa www.nsohelpline.com.  Matatanggap mo ang mga documents in 2 to 3 working days.

3. Income tax return o kahit na anong document na magpapatunay ng income level ng solo parent.

Kapag nakumpleto at nai-submit na sa Social Welfare and Development office ang mga documents, ang social worker na tumanggap ang syang magre-register ng application.

Bibigyan ang aplikante ng case number mula sa log-book ng Registry of Solo Parents.

Ang iyong ID ay matatanggap 30 days matapos mong mai-file ang mga requirements.  Ang ID ay valid ng isang taon at maaaring ma-renew kapag nag expire.

Next week, I will be posting the list of benefits na maaari mong matanggap bilang isang Solo Parent ID holder.  Watch out for that!

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

237 thoughts on “Requirements When Applying for a Solo Parent ID

  1. Maari pa ba mag apply ang Solo Parent, kahit ang anak nito ay NASA wasting edad na? Kasi wala siyang idea noon na pwede pala siya maka avail ng mga benefits as Solo Parent. Ngayon Lang niya nalaman ang mga bagay na Ito.

    1. Hi Kariza,

      Kung yung anak na nasa wastong edad na ay invalid, disabled, o hindi kayang mag provide para sa sarili niya, maaaring mag claim ang solo parent na nag-aalaga sa kanya.

      Pero kung able-bodied ung anak, hindi na pwedeng mag claim ang solo parent.

      MC

    1. Hi Gina,

      PWede pa naman siguro; pero normally, nabibigyan lang ang solo parent kung ang anak na legal age ay may kapansanan at hindi kayang mag provide para sa kanyang sarili.

      But you can try.

      MC

  2. gu day po . ask ko lng po kung hiwaly po ba sa asawa avail po b na mkpg apply ng solo parent? at nkaapelyido pi sa father kahit hind n po kasal ??

    1. Hi Mary Grace,

      Ito ang mga conditions para makapag apply ang isang single parent ng Solo Parent ID:

      1. A woman who gives birth as a result of rape and other crimes against chastity even without a final conviction of the offender: Provided, that the mother keeps and raises the child;

      2. Parent left solo or alone with the responsibility of parenthood due to death of spouse;

      3. Parent left solo or alone with the responsibility of parenthood while the spouse is detained or is serving sentence for a criminal conviction for at least one (1) year;

      4. Parent left solo or alone with the responsibility of parenthood due to physical and/or mental incapacity of spouse as certified by a public medical practitioner;

      5. Parent left solo or alone with the responsibility of parenthood due to legal separation or de facto separation from spouse for at least one (1) year, as long as he/she is entrusted with the custody of the children;

      6. Parent left solo or alone with the responsibility of parenthood due to declaration of nullity or annulment of marriage as decreed by a court or by a church as long as he/she is entrusted with the custody of the children;

      7. Parent left solo or alone with the responsibility of parenthood due to abandonment of spouse for at least one (1) year;

      8. Unmarried mother/father who has preferred to keep and rear her/his child/children instead of having others care for them or give them up to a welfare institution;

      9. Any other person who solely provides parental care and support to a child or children;

      10. Any family member who assumes the responsibility of head of family as a result of the death, abandonment, disappearance, or prolonged absence of the parents or solo parent.

      Ultimately, ang DSWD ang magdedecide kung qualified ang isang applicant for solo parent benefits. Depende ito sa evaluation ng iyong income and ability to earn for your family.

      MC

  3. Paano po kung ang solo parent n katulad ko ay walang trabaho?..Nasa poder po ako Ng tita ko at sya ang nagpapaaral sa anak ko..at bilang pagtanaw Ng utang n loob ako nman ay gumagawa Ng trabaho SA mga gawaing-bahay habang ang tita at Tito ko ay nagtatrabaho..hbd nman po ako katulong dahil pamangkin po ako. Makakakuha po Kaya ako Ng solo parent id?

  4. hello po my solo parent id na po.ako saan ko po to pwede magamit regarding sa milk at clothing ng kids ko
    dko kasi alam kong saan plz help me po

    1. Hi Marycres,

      Narito ang listahan ng mga benepisyo na maaaring ibigay sa mga Solo Parent ID holders:

      1 .Flexible work schedule.

      Hangga’t hindi makaka-apekto sa productivity ng empleyado at ng kumpanya, ang mga employers ay required na bigyan ng flexible working hours ang mga solo parents. Ang ibig sabihin nito ay ang isang solo parent employee ay maaaring magbago ng work schedule basta’t hindi nito maaapektuhan ang required number of work hours. May mga employers na maaaring ma-exempt sa requirement na ito, depende kung valid ang rason ng kanilang request for exemption. DOLE ang magpapasya ng exemption ng isang employer.

      2. No work discrimination.

      Ang mga employers ay hindi maaaring mag discriminate laban sa mga solo parent employees ayon sa terms and conditions of employment base sa kanyang status bilang isang solo parent.

      3. Parental leave.

      Ang ibig sabihin ng “parental leave” ay ang leave benefits na ibinibigay sa solo parents upang magampanan nya ang kanyang “parental responsibilities” kung saan kinakailangan ang kanyang physical presence (tulad ng graduation, PTA meetings, naka confine ang anak sa ospital). Dagdag pa dito ang mga leave privileges na hindi sosobra sa 7 working days taon-taon para sa solo parent employees na may isang taon o higit pa sa kumpanya.

      Other Benefits Available to Solo Parents.

      1 .Educational Benefits.

      Kasama na dito ang scholarship programs para sa solo parent at kanyang mga anak para sa basic, tertiary, and technical/skills education, at non-formal education programs.

      2. Housing Benefits.

      Kasama ito sa alokasyon ng gobyerno para sa low-cost housing projects at may maluwag na payment terms.

      3. Medical Assistance.

      Sakop nito ang comprehensive health care programs para sa solo parents at kanilang mga anak mula sa DOH. Ito ay maaaring ma-avail sa mga piling hospitals at medical centers at Local Government Units (LGUs) sa kanilang mga provincial/district/city/municipal hospitals and Rural Health Units (RHU).

      Ang Solo Parent ID ay hindi tulad ng Senior Citizen ID na nagagamit ng holder para sa mga discounts at privileges.

      MC

  5. Hi po single mom po ako mahgt 4 yrs.n po ako hiwaly sa dti kong asawa..ask k lng po kng paano po ako mkakaaaply ng solo parent id?smula po kc nghwly kmi hindi nag bbgy ng sustento ung lalaki ako lng po ang tumataguyod s isa kng anak..

    1. Ang applicant para sa Solo Parent ID ay kinakailangang magdala ng sumusunod na mga documents sa kanyang City or Municipal Social Welfare and Development office:

      1.Barangay Certificate na nagsasabing ang Solo Parent applicant

      2. NSO certificates:

      a. Birth Certificate of child/children
      b. Kung ikaw ay biyudo/biyuda, Death Certificate ng yumaong asawa.
      c. Iba pang dokumento na maaaring gamitin bilang suporta sa iyong application.

      Kapag nakumpleto at nai-submit na sa Social Welfare and Development office ang mga documents, ang social worker na tumanggap ang syang magre-register ng application.
      Bibigyan ang aplikante ng case number mula sa log-book ng Registry of Solo Parents.
      Ang iyong ID ay matatanggap 30 days matapos mong mai-file ang mga requirements. Ang ID ay valid ng isang taon at maaaring ma-renew kapag nag expire.

      MC

  6. Goverment employee po ako as Job order a may konting sweldo.Hiwalay po ako ng more than two years sa husband ko…simula po nun wala pong sustento sa 2 kong anak.nasa guidelines po ba na ang applicant for solo parent ay ung walang boyfriend?may boyfriend po ko foreigner pero hindi ko po ugali ang manghingi ng tulong lalo nat di pa kmi ngsasama.LDR lng po kmi.

    1. Hi Celeine,

      Although walang naka lagay about the single parent having a new relationship as a qualification, baka maka apekto ito sa application mo dahil may iba nang tao na involved sa buhay ninyong magiina. Ang benefits kasi for solo parents ay very specific una sa reason kung bakit ka solo parent (abandoned by husband, spouse died, spouse is in jail, etc…) at obvious dapat na ikaw lang talaga ang nagsusuporta sa mga anak ninyo.

      MC

  7. I’m 46 yrs old ,have 2kids 11&13 yrs old sa public school lang nag aral..I don’t have stable job..sideline lng mgbenta ng rtw minsan wala sa parents ako umaasa..ang tanung available ba yan sa City of Naga, Cebu?..kilan po ba yan nagstart ang mastercitizen…pwed paba ako makaavail?

    1. Hi Ellaine,

      Qualified ka as a solo parent kung ang sitwasyon mo ay isa sa mga sumusunod:

      1. Ang anak ng single mom ay bunga ng krimeng rape.

      2. Na-biyuda (o na-biyudo — dahil bukas din sa mga single father ang Solo Parent benefits).

      3. Nakakulong ang asawa.

      4. Baldado o may sakit sa pag-iisip ang asawa.

      5. Legally separated.

      6. Annulled ang kasal.

      7. Inabandona ng asawa.

      8. Hindi kasal at mas piniling alagaan ang mga anak kesa ibigay sa social institutions.

      9. Kapatid na umako ng responsibilidad na mag provide ng pangangailangan ng mga kapatid dahil wala na silang magulang (ulila na, inabandona ng magulang, may sakit ang mga magulang, etc.)

      Pwede kang mag inquire sa DSWD para sa kumpletong impormasyon tungkol sa Solo Parent Benefits; sila rin ang makakapag sabi sa iyo kung qualified ka dito.

      MC

    1. Hi Sharmin,

      Walang online registration para sa Solo Parent ID. Kailangan mong pumunta sa barangay ninyo o sa pinaka malapit na DSWD office. Doon ka mag inquire kung saan ka pwedeng magpa evaluate kung qualified ka for solo parent benefits.

      MC

  8. What if buhay p ang asawa pero hiwalay n? Mkakakuha prin b ng solo parent id
    Wala din akong itr kasi nagoonline selling lang po ako. Di ako employed.

    1. Hi Anne,

      Maari kang mag inquire sa DSWD about this. Ayon naman sa batas, kung ang parent ay inabandona ng asawa o hiwalay ng at least one year, considered na yung isa na solo parent basta’t nasa kanya ang mga anak.

      1. Parent left solo or alone with the responsibility of parenthood due to legal separation or de facto separation from spouse for at least one (1) year, as long as he/she is entrusted with the custody of the children;

      2. Parent left solo or alone with the responsibility of parenthood due to abandonment of spouse for at least one (1) year;

      MC

  9. PANO poh UN 24 poh q tapos poh 3 poh anak q Kaso poh di Aman. KC KMI kasal at nagkaroon ng bagong asawa u

  10. Hello po good morning mam paano hiwalay po kami nang asawa ko hindi naman po tatally tumutupad sa naging kasubduan nmin mag supporta sa mga anak namin pwede po ako matawag na single parent ako nman ang nag susupporta sa mga anak ko .na masukan po ako nang katulong ngyun

  11. Hiwalay na po ako almost 19years na, may work po ako pero di sapat ang kinikita para sa pag papa aral ng anak ko. 3rd years college na po siya pero nahihirapan na po ako sa expenses naming dalawa. Gusto ko po siya mapatapos kaso sa ngayon po kapos na ako kaya naging intresado ako sa blog nio. 1 lang po ang anak ko wala ako ibang source of income. Wala po kaming nakukuhang suporta sa ama ng anak ko.

  12. paano poh. kung hiwalay sa asawa at ala png sours of income pede dn ba mkakuha ng solo parent id salamat poh. s sgot god bless

  13. Hello po. Pwede po sa Solo Parent ang kapatid ko na walang asawa hindi rin nakasal pero may isang anak at umaasa lang sa biyudong ama.

  14. Anu po bha ang maqqha ng mga solo parent qng mag aaply ng solo parent ID? Ang mama ko po kasi may ID nah kaya lang hndi niya po alam qng para saan at kung saan niya pweding magamit ang kanyang sulo parent ID?

  15. 3 years na akong holder ng solo parent id pero wla namang dumadating sa akn na kht anong tulong mula sa DSWD.

    1. Hi Marissa,

      Nasubukan na po ba ninyong mag inquire sa DSWD about your benefits? Narito po ang listahan ng mga benepisyong maaari ninyong matanggap bilang isang Solo Parent ID holder:

      Employment-Related Benefits:
      1 .Flexible work schedule.
      2. No work discrimination.
      3. Parental leave.

      Other Benefits Available to Solo Parents.
      1 .Educational Benefits.
      2. Housing Benefits.
      3. Medical Assistance.

      Paalala din po na kailangan ninyong i-renew ang inyong Solo Parent ID taon-taon dahil nage-expire po yan.

      MC

    1. Hi Dolores,

      Usually, ang considered na single parents ay iyong mga hindi pa nakasal at mga biyuda. Pero pwede pa din po kayong mag inquire sa DSWD tungkol po sa status ninyo na kasal pero matagal na pong hiwalay.

      MC

  16. Nso birth lang po ba yong dadalhen sa dswd maam?isa po kasi akong single parents tapos ako lng po ung ngtataguyod sa anak k po

    1. Hi Jessica,

      Narito ang listahan ng mga documents na kailangan mong dalhin kapag mag apply ka ng Solo Parent ID:

      1. Barangay Certificate na nagsasabing ang Solo Parent applicant ay nakatira sa barangay na iyon within the last six months.

      2. NSO certificates:

      a. Birth Certificate of child/children
      b. Kung ikaw ay biyudo/biyuda, Death Certificate ng yumaong asawa.
      c. Iba pang dokumento na maaaring gamitin bilang suporta sa iyong application.

      MC

  17. isa po akong bakla,noong nagkatrabaho ako bilang isang caretacker nag-ampon ako ng isang batang babae,iniisip kulang kasi sa aking pagtanda diko na masuportahan ang anak dahil may kapansanan ako sa aking kaliwang kamay,puwidi po ba akong mag-apply ng solo parent.

  18. Hi/ mam and sir..Aqu PO ay isang parent..May apat na ank PO aqu gaun sa unang aswA may ank po aqu puro lalaki .5 yrs PO aqung naging solo sa una.gunit nakapang aswA ulit aqu sa gaun may 9 months PO aqung baby sa kasamaang palad biglang nglaho ung pangalawa Kung kinakasama.sa gaun ISA aqung kasambahay Kasama baby at dalawang ank.pwede PO ba aqu nyan ng solo parent I’d.

  19. pano po kaya ang tatay ko.,solo parent sya pero ns legal age na kmi nga anak nya..59 na sya., ngtitinda sya..para lang sana khit pano mkabawas sa pang gamot nya at makakuha sya ng ibang benifits..pwede po kaya sya

  20. Hello po sa lahat ng stuff..thanks po sa pagbibigay nyo ng bagong pag asa para samin mga single mom…ask ko lng po d po ba pwd online application..ofw po ako at gusto ko po kumuha nyan:)Salamat po and Godbless

    1. Hi Charmaine,

      Ang Solo Parent ID ay karaniwang gingamit sa opisina kung mag avail ka ng Solo Parent Leave, sa housing benefits at educational benefits. Hindi entitled sa discounts sa mga restaurants ang holders ng Solo Parent ID.

      MC

  21. sa tulad q,single parent po aq .gusto qpo na makapag-aral ang anak ko.ang mga hinihingi na requirements wala aq.ano kya po ang pwd sa kin.gusto q po magkaruon ng id . .

  22. paano po kung kasal po pero ako po ang sumasagot sa pangangailangan ng anak ko at ang asawa ko ay iniiwanan na lamang kami at walang suporta na binibigay sa mga anak namin

  23. Good day!
    Pwede pa din po bang humingi ng financial support ang isang nanay na may 12 yrs old ng anak..nag aaral pa din kase ang anak at may isa pa cyang anak na binubuhay
    Salamat po

  24. Good day po..single parent po ako may isang anak at buntis plng po ako ng iniwan ako ng tatay ng anak ko pero d kmi ksal..kya po nag abroad nlng ako pra buhayin ung anak ko iniwan ko sya sa nanay ko..pwede po ba mka avail.ung ofw na katulad ko maid lng ako dto sa kuwait..thanks po

  25. Ako po single mom sa nagiisa kong anak at apilyedo korin po sya…13yrs na po ako singlemom…nadisgrasya lng po ako.

  26. Hello mam/sir, panu po young paay na po ung daddy ng anak na d kmi nkasal eh nakalagy s birthcerticate nya eligitimate panu ko makakaapply ng solo parents card

  27. I am a single parent balo na ako for 8 yrs ofw ako d ba qualified ang ofw pra maka avail ng solo parents kc before naf apply ako d ako inaprubahan kc ofw ako bkit po ganun

  28. hi.gaya.dn po.ba.ito ng ibang ahensya na namimili ng pagbibigyan? gaya ko nirereiect dahil my work naman daw.at naka graduate? kaso ndi naman po lahat ng my work.ay lumaki sa my kayang pamilya.. thanks

  29. Pwede rin po ba mkapag apply ng solo parents khit n cnusuportahan ng tatay ung bata pero hnd nman cla kasal at hnd rin gamit ng bata ung apelyido ng tatay nya hnd rin po kasama ng bata ung tatay nanay lng nya ang ksama nya?

  30. Hi po tanong kulang kung pasok ba mama KO maliit palng po kami separate na sila n papa hanggan ngayon 32 na idad KO.c mama LNG nag trabaho Sa sarili nya.

  31. Ask k lang poh kung pwede ka mkakuha ng solo parent I’d knit wala ka income?and pwde run ba ako mkakuha ng benefits khit na ng asawa nkuh for the second time?hind nman sya tatay ng anak k?tnx for reply!

  32. pano po kung buhay ang asawa pero ikaw lang bumubuhay s mga anak mo..di po b qualified dito s nasabing programa nito??

  33. Maam just asking lng po.. Dugay nmn gud me bulag sa akong bana mga 3yrs na mka avail kaya ko ana naa q anak duha kabouk maam.. Asa pud dapita ipasa maam..thank you po

  34. Hindi naman daw applicable ang solo parent sa job order , sa casual at permanent lng daw applicable ang benefits ng solo parent

  35. Hi single parent din po aq pwdi rin po vha aq mkakuha ng solo parents I’d my isang anak po aq Peru di sya sinusuportahan ng tatay nya nghiwlay po kmi 6yrs ago na po aq LNG ngtratrabho PRA sa anak ko

  36. Ask ko lang po ano ung income tax return san at panu po eto nakukuha,,at sample po ng other document ng income,,wla po kc ako idea kung panu eto makukuha o magagawa,thanks and Godbless!

  37. The last time I secured a solo parent ID was last 2010 (If I remember it correctly) And since then, wala nang expiration ang ID na ibinigay sa akin. But prior to 2010, yes, 1 year lang ang validity ng ID.

  38. Ano pong dokumento ang pwede ipresinta kung kayong mag-asawa ay matagal na hiwalay pero hindi legal?

  39. Hello po! Pwd pi b kht OFW?ngwork aq dto dhl mhrap ang single parent at mhrap dn po ang mghnap ng work s pinas khtvsriling byan my discriminasyon din.Kdrtngbko lng po dto s HK nung April 1 3weeks p lng po aq.Qualified po b aq.Salamat!

  40. OFW po ako at single mom for almost 7years .. pwede din po b ako makaavail ng sa SOLO PARENT.. thanks

  41. Pwede din po b mag apply ng solo parent ang matandang dalaga na may anak po? Tanong lng po. Salamat po

  42. Hi maam ask k lng po kng ako pwide mkakuha ng solo parents ID 15 years n po akong hiwalay s asawa k hnd k po alam kng patay n cya ir what kc 2months p lng ung bunso k nong mwla cya at mg isa lng po ako n bumubuhay s mga anak k at ng abroad po dahil hirap n hirap n ako bumuhay s mga anak k lhat po cla my nso mliban po s baranay clearance slmat po

  43. single mom po ako… solo parent, 4 months plang po baby ko.. wla pa po sya NSO.. pwde po ba yun??? birth certificate plang po kasi yun eh.. after makumpleto yung requirmnts, saan po ito ipapasa???

  44. wala na ba ibang pwd pag aplyan ung solo parents? kc ung dswd sa lugar nmin prang d nman mganda humrap sa mga tao eh..

  45. what if you are an ofw?.,
    can i have this ID too?
    i’ll be taking my vacation soon, can i apply for this?

  46. hello po, qualified po ba ako? may anak po ako isa, hindi na kami binalikan ng tatay ng anak ko.
    wala po akong permanenteng trabaho. paextra extra lng po.

  47. What if po were living pa together sa tatay nung bata pero hindi pa kami kasal .. can i consider my self as a solo parent?

  48. Paanu po kun kasal at hiwalay sa asawa at mag isa lang tumataguyod sa mga anak, qualified din po ba sa solo parents?

  49. Hi ma’am,
    How about not legally separated,like me nasa akin po ang dalawa ko anak,ano po gagawin ko pra maka avail ako nyan

    Thanks

  50. I inquired with the DSWD office in Pasig about the requirements. On top of those you have mentioned, they are requiring me to submit a Voter’s ID. Is this really necessary? And they even advised me to apply for a Solo Parent iD in the area where I have registered as a voter (I’m based in Pasig but I have registered as a voter in the province). I find this absurd given that DSWD is a national agency. Can you please enlighten me? Thank you.

  51. good day, ako po ay may dalawang anak at ako lang po ang tumataguyod sa kanila at nag-file na rin po ako ng anullment kya nasa akin po lahat ng gastos. may sarili naman po akong business pero d po sapat ang kinikita ko sa lahat gastusin ko, madalas kinakapos din po. naka-tira po kami sa parents ko, ang tulong na binibigay sa amin ay libreng tirahan, kuryente, tubig. sana po ma-qualified po ako para sa SOLO PARENT BENEFITS at ma-avail ko po ang SOLO PARENT ID. malaking tulong po sa akin lalo na po naabutan ng K12 ang panganay ko sa pasukan kaya sobrang hirap napo ako sa mga gastusin ko. sana po matulungan po ninyo ako, maraming salamat po…

  52. pwede po ba mag avail ng id ung mama ko po..isa na po syang biyuda, 3 po kameng magkakapatid at may anak na po ako..ung 2 kapatid ko po single pa, at ung isa pong kapatid ko kabilang po xa sa di ability person at wala po silang trabaho pati po mama ko dahil 60 taon na po xa…

  53. hi sir/madam
    kinasal po ako sa lalaking kasal na pala. nalaman ko 1 month after nung manganak ako. iniwan kami mula grade school til now na grade 10 na anak ko., walang sustento. so ako lang provide sa anak ko nagtitinda lang me ng ulam. ano po ba dapat kong gawin para maayos ko lahat at maka avail din sa solo parent ID at kung entitled din ba ako?
    wala po ako asawa.

  54. Good day po sir/ma’am. Ako po ay hiwalay na ng 8yrs.sa aking asawa. At ako lng po ang tumataguyod sa aking dalawang anak. Paano po aq mgpaparegister bilang solo parents po. Sa ngayon po nandto aq sa singapore bilang dh po. Bago lng po aq dto 3buwan plng po. Kung sa documents po wla aq documents o kasulatan ng aking dting asawa na hiwalay po kmi. Ano po ang aking mabuting gawin. Maraming salamat po. Umaasa po ako na inyo pong matugunan ang aking katanungan. Salamat pong muli

  55. How about seperated mom ..but still legal marriages?
    I am 10 years single mom..
    Can apply also Solo Parent ID?
    Pls ..pm me

  56. single mom po ako,may isang anak 1yr and 3months pa po ako lng po nag support,ang trabaho ko po ay kasambahay dto sa manila,pwede po vah ako?

  57. .gudeve po,ask ko lang po sana,may auntie po ako,na tUmandandang dalaga na,merun po syang tinataguyod ngayun na dalawang bata,mga pamangkin ko po,iniwan po ng pinsan ko yung mga anak nya para sumama sa ibang lalake,kaya tita ko na po yung nagpapalaki ngayun,pero paextra extra lang po yung tita ko,wala po syang income tax return,pero may mga birth certificate naman po yung mga bata,pwede po kaya magapply ng solo parent ung tita ko,?salamat po.

    1. Hi Maryjean,

      Oo pwede syang mag apply. Basahin ninyo ang mga list of documents na kailangang i-submit. Kung wala syang income tax return, sabihin nyo sa DSWD. Ang DSWD ang mag assess kung qualified sya sa benefits.

      MC

    1. Hi Joan,

      Ang DSWD ang mag assess kung qualified ka sa Solo Parents Benefits. Basahin mo ang listahan ng mga documentary requirements and make sure na handa at kumpleto ang lahat ng ito bago ka pumunta sa DSWD.

      MC

    1. Hi Ms Dela Cruz,

      Pwede mong sabihin sa DSWD na dahil wala kang trabaho, wala kang income tax documents na maaaring ipakita. Bumisita ka sa pinaka malapit na DSWD office dahil sila ang makakapag sabi sayo kung qualified ka for the benefits.

      MC

    1. Hi Helen,

      Ang DSWD ang mag evaluate kung pwede kang mag qualify for the Solo Parent Benefits. In the meantime, mabuting handa ka sa mga documentary requirements tulad ng NSO Birth Certificate ng mga anak mo. Kung wala ka pang copy ng Birth Certificate nila, pwede ka nang mag order online sa http://www.nsohelpline.com

      Visit this page too para sa listahan ng mga requirements sa pag kuha ng ID: https://mastercitizen.wordpress.com/2015/11/12/requirements-when-applying-for-a-solo-parent-id/

      MC

  58. Mam/sir
    Matagal na po kami hiwalaya ng asawa ko 10 yrs na po wla any communication may 2 sons po kami ako lang po ang nagsusuporta..pero d po kami legaly separated wla po ako mapapakita na document..panu po yun?

    1. Hi Nette,

      Ang DSWD ang mag-evaluate ng status mo kung qualified ka for Solo Parent benefits. Kailangan lang na mapatunayan na mag isa mong sinusuportahan ang mga anak mo. May NSO Birth Certificate na ba ang mga anak mo? Kailangan kasi ito pag nag apply ka for a Solo Parent ID.

      Pwede kang mag order online at ipa deliver mo na lang para mas convenient. Just log on to http://www.nsohelpline.com

      MC

  59. Paano po malalaman kapag tunay ang kasal?
    Kasal po kami sa mayor, piro di ko po sure kong kasal sila sa una nyang asawa. Kasi sabi nya d raw. Sabi naman ng asawa kasal daw. Sa mayor po kami nag pa reg. Hindibna kami nag sasama at hindi din sya nag bibigay ng sustinto. Ksalukuyan po akong ofw sa singapore. Sa tingin nyo qualify po ba ako? Thanks

    1. Hi Ruwelyn,

      1. Malalaman mong tunay ang kasal kung may NSO Marriage Certificate sila. Pwede kang mag order ng kopya nito sa http://www.nsohelpline.com.

      2. Para mag qualify ka bilang Solo Parent beneficiary, kailangang mapatunayan na ikaw lang ang sumusuporta sa anak mo. Kailangan din ng personal appearance mo sa DSWD office. Sila ang magsasabi kung qualified ka sa Solo Parent benefits.

      MC

  60. I am a solo parent,walang trabaho,yong asawa ko ay isang TASK FORCE during FLUSH FLOOD in Ormoc CIty,yan, nagstart sakit nya…walang akong work ngayon ,naghanap pa para lang support sa pamilya ko..Please help me..I hope so..graduating yong anak ko ngayon,para lang allowance gipit ako..please please..salamat..

    1. Hi Maria Luisa,

      Maaari kang pumunta sa DSWD office at doon mag apply ng Solo Parent ID. Basahin mo lang mabuti ang mga qualifications: kailangan mag isa kang sumusuporta sa mga anak mo; o kung may asawa ka man, kailangang mapatunayan na walang kakayanan ang asawa mong suportahan kayo.

      MC

  61. Hi po i am a single mom for 5 yrs and working here in hongkong pero want ko din po mag apply ng id….pwede po kaya ako?wala po bng online application for this?

    1. Hi Anne,

      Unfortunately, walang advice from DSWD kung available ang online application for Solo Parent ID. Kailangan personal appearance sa DSWD office kung mag apply for an ID ang isang solo parent. You can do it pag bumisita ka dito sa Pilipinas.

      Meantime, pwede ka nang mag prepare ng mga documentary requirements tulad ng Birth Certificate ng mga anak ko. Pwede kang magpa deliver kahit nasa Hong Kong ka. Mag order ka lang online at http://www.nsohelpline.com Para pag dating mo dito sa Pilipinas, ready na ang mga documents mo for your application.

      MC

  62. Hello po… Seaparated for 10yrs na po aq…aq lng po nagsusuporta sa anak…isa po aqng OFW pwede po ba aq mag apply nyan?

    1. Hi Jeany,

      Isa sa mga requirements sa pag apply for solo parent benefits ay personal appearance sa DSWD office. Sila ang mag evaluate ng status mo kung qualified ka. Pumasyal ka sa DSWD office pag uwi mo dito sa Pilipinas.

      MC

    1. Hi Rhona,

      Basta’t mapapatunayan na mag-isa mong binubuhay ang anak mo, walang suporta mula sa ama nito, may chance kang ma-approve as a solo parent beneficiary. Mag inquire sa pinakamalapit na DSWD office sa lugar ninyo.
      MC

  63. Good .evening,
    Ask lng po kung pwede pa ako mka avail ng Solo Parent Benefits. I am 55 yrs old na po widow, may tatlong anak. They are all working na po sa tulong ng pagaabroad ko as a domestic helper. Ngayon umuwi na ako for good kaso lng po wala man akong na saving dahil nga po sa matricula at allowances ng mga anak ko. Now po wala akong income sa sarili ko f ever po, pwede pa kya ako mka avail sa benefits na ito? Salamat po.

    1. Hi Lhudz,

      Isa sa mga requirements para mag qualify as a Solo Parent beneficiary is may sinusuportahan kang anak. Kung may trabaho na sila, ibig sabihin, kaya na nilang suportahan ang mga sarili nila. Pwede ka pa din mag sadya sa DSWD office para mag inquire kung anong benepisyo ang maaari mong makuha.

      MC

    1. Hi Tine,

      Pwede mong sabihin sa DSWD na wala ka talagang means of income (wala kang trabaho). Kung tinutulungan ka ng parents mo para mag provide sa mga anak mo, maaaring hingin nila ang proof of income ng parents mo. Mag sadya ka sa DSWD office para sa iba pang information.

      MC

  64. Hi Isa din po akong single parent..may 2 kids pero Di po ako kasal Sa ttay Ng Mga Anak KO..DH po ako now dito Sa Singapore puedi din po ba ako mag apply?

    1. Hi Mary Jean,

      Ang DSWD ang mag-assess kung qualified ka for the Solo Parent Benefits ID. Isa sa mga kailangan mong gawin is personal appearance sa DSWD office. Siguro pag umuwi ka dito sa Pilipinas, sumadya ka sa DSWD para mag inquire.

      MC

  65. Hello po. Single parent po ako para sa dalawang anak ko for 25 years na po. Panganay ko po 25 yo, yung sumunod 23 yo pero nag aaral pa po sila at naka depende pa rin po sa akin. Ako na ang nag-aruga sa mga anak ko simula nung naghiwalay kami ng tatay nila 23 years ago na po. May asawa na po ako ngayon last 2012, non-filipino po sya, pero hindi naman po nya responsibilidad ang mga anak ko. OFW po ako. Pwede pa rin po ba akong mag-apply ng Solo Parent ID?

    1. Hi Moody,

      Isa kasi sa mga conditions para mag qualify for the Solo Parent benefit ay ang wala kang ibang katuwang sa buhay, yung walang tumutulong sa iyo sa mga gastusin para sa mga anak mo.

      Actually, ang isang tao na nag qualify sa Solo Parent benefits ngayon, pero nag asawa bukas, ay maaaring matanggalan ng benepisyo. Dahil pag nag asawa na ang isang tao, ibig sabihin may makakatulong na sya sa mga gastusin.

      Kailangan din na ang anak ng solo parent ay below 18 years old pa. Kung over 18 years old naman, kailangang walang kakayanan ang anak na mag trabaho para sa sarili nya (may sakit o may kapansanan) para mag qualify ang magulang sa Solo Parent benefit.

      Pwede ka din mag inquire sa DSWD dahil sila ang makakapag sabi sayo kung qualified ka.

      MC

      1. Solo parent din ako, kung may kakilala ka sa barangay nyo na pwedeng makatulong para sa DSWD ID mas mabilis. Dun kasi ako kumuha, so far ang benefits ko lang ay additional VL under solo parent, financial wala. 3 anak ko below 18 sana mapansin at mapaganda etong RA na eto para may financial tulong tayo sa government. God bless po sa lahat!

    1. Hi Chie,

      Base naman po sa listahan ng conditions to qualify for Solo Parent benefits, basta’t mapapatunayan na mag isa ka lang na bumubuhay sa anak mo, wala kang katuwang, pwede kang mag qualify. Mas mabuti na mag inquire sa DSWD office para maka siguro.

      MC

  66. Gud pm mam/sir cover po ba ng solo parent ung illegitimate baby wala po akong asawa at kailangan po b ng mga proof of income para makapag apply ng solo parent? Maraming salamat para sa inyong kasagutan

    1. Hi Grace,

      Naka lista sa article natin lahat ng kailangang i-submit na requirements. Kailangan ng proof of income mo para ma-assess ng DSWD kung qualified ka for the assistance. May NSO Birth Certificate na ba ang anak mo? Requirement kasi yun pag nag apply ka ng SOlo Parent ID. Pwede ka nang mag order online: http://www.nsohelpline.com

      MC

  67. Ako hiwalay sa asawa 24yrs na sa asawa apat ang anak k po akoy ngabroad upang maitaguyod mga anak k..ngyon d kna kaya ang mgtrabaho s ibang bansa naicip k panu n lng kme ng mga anak k wala akong income para pang araw2x namin…

    1. Hi Mercy,

      Pwede kang mag inquire sa pinakamalapit na DSWD office para malaman mo kung qualified ka. Assistance and support ang pwedeng makuhang benefits ng mga qualified Solo Parents; in a way, kailangan mo pa din mag trabaho. PEro at least, meron ka nang aasahan from the government in case mag qualify ka.

      MC

    2. Hi Mercy, im Lina, coordinator dati ako ng Single Moms saming church…. If u want to have extra income pls. Add me n fb …lina areja san agustin… Godbless

  68. May isang anak po ako sa pagkadalaga hindi cia sinuauportahan ng kanyang ama ako lang nagtataguyod sa kanya ngaun meron akong kinakasama ngaun pero walang trabaho ako lang talaga naghahanapbuhay guato ko sna mag apply ng solo parents kasi ako lang nman nagtataguyod sa anak ko.. Pwede ba ako jan?

    1. Hi Virginia,

      Pwede kang mag inquire sa pinaka malapit na DSWD office, sila ang maga-assess kung qualified ka. As long as mapatunayan mo naman na ikaw lang ang sumosuporta sa anak mo, malaki ang chance na mag qualify ka. Read our article last Monday on Solo Parents, nakalista doon ang qualifications.

      MC

    1. Hi Cristina,

      Basta’t ma-satisfy mo ang kahit na alin sa mga qualifications na nakalista sa article last Monday, pwede kang mag qualify. To be sure, pwede kang makipag ugnayan sa DSWD na malapit sa inyo.

      MC

      1. hi, legitimate single mom ako, pero naka apilyido ang anak ko sa tatay. di naman din nya kaya suportahan anak ko so eto ako getting by sa kung anumang trabaho na ma available para buhayin siya. Nag apply na ako ng solo parent ID. currently wala po ako trabaho. pwede ba akong ma qualify sa assistance benefits kung nakikitira lang me sa isa sa bakanteng pinto ng nanay ko ng nakabukod.

  69. hello mam/sir ako ay separated sa legal husband ko, nagkaroon ako ng live in partner nagka anak kami ng dalawa pero nagkahiwalay din po kami, 10 yrs na po akong single parents ako lang po ang bumubuhay sa mga anak ko wala po akong regular income, nagtinda ako ng kahit ano umaangkat sa kaibigan minsan wala, nag aaral ang anak ko sa public school yong isa nag stop na. luck of financial.

    1. Hi Shirley,

      Base sa sitwasyon mo, pwede kang mag qualify for Solo Parent Benefits. Pumunta ka sa pinaka malapit na DSWD office at doon mo sabihin na mag apply ka for Solo Parent ID.

      MC

      1. Hi po. Tanong ko lang po, kasi solo parent po ako, since hindi naman nasusuportahan ng tatay nya yung anak nya sa akin pero gamit ng bata yung apelyido nung tatay nya. Pwede pa din po ba ako sa SOLO PARENT?

      2. benefits? wala namang binibigay ang dswd kahit magtanong ka wala clang maioofer na tulong kundi 7 days leave with for 1 yr kung nag oopisina ka,wala ng iba.kung wla kang opisina wala ng ibang benefits na mapapala.wla nmng mga discounts s bilihin o tulong mula sa dswd.Educ assistance nagtanong ako march pa,june july,nagtanong ako ulit s dswd,hold daw.at sabi ilan lang ang nbbgyan ng educ assistance,dapat lahat,pero khit lahat bgyan,wla nmn talagang ibinibigay. wala rin xang dscounts s mga ospital s totoong buhay kahit p sabihing me medical assistance daw,wla naman mukang pahirapan pa

      1. Hi Salvie,

        Today, magpopost ako ng article tungkol sa mga benefits na maaaring ma-enjoy ng isang qualified Solo Parent beneficiary. Check mo na lang itong blogsite.

        MC

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: