The New PHLPost ID and Why You Should Get One Now

PhilPost Id

Almost everyone I know has a Postal ID tucked in their wallets. It is one of those identification cards that can be acquired with the least documentary requirements (I even know a couple of people who got theirs without personally appearing at their respective Post Offices!). As a result, the Postal ID’s validity is seldom honored in establishments such as banks and remittance centers; no, not even as a means to gain entry in some buildings and offices. That is probably why mine has remained in my wallet for years on end that when I finally did take it out, the prints on the card have transferred to its plastic cover (nope, I never got around to having it laminated either!).

Well, here’s some good news I’d like to share!

Ang Philippine Postal Corporation (Phlpost) ay nag-lunsad na ng bagong Phlpost ID! Ang bagong card ay may security features na kaya’t ang bagong Postal ID ay valid na para sa lahat ng transactions na nagre-require ng government-issued ID.

Sino ang pwedeng mag apply para sa bagong Phlpost ID?

Lahat ng Filipinos, regardless of age and location, at kahit pa ang mga naninirahan abroad, ay maaaring mag apply ng kanilang bagong Phlpost ID. Pretty soon, pati na rin ang mga foreign nationals na nakatira na sa Pilipinas ng at least six months ay maaari na din mag apply ng kanilang Phlpost ID.

Bakit kailangan kong kumuha ng bagong Phlpost ID at ano ang mangyayari sa luma kong Phlpost ID?

Makakakuha ka ng Phlpost ID kahit na wala kang special skills o kahit hindi ka employed (di tulad ng Drivers’ License, PRC Licenses, SSS, GSIS). Kapag meron ka nang bagong Phlpost ID, mas madali ka nang makakapag transact sa banko, pag-apply ng passport, byahe abroad, pag-apply ng loans, o sa pag-apply sa trabaho.

Ang lumang Phlpost ID ay valid hanggang sa petsa na nakasulat sa “Valid Until” field ng ID. Ang Post Office sa inyong lugar ay hihinto nang mag issue ng paper-based IDs kapag naging available na ang bagong Postal ID sa inyong lugar. Maaari na din magpa palit ng new Postal ID ang mga may old Postal ID na valid pa, may discount pa kapag pinapalitan ito ng bago.

Papano ba mag apply ng bagong Phlpost ID?

Madali lang mag apply ng bagong Phlpost ID. Kailangan mo lang mag prepare ng dalawang klaseng dokumento, as listed below. Siguraduhing napa photocopy mo ang original bago ka mag tungo sa Phlpost para mag apply. Dalhin mo na din ang original copies for verification.

  1. Proof of Identity – any one (1) of the following:
  1. Proof of Address – any one (1) of the following:
    • Barangay Clearance / Barangay Certificate of Residency
    • Utility Bill in the Applicant’s Name (e.g. electricity, water, cable, mobile phone subscription)

Kung wala kang kahit na alin sa mga nakalista under Proof of Identity, kailangan mong magdala ng dalawa ng kahit alin sa mga sumusunod na documents. Siguraduhing ang isa sa dalawa ay may pirma ng applicant.

  1. Valid paper-based Postal ID
  2. Valid NBI / Police Clearance
  3. Old SSS or GSIS card
  4. Valid OWWA ID
  5. Valid PRC ID
  6. Digitized BIR Card
  7. Valid Seaman’s Book
  8. Valid Integrated Bar of the Philippines ID
  9. Biometric Voter’s ID
  10. Valid Company ID
  11. Senior Citizen ID
  12. Certificates of Birth / Marriage from National Commission for Muslim Filipinos (NCMF) or National Commission for Indigenous Peoples (NCIP)
  13. Elementary or High School Form 137 for minors applicants 18 years old and below
  14. School Transcript of Records with readable dry seal
  15. Marriage Contract
  16. Valid University / School Alumni ID
  17. TIN Card

Kung minor ang nag-a-apply for a Phlpost ID, kailangang may kasama siyang magulang or guardian. Magdala din ng proof of guardianship upon application.

Kung ang dalang birth certificate ay issued ng Local Civil Registrar, kailangang ito ay six months current from the date of ID application. Dalhin ang resibo mula sa LCR bilang proof.

Saan Maaaring Mag Apply ng Bagong Postal ID?

Pwedeng mag apply sa kahit na saang post office. Kapag na-screen na ang mga dala mong documents, papupuntahin ka na sa ID capture station para makunan ka ng litrato at fingerprints. Meron nang 260 ID Capture Stations sa buong bansa (hyperlink to list of ID capture stations).

Maaari din kumuha ng application form sa mga post offices nationwide, o mag download sa www.phlpost.gov.ph.

May bayad ba ang bagong Phlpost ID? Magkano?

Ito ang mga fees na babayaran ng mga aplikante, kahit saan sa buong bansa:

Postal ID Card + Delivery Fee – Php 370.00 + 12% VAT Php 440.40 = Php 414.40 Ang ID ay valid for three years.

Get yours now!

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

95 thoughts on “The New PHLPost ID and Why You Should Get One Now

  1. Hello po..tanong q lang po..magkaiba kc apilido q sa PSA at sa late registration q.sa PSA q po “hamili” aq sa late reg.q po “molaven” anu po ba dpat qng gawin..pnu q po to aayusin..salamat po..

    1. Hi Josepine,

      Una, bakit may PSA birth certificate ka na tapos nagpa late register ka pa?

      Kung may previous ka nang birth certificate na naka rehistro sa munisipyo at nakakuha ka na ng kopya sa PSA, ito ang laging lalabas pag nag request ka ng birth certificate. At kung anong pangalan at apelido ang nakasulat sa bc mo, iyon ang lalabas at lalabas lagi.

      MC

  2. I leave now in mandaluyong, but my bills are still address in makati…Does it matters in applying for Postal ID?

  3. Why 3 years validity only? That fee is too much. You mean we will pay again when expired? I don’t like this idea. Sorry!

  4. Clarification lang po. Kahit saan ka nakatira pwede ka ng mag apply ng id sa kht saang phlpost? Ex. Makati area ako. Sa Pateros phlpost ako kukuha ng id. Pwede ba?

    1. Hi Zhai,

      You may apply at any post office. After your documents have been screened, papupuntahin ka sa branch na nagca-capture ng ID picture. Kung yung pinag applyan mo na branch ay nagpipicture-take na din, dun ka na lilitratuhan. So yes, kung may post office sa Pateros, pwede ka na dyan mag submit ng application mo.

      MC

  5. Hi ang husband ko nag apply ng postal id sa Bacoor at nireject kc nid daw nso my dala nman xang drivers lisence at nbi meron pang marriage contract bakit nireject pa

  6. Ask ko lang po if ano requirements kapag ngpachange status ako sa sss…need po b n nso ung marriage license?kaso kakakasal ko lang.pano po yun?

      1. Good day po mom kong mag a apply po ako ng postal ID
        Pwedi n po ba ang drivers license at NBI clearance at NSO At voters certificate ID

  7. Nag-apply ako ngayong araw para sa bagong postal ID, pero nagkamali ako ng spelling sa address na nilagay ko sa subdivision (“Sorento” sa halip na “Sorrento”). Maaari ko pa bang maitama ‘yon kahit hindi na kailangan pang magbayad pa ulit ng 504 pesos?

  8. Bakit nga may expiration ang id. Id nga yan di ba? Tulad ng sss or tin? Or make the reputation longer necause money is hard to find specially to a low income earner. So i hope the government will stop making money to people who cant provide Id’s.

    1. Hi Gemma,

      Ito ang breakdown ng fee para sa Postal ID:

      Applicants will pay the following fixed fee anywhere in the country.

      Postal ID Card + Delivery Fee = P450.00
      12% VAT = P54.00
      Total = P504.00

      MC

  9. So ano ang address na mag a-appear sa ID for us Filipinos living or working abroad? Yung foreign address ba namin?

  10. kung taga cavite po ba aq pero sa manila aq kukuha ng postal i.d gaya ng las pinas eh ok lang po ba un?

  11. i grew up in villamor pasay city, but now that im married we are renting in malibay pasay city. where should i get an i.d to validate my residency? the latter or the former? thanks! 🙂

  12. Hi po! Ask KO Lang if pwede mag apply through online ang mga OFW? If pwede, saan po’ng tanggapan dito sa UAE?

    Salamat po & more power?

  13. Good afternoon po kahit san po pwde mag apply ng philpost , kahit saang post office

  14. Me old postal ID na po ako gusto ko apply ulit but ofw ako pwede b apply online and send all the documents thru email na need or requirements nyo or hindi pwede ung ganun?

  15. Im here in silang cavite pero yung postal id ko is expired na pwede ko ba marenew ito dito sa silang pero naka register sya sa cavite city and pwede ko bang palitan yung surname ko kasi sa expired id ko eh married pa ang surname ko..ngayon annuled na ako pwede bang gamitin ko yun surname ko nung single pa ako

      1. Hello po! Ask ko lang po kung ilan weeks po marerelease pag kumuha ka ng postal i.d kasi po wala pa po yung sakin, kumuha po ako nung march 1 pa hanggang ngayun wala pa eh sabi sakin dun sa post office na pinagkuhanan ko 4weeks daw po bakit ngayun wala pa. Pakisagot naman po tanong ko, taga Bamban tarlac po ako. Salamat 🙂

      2. Wala naman pong sinabi sakin basta sabi lang po sakin sa post office 4weeks before releasing daw. Tsaka bakit ang tagal marelease dito sa bamban tarlac eh samantalang sa pampanga daw eh 2weeks bago ma release dito sa tarlac halos 1month. Bakit kaya. Salamat po 🙂

    1. Nag follow up po ako kanina sabi po sakin wala pa daw po yung id ko, sabi naman po baka next week sana nga true yun na na next week. Sige po salamat po sa pag reply 🙂

  16. Papaano po kung year ago p at d nahuhulugan ung sss..as in wla p pong contribution s sss.at mg aaply po aq ng humid id..anu po ang dapat kong gawen pra mkpg apply ng humid id..valid po b n mag contribution aq ng 3mos as self employed pra mka apply aq ng humid..tnx pls pki reply nmn pra my kasagutan aq..godbless

  17. Hello sir/mam,anywhere ba na postal I.d pwede mka avail…residence address ko ay nueva ecija but working me sa laguna,ok lng po sa Laguna me mag apply?thanks

  18. Please help. Yong sure name ko po si dujo and sa nso copy ko po duso. So negative po ako. So need supporting documents to pass sa local registrar. Mag kano po ba bayaran ko sa nso to change name? Thankyou.or possible ba ang nso na mismo mag change nun? Not to go long process at LRM? Salamat ng marami.

    1. Hi Vie,

      Ang Phlpost lamang ang makakasagot kung bakit 3 years (at hindi 5 years, or 10 years) ang validity ng postal ID.

      Even driver’s licenses are only valid for three years.

      MC

    1. Hi Matissa,

      Wala pang advise ang Phlpost kung pwedeng ipadala sa Philippine embassy sa ibang bansa ang ID. Maaaring mag apply ang mga Pilipino na nasa ibang bansa sa susunod nilang pagbisita sa Pilipinas.

      Kung tiga-Metro Manila ang applicant, matatanggap niya ang ID sa loob ng 15 working days mula nang sya ay mag apply. More than 15 working days naman kung sa probinsya ito ipapa deliver.

      MC

    1. Hi Reynalyn,

      Idedeliver sa address mo ang Phlpost ID:

      Metro Manila: Approximately 15 working days from date of application.

      Other major cities and municipalities: Approximately 20 working days.

      Island provinces and remote barangays: Approximately 30 working days.

      MC

    1. Hi Jo Mary,

      Only Phlpost can answer that. Ang purpose siguro ng expiration is to track na lahat ng may hawak ng Phlpost IDs ay nandito pa sa bansa or buhay pa (just my two-cents’ worth).

      MC

      1. Bakit dito sa pampanga halos inabot ng 750 ang binayaran para lang makakuha ng philpost ID kala ko ba 414.40 pesos lang sa buong bansa.

      1. Hi Che Che,

        Ito ang listahan ng mga requirements at ang Philpost. Sundin mo na lang para sigurado:

        Proof of Identity – any one (1) of the following:

        Birth Certificate issued by the NSO or Local Civil Registrar.
        Married women must bring their NSO Marriage Certificate (for name change validation).
        UMID Card (GSIS or SSS)
        LTO Driver’s License
        Valid Passport

        Proof of Address – any one (1) of the following:

        Barangay Clearance / Barangay Certificate of Residency
        Utility Bill in the Applicant’s Name (e.g. electricity, water, cable, mobile phone subscription)

        Kung wala kang kahit na alin sa mga nakalista under Proof of Identity, kailangan mong magdala ng dalawa ng kahit alin sa mga sumusunod na documents. Siguraduhing ang isa sa dalawa ay may pirma ng applicant.

        Valid paper-based Postal ID
        Valid NBI / Police Clearance
        Old SSS or GSIS card
        Valid OWWA ID
        Valid PRC ID
        Digitized BIR Card
        Valid Seaman’s Book
        Valid Integrated Bar of the Philippines ID
        Biometric Voter’s ID
        Valid Company ID
        Senior Citizen ID
        Certificates of Birth / Marriage from National Commission for Muslim Filipinos (NCMF) or National Commission for Indigenous Peoples (NCIP)
        Elementary or High School Form 137 for minors applicants 18 years old and below
        School Transcript of Records with readable dry seal
        Marriage Contract
        Valid University / School Alumni ID
        TIN Card

        MC

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: