The Real Score on Remarrying Based on Presumptive Death of a Spouse

Presumptive Death

Gaano nga ba katotoo na kapag ang iyong asawa ay nawala ng hindi bababa sa pitong taon – walang nakaka-alam kung nasaan siya, walang nakaka-alam kung buhay pa siya – ay malaya ka nang mag-asawang muli na hindi mo na kailangan ang annulment o ano pa mang proseso. Totoo nga ba ito?

Ayon sa Philippine e-Legal Forum (http://jlp-law.com/blog/) ang konseptong ito ay maaaring nagmula sa layman’s interpretation ng Article 83 ng Civil Code:

Art. 83. Any marriage subsequently contracted by any person during the lifetime of the first spouse of such person with any other person other than such first spouse shall be illegal and void from its performance, unless:

(2) The first spouse had been absent for seven consecutive years at the time of the second marriage without the spouse present having news of the absentee being alive, or if the absentee, though he has been absent for less than seven years, is generally considered as dead and believed to be so by the spouse present at the time of the contracting such subsequent marriage, or if the absentee is presumed dead according to articles 390 and 391. The marriage so contracted shall be valid in any of the three cases until declared null and void by a competent court.

Ang nakasaad sa Civil Code tungkol sa pagpapakasal muli kapag ang iyong asawa ay absent o nawawala at hindi na matagpuan matapos ang pitong taon ay tama. Ang batas na ito ay ginawa pang mas specific ng Family Code kung saan nakasaad ang mga circumstances na maaaring kabilangan ng pagkawala ng asawa at bilang ng taon bago maaaring magpakasal muli ang naiwang kabiyak.

Halimbawa, kung sa Civil Code ay pitong taon ang kailangang hintayin bago makapagpakasal sa iba ang naiwang kabiyak, sa Family Code, apat na taon na lamang ang ipaghihintay nito. Maaari pa itong mapababa sa dalawang taon kung ang nawalang kabiyak ay sakop ng alin man sa mga sumusunod na circumstances:

  1. A person on board a vessel lost during a sea voyage, or an airplane which is missing, who has not been heard of for two years since the loss of the vessel or airplane.
  2. A person in the armed forces who has taken part in a war, and has been missing for two years.
  3. A person who has been in danger of death under other circumstances and his existence has not been known for two years.

Kung apat na taon naman ang hinintay ng kabiyak para matagpuan muli ang kanyang nawawalang asawa ngunit bigo ito sa paghahanap at paghihintay, ang mga sumusunod na conditions ang dapat niyang ma-satisfy (under Article 41 of the Family Code):

  1. That the absent spouse has been missing for four consecutive years, or two consecutive years if the disappearance occurred where there is danger of death under the circumstances laid down in Article 391, Civil Code.
  2. That the present souse wishes to remarry.
  3. That the present spouse has a well-founded belief that the absentee is dead.
  4. That the present spouse files a summary proceeding for the declaration of presumptive death of the absentee.

Ayon sa batas na nakasaad sa Family Code, ang naiwang kabiyak ay kinakailangang humingi ng judicial declaration of presumptive death ng kaniyang nawawalang asawa, bago siya makapag-asawa ng iba. Kung hindi ito magagawa at siya ay nagpasya lang sa sarili niya na magpakasal sa iba, malaki ang posibilidad na siya ay makasuhan ng bigamy, lalo na kung mapatunayan na buhay pa ang kaniyang unang asawa (o magbalik ito).

Ang malaking kaibahan pa ng provision sa Family Code kung ikukumpara sa Civil Code ay ang pagka banggit ng “well founded belief” na ang nawawalang kabiyak ay pumanaw na bago mabigyan ang naiwang kabiyak ng petition for declaration of presumptive death. Ibig sabihin, kailangang makapag pakita siya ng ebidensya na talagang gumawa siya ng paraan para mahanap ang kaniyang asawa. Ang desisyon sa petition ay nakasalalay sa korte.

Kung hindi magbibigay ang korte ng judicial declaration of presumptive death, hindi maaaring makapag asawa muli ang naiwang kabiyak kahit gaano pa katagal na “absent” o nawawala ang kaniyang asawa.

Ngunit papano kung nabigyan nga ng Declaration of Presumptive Death and naiwang kabiyak, at sa bisa nito ay nakapag asawa siyang muli, at kalaunan ay biglang nagbalik ang kaniyang unang asawa, may habol pa ba ito sa kanya o ituturing nang void ang kanilang kasal?

Narito ang sagot ng Family Code:

Art. 42. The subsequent marriage referred to in the preceding Article shall be automatically terminated by the recording of the affidavit of reappearance of the absent spouse, unless there is a judgment annulling the previous marriage or declaring it void ab initio.

A sworn statement of the fact and circumstances of reappearance shall be recorded in the civil registry of the residence of the parties to the subsequent marriage at the instance of any interested person, with due notice to the spouses of the subsequent marriage and without prejudice to the fact of reappearance being judicially determined in case such fact is disputed.

Sa mas simpleng pagpapaliwanag: Ang pangalawang pagpapakasal ng naiwang kabiyak ay automatically terminated kapag ang kaniyang unang asawa ay nagbalik at nakapag file ng Affidavit of Reappearance. Ito ay hindi lang mangyayari kung ang kanilang kasal ay annulled na o declared nang void ab initio.

Kinakailangang aware ang naiwang kabiyak at ang kaniyang bagong asawa na ito ang risk na pinasok nila nang sila ay magpakasal sa bisa ng Declaration of Presumptive Death ng kaniyang unang asawa.

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

64 thoughts on “The Real Score on Remarrying Based on Presumptive Death of a Spouse

  1. Hello po what if po like my situation, I am a married girl but I split up of my ex husband cause he is not obligate of my kids….and I been not have work to support my kids only I just be with the help of my untie and my parents.for almost 7 years we been not together and he didin’t support my kids financially.I need to find job but my untie won’t allow me to work abroad. She find me a foreigner man.he is the one who help me to get paid for the birth certificate of my youngest son.cause he didn’t get that when the baby born.until my son school need the birth certificate. So my foreigner give me money to pay so I have that already after 7 years.then now I have kids with my foreigner. How can i get married on him while I’m still married to my ex husband. But I married my ex husband in a mayors office only no ceremony just sign the papers and that’s it?what can I do exactly for making me free of my past?

  2. Gud day po. Question lng po.i am separated for 10 years.and I found that my surname in my marriage contract is mali.hindi na korek nuon.now nkakuha ako ng cenomar.may conflict po ba if mag re married uli ako? Thank you

  3. Paano po kung ang name na gnamit ay nickname lng,valid ba ang kasal nla?hiwalay na po sla almost 15 years.Hnd gngamit ng babae ang apelyido nya kc hwalay na nga sla

    1. Hi Clarissa,

      1. Read up on the process of annulment.
      2. Choose an attorney.
      3. Undergo psychological evaluation
      4. File the petition.
      5. Pre-trial and collusion investigation.
      6. Trial
      7. Decision

      Sa bawat hakbang, may babayaran kang fees at documents. Ang requirements ay depende sa magiging takbo ng kaso ninyo, kung anong grounds for annulment ang ipapataw sa kabiyak.

      MC

  4. Itanong ko Alam po 18 year na poh kami hindi nagsasama ng dating ko asawa 18year na kami wala communication paano po ma annual ang kasal namin
    Galing na po ako sa local Civil sa amin lugar sabi Mag file as korte Mahal po kasi Mag PA annual ng kasal ano po ang dapat ko gawin

  5. Itanong ko Alam po 18 year na poh kami hindi nagsasama ng dating ko asawa 18year na kami wala communication paano po ma annual ang kasal namin
    Galing na po ako sa local Civil sa amin lugar sabi Mag file as korte Mahal po kasi Mag PA annual ng kasal ano po ang dapat ko gawin

  6. Matanong ko lang po. May bisa po ba yung kasal namin ng ex wife ko? Kasi, hindi naman kami ikinasal o nagsumpaan sa harap ng simbahan o mayor. Pero pinadalhan nya lang ako ng MC sa saudi noong 2004 para pirmahan ko. Then, ibinalik ko ulit sa kanya. Pag uwi ko ng dec. 2004, kasal na kami. May bisa po ba iyon?

  7. Hello po gud day,ako po ay may asawa at kasal kami noon,halos ang tagal na na hindi kami nag sama( 16 years ago)iglesia ni cristo kami knasal,kinasal kami na wala ang mga magulang nya,,at may kinakasaa na ako ngayun at may ank kami tatlo,narinig lng ako ng mga balita galing sa kapatid nya,na hanggang ngayun hindi parin sya nag asawa,iwan ko kng 22o,anu kaya dapat kng gawin,gusto sana kaming magkasal nitong kinakasama ko ngayun dahil sa mga ank namin?can u give me some advice,maraming salamat po.amy,

  8. hi ask ko lng po. american po ung napangasawa ko two years ago. sobrang lolong sya sa alak at dko n kyanan ng trabaho ako aboad, kc wala syang trabaho di po kmi ng sama after ksal kc my work ako, ng decide sya na umwi ng amerika tapos tuloyan nya nku hindi tinawagan at walang contact skin, pati mother nya pinutol n contact skin. nambobog kc un kpag d ko binigyan ng alak kya nag decide ako iwan. ayko n rin po bumalik sa knya gusto ko n po ibalik ung apilyedo ko sa pag ka dalaga. after tlga ng ksal wala n rin prang bula. ano po kya magndang gawin. salamat po

    1. Hi Rose,

      Dito ba kayo kinasal sa Pilipinas? Para mapawalang bisa ang kasal ninyo, kailangan mong mag file ng annulment. Kapag annulled ka na, pwede mo na ulit gamitin ang apelido mo sa pagkadalaga sa mga legal documents mo.

      MC

  9. Ask ko lang po. Mag2yrs. Na po kming Hiwalay ng asawa ko at alang kumunikasyon at anu pong pede Kung gawin ko na para makapgpaksal ako khit hindi sa Pilipinas.

    1. Hindi ka pa allowed mag pakasal kasi hindi pa napapawalang bisa ang una mong kasal. mag file ka ng annulment kung gusto mo na talagang mapa walang bisa iyon.

  10. good day sir,

    may tanung lng po ako bigla n lwmg ng laho ung lalaki unang asawa nya 9years n mhigit wlang balita kung buhay o patay
    na. tapus may kina kasama sya ngayon pwd po b silang mag pakasal? at mg kano po ang magastos sa anaulment salamat po.

  11. hello poh.,
    panu kung yung asawa niya nagpakasal na sa USA ,divorced na sila dun .pidi na ba siya magpakasal ulit sa iba sa pinas?

  12. paanu po kung after ng kasal ay hindi nmn tlg cla nagsama. ang boyfriend ko po ngayon ay kasal ngunit di kmi mkpag pakasal dahil kasal po siya sa babaeng nabuntis lamang niya at sa kagistuhan nilang hindi matiwalag sa kanilang relehiyon ay nag pakasal po cla. SALAMAT! GODBLESS

  13. Hello po good day 🙂 nagpakasal ako sa isang lalaking hindi ko lubos na kakilala, nireto lang kasi sya sa akin, hindi kami naging magnobyo muna bago nagpakasal, as in diretso kasal na, kaya after namin magpakasal wala talaga nangyare sa amin, bale canadian citizen sya, after namin magpakasal bumalik din sya ng canada, tapos nung maglaon nalaman ko na may kinakasama pala sya doon na may asawa at anak din dito sa pinas, mula nung nalaman ko yun hindi na din sya nagparamdam, hanggang ngayon wala na kami communication, 7years consecutive na.. gusto ko na din sana mag asawa ulit ng iba pero naipasok yung kasal namin, paano ba gagawin ko?

    1. Hello po ask ko LNG po my ng pakasal hndi nya ginamit yung totoong edad tas ngayon ng hiwalay na cla almost 8years na tas yng boy my kinakasama na ngayon my bisa PBA yung kasal sir?

      1. Hi Hazel,

        Since underage ang isa sa kanilang dalawa nung ikasal sila, may posibilidad na null and void ang kasal nila right from the start… ibig sabihin, walang bisa ang naging kasal dahil labag sa batas ang magpakasal ang menor-de-edad. Kailangang i-konsulta sa lawyer yan dahil sila lang ang makakapag sabi kung talagang null and void ang kasal.

        MC

  14. Hi Sir ask ko Lang po ako ay married ng isang British national nagsama kami nag halos 7 taon Hindi na kami nag kaintindihan bigla nang syang umalis sa babay at nawala so hunaa ko pina blotter kopo sya ilang days ng connect sya sa akin pabayaan akonalng daw sya kahit ganun paman pilit ko syang pinabalik ayaw na talaga niya at ng sign pa sya nang waiver na Hindi na sya maghahabol sa properties naman kahit ibenta ko so bininta kopo Ito at Hindi nga sya naghabol ngayon po Hindi kona po alam Kong nasaan na sya,may kinakasama po ako ngayon may isang anak nag sana na kami since 2013 po ako po ba ay pwerteng makasala sa presumptive death of spouse?

    1. Magkasala? Pwede ka nya i reklamo lalo na kung may evidence siya. Presumptive death? Pwede kang mag assume ng presumptive death kung 4 years ng walang continuous communication.

  15. Gd pm poh magttanung lang poh paano po un ang partner ko ngaun may asawa cya dati kasal cla at mag 10years na clang wala at ung asawa nya may asawa nang iba at may manga anak narin sa ibang lalaki at dalawang anak na sa iba tas kami poh wala pang anak kailangan poh nng process din para mawala ang visa ang kasal nila at pwd kaming magppakasal

  16. magandang umga po ano po ba ang dapat kung gawin 10 taon n po kameng hindi nag sasama ng asawa ko at walng kumunikasyon hindi ko din po alam kung nasaan na sya sya po ay canadian. meron po akung kinakasama ngaun halos 7 taon na 2 n rin ang aming anak. hindi din po namin kayang mag bayad ng annulment dahil sobra pong mahal ano po ba ang dapat kung gawin sa mabilis na paraan???

    1. Hi Leanne,

      Nabasa mo na ba ang article dito tungkol sa presumptive death of spouse?

      Ayon batas na nakasaad sa Family Code, kailangang humingi ng judicial declaration of presumptive death para sa nawawala mong asawa. Pwede kang mag inquire sa isang abogado o sa Public Attorney’s Office. Clarify mo na din yung tungkol sa case mo na foreign national ang husband mo at kung may effect ba ito sa presumptive death policies natin dito sa Pilipinas. For your reference, narito ang article tungkol sa Remarrying Based on Presumptive Death of Spouse. https://mastercitizen.wordpress.com/2016/03/02/the-real-score-on-remarrying-based-on-presumptive-death-of-a-spouse/

  17. paano kung 16 years na hinde nagsasama dahil addict yung asawa tapos may kinakasama na yung babae ng iba for 3yrs at hiwalay na rin yung kinasakama ng babae sa misis nya

  18. pag po ba nag file ng nullity of marriage gano po ktgal and my mga requirements po bang kailangan and ano ano po yun salamat

  19. Hi Sir, isa po ako g seaman.ngpakasal po ako sa nging gf ko ng 2months lng.ngsama kmi 1month lng as mg.asawa then sumakay nko ng barko. 11months ako nsa barko ung asawa ko parang wla na sa fucos sa relasyon nmin.lahat ng sahod ko pinapadala ko sa knya.then time n bumaba n ako d na sya ngpakita until now d na tlg ngpakita.cnubukan ko sya kontakin noing pgkababa ko ksi ang pera ko nasa knya pero wala n sya…sumama n sya sa iba dala ang pera ko. Pnkasalan ko sya 2010 pa po. Sir, anu po ang pde ko gawin at saan po ako pde humingi ng tulong pra po mpawalang bisa ang kasal nmin?

  20. Paàno kung may mga anak sa pangalawa at pangatlong babae at hiwalay na kami for ten years may bisa pa rin ba ang kasal namin ano ang dapat gawin o hakbang

  21. sir 4 years na pong hinde mag kasama at wla ng connection sa isat isa posible po bang may bisa ang legal separation agreement ng bawat kampo para makasal po sa kanya kanyang kinakasama since hinde po kayang ma afford ang halaga ng annulment na proseso (masyadong mahal) at kung hinde man lang maghahabol .

  22. Paano po yung nangyari 30 years na silang hiwalay. Peru kasal sila may 3 silang anak may mga APO na nga. Yung babae noong una may kinakasama na din. Ngayun yung lalake may kinakasama na rin at may anak na isa sila. Almost 2 decades na sila nagsasama. Ang katanungan dyan. Kailangan pa mag file ng annulment bawat Isa? Para da ganun makasal ang lalake?

  23. Paano po Kung kasal Kami ng asawa Ko tas ng convert cya into Muslim at ngpakasal ulit cya Sa Muslim. Valid po ba Ang kasal Nila????

  24. Paano po yun e nagpakasal cla sa probinsya ng babae at ng kumuha ako ng kopya ng kasal sa nso may visa ba yun

  25. Magtatanong lang po kung kasal ka sa unang asawa at yung asawa mong lalaki e nagpakasal ulit sa ibang babae may bisa ba yung pangalawang kasal

  26. Pano kung ang asawa mo ay 18 years ng wla at nalaman mo na nag pakasal sya sa iba at sa ibang bansa sya nag asawa … pano po kaya ang lupa na minana ko sa tatay ko ay nakapangalan sming dalawa pero anak kmi isa lalake …. pno po kaya yun

  27. Panu po Kung Ang asawang lalaki Hindi n bumalik at nag pa convert to Islam at nag asawa na ng iba. Hindi na rin nakikipag communicate at Hindi rin nagsusustento Sa anak nyang iniwan Sa unang asawa. May karapatan ba mag asawa Ang naiwang unang asawa?

  28. Magandang araw po Papano po kung nag asawa po ng iba yung dating asawa appliicable po ba yun na maaari ng mag asawa uli ang naiwang kabiyak

  29. Pano kung ang magasawa ay ng hiwalay at parehas na ngkaank sa iba ano po ang gagawin ng dalawang ngkahiwalay?pwd po ba cla magasawa ulit sa kinakasama nila gayon? At 15 years na po cla hiwalay?

  30. paanu po kung ang unang asawa mu ay may iba ng pamilya at gayon dn aq my possiblity po kaya na mas mapa bilis ang pagkawalng bisa ng kasal nmin lalo pa 2 years lng kami ng sama at laging my conflict sa namin…may mga knyakya n po kaming anak sa mga pamjlyq nmin paanu po kaya un?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: