You Got Me at “May Cenomar Ako.”

May Cenomar Ako.jpg

Twenty years nang namumuhay bilang mag-asawa sina Alan at Jen (not their real names). Nakatira sila sa isang bahay at may dalawang anak. Teacher si Jen habang si Alan naman ay walang pirmihang trabaho; mas madalas na nasa bahay, nag-aalaga ng mga bata. Nangarap din sila ni Jen na makapag pakasal noon pero dahil naunahan ng pag dating ng mga bata ang kanilang mga pangarap, naisantabi na lahat ng mga plano at nag focus na lang silang dalawa sa pagpapa-aral at iba pang gastos ng isang maliit na pamilya.

Nakasumpong ng maayos na trabaho si Alan sa isang call center. Dito nag-umpisang umayos ang kabuhayan nilang mag-anak dahil natutulungan na niya si Jen sa mga gastos. Inako na niya ang pagpapa-aral sa dalawang anak. Ngunit ang naging kapalit nito ay ang mas madalas naman niyang pag-uwi ng wala sa oras at kalaunan, maswerte na kung makabuo siya ng isang buong linggo na sa bahay siya natutulog.

Nakumpirma ang kintatakutan ni Jen na may ka-relasyon nang iba si Alan nang minsang makakita siya ng text message sa cellphone nito mula sa isang “Debbie”. Nang sitahin niya si Alan, inamin nito na girlfriend na nga niya si Debbie at mahal niya ito. Halos gumuho ang mundo ni Jen nang marinig niya ang pag-amin ni Alan. Hindi niya akalain na magagawa siyang lokohin ng taong pinag katiwalaan niya – may dalawa silang anak at tanging kasal na lang ang kulang sa kanila – papano siya nagawang lokohin nito?

“Binata ako, dalaga si Debbie. Walang masama sa ginagawa namin. Hindi ko naman ihihinto ang suporta ko sa mga bata.” Ito ang huling salita ni Alan sa kaniya bago ito umalis ng bahay dala ang lahat ng kaniyang mga damit.

Sa pagbabalik-tanaw ni Jen sa naging buhay nila ni Alan, naalala niya na maraming beses niyang tinanong noon si Alan kung siya ba ay binatang talaga. Noon kasing nanliligaw sa kanya si Alan, binalaan si Jen ng kaniyang mga kaibigan na alaming mabuti kung binata ba talaga ito dahil kilala siyang palikero sa lugar nila.

“May CENOMAR ako, Jen. Binata ako.” Yun lang ang kinailangan niyang marinig mula kay Alan.

Sa pag lipas ng panahon, nalaman ni Jen na hindi lang si Debbie ang bagong babae sa buhay ni Alan. Meron pang number 3 at number 4 (number 2 si Debbie). At sa palagay ni Jen, ang lahat ng mga babaeng ito ay nahulog sa mabulaklak na linya ni Alan na: “May Cenomar ako…”.

Ang CENOMAR ang patunay na ang isang tao ay hindi pa nakasal at malayang makapag pakasal sa tulad niyang may CENOMAR din. Ito ang ginamit ni Alan para mapasagot ng “Oo” si Jen, sumama sa kanya, at bumuo ng pamilya. Ito din ngayon ang ginamit ni Alan para makalaya sa buhay nilang dalawa ni Jen nang makatagpo siya ng iba.

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

7 thoughts on “You Got Me at “May Cenomar Ako.”

  1. pag ikinasal ba ng legal na solemnizing officer pero di na submit ang marriage contract sa PSA legal pa rin ba ang kasal or hindi

    1. Ibig niyo po bang sabihin ay hindi nai-rehistro sa munisipyo? Kung hindi kasi umabot sa PSA, ibig sabihin, hindi nairehistro sa munisipyo. Yun po ba ang ibig ninyong sabihin?

    2. Legal pa rin po. Basta’t na-meet ang mga formal at essential requisites for marriage, kahit hindi agad maparehistro yung marriage contract, legal pa rin ang naging kasal. Late registration lang lalabas yung kasal.

  2. may tanong lang po ako kung mag pakasal po sa ibang bansa ang isang tao legal po ba sa pilipnas.

    1. Hi Elizabeth,

      Yes.

      Sinusunod ng bansa natin ang tinatawag na “lex loci celebrationis” o “law of the place of ceremony”.

      Ibig sabihin, ang legal na kasal na idinaos sa ibang bansa ay kikilalanin din dito sa Pilipinas, kahit pa hindi ito iparehistro sa Pilipinas.

      MC

  3. Hello po..Paano po kung un taong pinakasalan mo ay married na? Paano ang proseso para mapa-void ang marriage?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: