Papano Babayaran ang SSS Salary Loan Kung Ang Miyembro Ay: Lumipat ng Trabaho, Natanggal sa Trabaho, Nabalda, Nagretiro, o Namatay

SSS Salary Loan

Ang pag-apply ng salary loan sa SSS ay ginawa ng madali at mabilis sa pamamagitan ng kanilang online services.  Kailangan lang mag register ng online account ang miyembro at malaya na niyang mamo-monitor ang kanyang mga contributions at loan payments.  Paperless na ang pag file ng salary loan dahil maaari nang mag apply basta’t may online account ang miyembro.

Ang madalas na issue ng mga miyembro ay ang pagbabayad ng nasabing salary loan.  Kung ang miyembro ay employed, ang salary loan payments ay nireremit ng employer sa SSS. Halos walang partisipasyon ang miyembro bukod sa salary deduction kung saan kinukuha ang kanyang buwanang hulog sa loan.  Ngunit papano kung biglang lumipat ng trabaho ang miyembro? O kaya ay matanggal sa trabaho, lubusang mabalda, mag retiro, o kaya ay pumanaw ng biglaan?  Papano ang pagbabayad sa maiiwan niyang utang sa SSS?

Lumipat ng Trabaho o Natanggal sa Trabaho

Ang miyembrong lumipat ng trabaho ay may responsibilidad na ipaalam sa bago niyang employer na siya ay may binabayarang salary loan sa SSS.  Maaari din na bago niya lisanin ang kanyang present employer, ipa-check niya kung kayang bayaran ng kanyang separation pay ang kanyang balance sa SSS.  Kung sapat ang kanyang separation pay, may option siya na ibayad na ito sa SSS para malinis na ang kanyang salary loan account bago siya lumipat ng kumpanya.

Kung natanggal naman sa trabaho ang miyembro, kailangang ipagbigay alam niya sa kanyang employer na may balance pa siya sa SSS.  Maaaring iawas sa kanyang separation pay ang kabuuang bayad sa kanyang salary loan.  Kung hindi sapat ang kanyang separation pay at wala pang malipatang trabaho agad ang miyembro, kailangang boluntaryo niyang bayaran ang monthly installment ng kanyang salary loan sa SSS.  Tandaan na nag-iipon ng interes ang salary loan habang lumilipas ang mga buwan na hindi ito nababayaran.

Lubusang Nabalda, Nagretiro, o Namatay

Sakaling ang miyembro ay lubusang nabalda, nagretiro, o pumanaw na at may naiwang balanse sa kanyang salary loan, ang buong halaga ng inutang at ang mga interes (kung meron man) ay ibabawas sa kabuuang financial benefit na makukuha ng miyembro o ng kanyang mga dependents/beneficiaries.

Totoong madali ang pag file ng SSS Salary Loan at maituturing ito na takbuhan ng mga empleyadong nangangailangan ng dagdag na halaga para sa kanilang mga pangangailangan.  Ngunit alalahanin na tulad ng ibang loans, ang salary loan sa SSS ay kailangang bayaran sa oras para hindi ma-ipon ang interes.  Kapag ito ay napabayaan, maaari itong maging dahilan ng discrepancies sa inaasahang benepisyo ng miyembro at ng kanyang mga beneficiaries balang araw.

Source: http://www.usapangsss.ph/forum/viewtopic.php?f=8&t=11

Ad

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

55 thoughts on “Papano Babayaran ang SSS Salary Loan Kung Ang Miyembro Ay: Lumipat ng Trabaho, Natanggal sa Trabaho, Nabalda, Nagretiro, o Namatay

  1. How many percent should the employer contribute to their employee’s salary loan is there any contribution from them as well? thank you!

    1. An employee’s salary loan to the SSS will be paid fully out of the employee’s salary — no participation from the employer. Only your monthly contribution is divided between you and your employer.

  2. Hello po…inaayos ko po pension ng Mama ko, nag 60yrs old sya last yr…may problema kami sa merriage contract nya…walang copy or record from PSA( formerly NSO). Pwede po bang yung copy na lang galing munisipyo ang i present? Thank you.

    1. Hi Aime,

      Depende yun sa requirement ng SSS (SSS ba or GSIS kayo naga-apply ng pension?). Mabuti na din kung maka hingi kayo ng kopya ng marriage certificate mula sa LCR kung saan naka rehistro ang kasal nila ng father mo. I-request ninyo na ma-endorse ang kopya sa PSA para makakuha na kayo ng PSA authenticated copy ng marriage certificate.

      MC

  3. gud pm po.. tanong ko lang nakakaltasan pa rin po ba aq sa loan ko kahit di ko cnabi sa new employer ko na may salary loan aq

  4. My maternity pa rin b akong makukuha even two years ko ng di nahuhulugan sss ko?dna kasi ako ngwowork housewife n lang ngayon.

  5. Tanung ko lang tunkol po ito sa aking loan balance sss,nag loan po ako noong feb,2013 at nag resign po ako last june 2014 at hanggang ngayon hindi pa ako nka pag voluntary payment sa loan ko at monthly contribution ko,maari ko pa ba ipag patuloy ng pag bayad ang loan at contribution ko,salamat po,
    From judith quines

    1. Hi Judith,

      Yes, pwede mong ituloy ang pagbabayad sa loan mo, pati na din sa monthly contribution mo. Pumunta ka lang sa pinaka malapit na SSS office, at itanong mo kung papano mo maitutuloy ang paghuhulog sa loan.

      Gawin mo ito asap para hindi mag accumulate ang interest sa loan.

      MC

  6. Ask ko lang po kung may karapatan si current employer na kaltasin ang loan sa back pay kapag nagresign ang empleyado? Ang ipinipilit po kasi ng hr na kailangan nilang ibawas sa back pay yung loan.

  7. Ang asawa ko po ay nagloan sa sss at lumipat ng employer, nadeduct na sa kanyang back pay ang mga loans niya upon clearance more than 2yrs ago. Sumubok po uli syang magloan ngunit my existing loan pa sya at may penalty na, ayon s sss branch pinuntahan niya. Finollow up nia sa kanyang dating kumpanya ang loan na iyon ipprocess na dw, ngunit hanggang ngaun ay wala pang nangyayari, plagi na dw niya hinecheck s sss online kung ma a update at maclear na ang nasabing loan, ngunit wla p din umanong pagbabago.

    Ano po kaya ang maaari naming gawing hakbang ukol dito?

    1. Hi Anne,

      Nung nag resign ang husband mo, nanghingi ba siya ng clearance from his employer na wala na siyang obligations na naiwan sa kumpanya?

      Dun sa sinabi ninyo na na-deduct na from his separation pay ang full payment niya sa sss loan niya, may documentation ba ito tulad ng payslip or breakdown ng mga receivables niya na pera at computations?

      Maaari niyo kasing gamitin ang mga ito bilang proof na nakabayad na talaga ang mister mo sa kanyang sss loan — thru his previous employer.

      Ang SSS ay maghihintay lang ng payments from members and employers. So hanggang wala siyang natatanggap na update from your husband’s previous employer, hindi makakapag loan ang husband mo sa SSS at lalaki ng lalaki ang penalty.

      Makipag usap kayo sa previous employer niya at ipakita ninyo ang records niya sa SSS na walang pumasok na payment para sa loan niya. Kung hindi sila makikipag cooperate, pwede kayong lumapit sa DOLE para humingi ng tulong.

      MC

  8. Paano po ba ang pwedeng gawin kung hiwalay kau mag-asawa dahil nangaliwa si mister,,at ngaun ay tumatanggap na ng sss pension… Mga anak nya sa kabit ang nakikinabang samantala natigil sa pag-aaral ang anak namin..Gusto ko malaman kung pwede kami makihati sa sss na tinatanggap nya..bilang kasal na asawa.

  9. Mag aaply po sna ako pra mgloan,1st time k po sna,4yrs n po ako nghuhulog at self employ po 385monthly po, mgkano po kya pwede ko iloan at pno mbabayaran at ilan taon kong skali po

    1. Hi Lorie,

      Nasubukan mo na bang gumawa ng SSS online account mo? Mas mainam kung may online account ka sa SSS para mas madali mong ma-check ang lahat ng detalye tungkol sa iyong SSS, kasama na dito ang monitoring mo ng posting ng iyong monthly contribution at ang mga maaari mong ma-avail na loan. Dito mo din pwedeng i-check kung magkano ang pwede mong i-loan; pwede ka na din mag file ng loan application mo online.

      Visit http://www.sss.gov.ph

      MC

  10. Tanong ko lang po yung father po ng husband ko. May sss po sya.tapos namatay na po nung march 2017..
    Meron po syang sss I.d ,,kung po bang nawala yung resibo na katunayan na nagbayad sya.wala na po ba syang makukuha.

  11. My loan po ako sa sss 2 yrs na po d ko pa nabayaran,magkanu na po kaya lahat nang utang ko pati interest?at paano ko po babayaran ng 2 yrs pati ang intetest,800+ po ang deduction ko dati,hihingi po ba ako ng panibagong voucher sa sss?tnx

  12. May balance pa aq s loan q s sss pero nde q n nabayaran nung nagabroad aq nung october 2015 .tanong lang panu ko babayaran un qng nandito n aq abroad .ang problema ko pa nde pa nakaself employed un bali nakapangalan pa un s paghuhulog s dating employer ko s pinas at may idea b kayo kung magkano ang interest per month s sss??

  13. Hi, I’m an OFW and never been registered with SSS before, just wondered if I could do that online s well? Or is there any other means to do it (to be a member and start paying contributions) without going to their office abroad? Thanks for your help.

  14. Afternoon . gusto ko po malaman kung papano po 3 years na may business pero wlang sss. mag register pa lang. May babayaran pa po ba bukod sa monthly.

  15. Bago po ako nagresign sa work ko may naiwan po akong balance sa loan ko. Hindi na po ako nakapagtrabaho kaya di ko na po nabayaran. Last time po na nagcheck ako ng balance sobrang laki na po. Wala po kayang amnesty para sa kagaya ko na wala ng means para mabayaran pa ang loan ko??

  16. Tanun ko lng po patay n po father ko pero may utng pa xia matagal n calamity loan po un.kung sakali po b mag pepension po b mother ko kung aayusin niya

  17. Dear,

    I’ve watched a really great movie a couple of days ago, it inspired mea lot, you may watch the trailer here

    Be well, apple_28207

  18. Sir/madam gusto ko po sanang malaman kung magkano pa bayarin sa loan ko alamost a year na po ako nagresigned sa work ko then may napending akong bayarin…gusto ko po sanang malaman kung papano po magbayad nito kahiy self employed po…wala na po akong work nasa bahay na lng po ako gusto ko po sanang tuloy tuloy pa din hulog ko po….salamat po

  19. Tanong kulang po namatay po ang anak ko nakuha napo namin ung sa death nya kaya lang po ung company na huling pinsukan nya may nahabol na 2months sa contribution nya na hinde nasama sa death ang tanong ko makukuha pba namin un? Ung 2months? salamat po…

  20. May major issue ako sa salary loan ko na ongoing na for 2 years… Sinabi ko sa new employer ko at that time na may exsisting loan ako so sila na ang nagtuloy ng bayad… Sinabi ko rin sa previous employer ko na ganun ang mangyayari so nag agree sila na hindi ibawas sa backpay ko yung remaining loan balance pero nagkagulo gulo at binawas pa rin sa backpay ko yung balance habang nakapag hulog na ng 5 payments current employer ko (i asked them to pay double the monthly remitance per konth para mas mabilis ma full pay sana)… Ano po dapat gawin para maapply yung over payment sa current loan ko as advance payment of some sort? Nagpunta na ako sa sss dito sa amin but every person is saying a different thing…

      1. Pede po b malaman ung adjustment ko s sss kng keln marelease, 2 yirs n kng retired pero hangng ngayn wla p dn, tenk u

  21. Okey lng po ba na palitan ang place of birth ko sa sss, late registered po ako… and mabibigyan po b nila ako ng i.d sss, pero matagal npo akong hnd naghuhulog kc my work pa po ako nuon jollibee and potato corner.. maari ko po b ito maayos lahat? Thanx po

    1. Kung itutuloy mo ulit yung contribution mo pwede ka naman nila isyuhan ng UMID I.D eh pero baka may i require silang dami ng hulog mo ulit. Dalhin mo yung B.C mo na may tamnag place of birth mo para ma update mo yung details mo sa kanila.

  22. I want to know my loan balance. If ever I will pay it, can I automatically apply for a loan? If granted, how many months do I have to wait for the release. Thank you

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: