Reklamo sa mga PUV Drivers Pwede Nang Itawag sa LTFRB Hotline

LTFRB

Kaskaserong driver?  Mabilis na metro ng taxi?  Ayaw magbaba sa tamang hintuan?  Ngayon, may mapag susumbungan na tayo!

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nag lunsad ng kanilang 24 x 7 hotline na maaaring tawagan sa pamamagitan ng landline at mobile phones.  At dahil may mobile numbers sila, maaari din silang tumanggap ng text messages at Viber messages.  Maaaring magpadala ng mga litrato (tulad ng mga banggaan, aksidente sa daan, o ng mga driver mismo na nais ireklamo.)  Ang serbisyong ito ay available nationwide.

Lahat ng reklamo sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, UV Express, taxi, bus, at iba pa ay maaari nang itawag o i-text sa kanilang hotline numbers.  Ito ay tutugunan ng mga authorized representatives ng LTFRB, araw man o gabi.

Ang Proseso ng LTFRB

Ang unang aalamin ng LTFRB representative ay kung payag bang mag attend ng hearing ang nagrereklamo.  Kung payag sila, ipadadala ng LTFRB ang kanilang complaint sa Legal Division para ma-isyuhan ng summon ang inireklamong driver, ang operator ng sasakyang minamaneho nito, at ang nagreklamong pasahero.  Sakali naman na hindi makapag commit ang nagreklamong pasahero na siya ay makaka attend ng hearing, padadalhan ng Show Cause Order (SCO) ang inireklamong driver para mabigyan siya ng pagkakataong maipaliwanag kung bakit hindi siya dapat maparusahan dahil sa nai-report na violation.

Hinihikayat ng gobyerno ang kooperasyon ng mga mamayan na gamitin ang mga hotline numbers para i-report ang mga PUV drivers na mapang abuso sa mga commuters at hindi sumusunod sa mga batas trapiko.  Sinisiguro ng LTFRB na ang kanilang mga linya ay bukas ano mang oras at may sasagot na operator na handang tumulong sa mga nangangailangan sa daan.

Narito ang mga numero na maaari nating tawagan:

Landline callers within Metro Manila: 1342

Landline callers outside Metro Manila: 02-1342

Smart/Sun/Talk ‘n Text: 0998-550-1342

Globe and TM: 0917-550-1342

Source: http://www.gov.ph/2015/09/16/247-ltfrb-hotline-launched/

Ad

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

8 thoughts on “Reklamo sa mga PUV Drivers Pwede Nang Itawag sa LTFRB Hotline

  1. pano ko malalaman kung san yung terminal ng bus na plate number sa likod ay UNK910 diko kasi maSearch company nila, may naiwan kasing cellphone sa bus tinuro saken ng kapwa ko pasahero, tapos dinampot ko sabi ko hindi to saken kaya naiabot ko nlng sa conduktor, kaso narealize ko na ako nlng sana ang magbibigay kasi malapit lng nman yung nakaiwan ng phone, taga dto lng ako sa don fabian, Commonwealth tapos yung nakaiwan taga Commission on audit (COA) malapit nakatira, at katabi ko sya that time, sabi ko ako nlng magbibigay, sabi nman ng conduktor, tatawag nman yun, isusurender daw nila yun sa office nila, eh pwede din nman nyang baliin agad yung sim nun para di makontak, I just want to make sure na masasauli talaga yung phone, bihira ndin kasi magtiwala ang tao lalo na sa mga mapagsamantala. Can I get Any number na pwede makontak terminal nila?

  2. Gud pm sir/madam…
    Sir/madam…
    May karapatan poh ba qng magrekklamo sa driver n supldo…
    Nung 0ct 19 2018 10:47am
    Sumakay poh q ng jeep n biyaheng solana to tugue.
    Sir/madam…
    qng mali man sana ako. s ngwa qng buo ang pera na inabot q s driver…sna nde nia nmn q pinahiya…
    500pesos poh kc pera q…
    Nung inabot q poh kay kua ung pammasahe q. .
    Sinabihan b nmn q ng.(KAAM BUS YO NATTAKAYAM MU!)bk8 bus b daw ung sinakyan q….
    Sir/madam…
    May krapatan b cyng ipahiya q ng ganun…
    dhil lng s buo ang inaabot qng pammasahe…
    puwede nia nmn sbhin n wla syng barya…
    Sir/madam…
    Xencia poh kau…napahiya lng poh kc ako…
    GOD BLEESSED POH…
    MERRY CHRISTMAS POH…

    1. Hi Yhang,

      Yes may karapatan kang mag reklamo. PWede mo siyang ireklamo sa LTFRB o kaya sa munisipyo mismo kung may help desk ang munisipyo ninyo para sa mga na-agrabyadong mamamayan.

      Nakuha mo ba ang plate number ng jeep o matatandaan mo ba ang itsura ng jeep niya?

      MC

  3. Sir may gusto po sna ako ireklamo.kso knina ko pa tntwagan ung hotline ng ltfrb na globe di ko po makontak . tm lang po ksi number ko . meron pa po ba kaung ibang number tm o globe slamat po

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: