Alam Mo Na Ba Ito? Ang Walong Bagong Batas Sa Pilipinas

Bagong Batas

Mula nang magsimula ang panunungkulan ng bagong Presidente, mahigit tatlumpung (30) panukalang batas na ang naipatupad bilang mga bagong batas sa ating bansa.

Sa ilalim ng ating konstitusyon, ang panukalang batas na lumagpas ng 30 araw na hindi napirmahan o tinanggihan ng presidente ay magla-“lapse” na bilang batas na ipatutupad para sa lahat.

Narito ang 8 sa mga pinaka pinag-usapang bagong batas:

1. Republic Act 10883 – Stricter Anti-carnapping Law

Hindi na maaaring mag piyansa ang mga makakasuhan ng Carnapping.  Mas mahabang sintensyang pagkaka-kulong din ang ipapataw sa kanila, mula sa dating 17 taon at 4 na buwan, aabot na ngayon ng 20 hanggang 30 taon.

2. Republic Act 10905 – Mandatory Subtitles

Ang lahat ng mga franchise holders, operators ng mga TV networks at producers ng mga TV shows na maglagay ng subtitles sa kanilang mga programa.  Ito ay para sa kapakanan ng mga manonood mula sa deaf community.

Hindi sakop ng batas na ito ang mga public service announcements na hindi tatagal ng sampung minuto at ang mga programang ipinalalabas sa pagitan ng ala-una hanggang ala-sais ng umaga.

Ang mga hindi susunod sa batas na ito ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P50,000 at hindi lalagpas ng P100,000, at maaaring makulong ng mula 6 hanggang 12 buwan.  May posibilidad din na mabawi ang kanilang lisensya para mag operate.

3Republic Act 10906 – Stronger measures for the Anti-mail-order Bride Law

Ang mga mapapatunayang gumagawa at nag-nenegosyo ng pagpapa-dala ng mga babaeng Filipino sa ibang bansa para mag pakasal sa mga foreign nationals ay ikukulong ng 15 taon at pagmumultahin ng hindi bababa sa P500,000, ngunit hindi lalagpas ng P1 million.  Mas mataas na multa at mas mahigpit na parusa pa para sa mga nakapagpa-alis ng mahigit sa dalawang tao.

Sakop din ng batas pati ang mga taong nakipag sabwatan sa mga ganitong gawain.  Kung ang nagpapatakbo ng mail-order bride business ay dayuhan, sila ay ipapa deport pabalik sa kanilang bansa.

4. Republic Act 10909 – Exact Change

Hindi na maaaring mag bigay ng kendi o mag “thank you” sa mamimili dahil walang panukli.  Maaari nang i-reklamo ang mga establishments na gumagawa ng ganito.  Kailangan na rin mag lagay ng price tag sa mga paninda para makita agad ng mamimili kung magkano ang dapat niyang bayaran.

Narito ang mga multa sa mga mahuhuling lumalabag sa batas na ito:

  • P500 o 3% ng gross sales para sa unang pag labag.
  • P5,000 o 5% ng gross sales para sa pangalawang pag labag.
  • P15,000 o 7% ng gross sales at 3 buwan na suspension ng negosyo sa pangatlong pag labag.
  • P25,000 na multa at pagpapasara ng negosyo sa pang apat na pag labag.

5. Republic Act 10910 – Longer Prescription for Crimes of Graft and Corruption

Mas pinahaba na ang panahon para mapatawan ng sentensya ang mga makakasuhan ng graft and corruption.  Ang dating 15 taon ay ginawa nang 20 taon.

6. Republic Act 10911 – Anti-age discrimination for employees

Simula August 16, 2016, wala nang diskriminasyon sa edad ng mga naga-apply ng trabaho.  Bawal na din ang hindi pag bigay ng karampatang sweldo, mga oportunidad, promotion, at developmental training dahil lamang sa edad ng empleyado.

Ang mga lalabag sa batas na ito ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P50,000 at hindi tataas sa P500,000 at pagkakakulong ng mula 3 buwan hanggang 2 taon.

7. Republic Act 10913 – Anti-distracted Driving Act

Bawal nang mag text, tumawag, o mag surf sa internet gamit ang mobile phone o ano pa mang electronic device habang nagmamaneho ng sasakyan.

Pagmumultahin ng P5,000 hanggang P15,000 ang mga lalabag sa batas na ito; sa pangatlong pagkakataon na mahuli ang driver, masususpinde ang kanyang driver’s license ng 3 buwan.

Sakop ng batas lahat ng uri ng sasakyan, mula bisikleta, motorsiklo, tricycle, pati mga diplomatic at government-owned vehicles.

8. Republic Act 10916 – Mandatory Speed Limiters

Kailangan nang maglagay ng speed limiter ang mga sasakyang pampubliko tulad ng mga bus, taxi, at jeep.  Binibigyan ang mga operators ng 18 buwan para makapagpa lagay nito sa kanilang mga units.  Hindi papayagang ma-rehistro o mabigyan ng prangkisa ang mga sasakyang walang speed limiter at pagmumultahin pa ng P50,000.

Maaari din ma-suspinde ang lisensya ng driver at franchise permit ng operator kapag hindi ito nakapag palagay ng speed limiter pagkaraan ng 18 buwan.

Ang mga mahuhuling pinakiki-alaman ang mga speed limiters sa kanilang sasakyan para makapan-daya ay ikukulong ng 6 hanggang 36 buwan at pagmumultahin ng P30,000.

Ignorance of the law excuses no one.  Responsibilidad ng bawat Pilipino na alamin kung ano ang mga bawal para maka iwas sa problema.

Source: http://news.abs-cbn.com/focus/08/04/16/look-8-new-interesting-laws-in-the-philippines

Ad

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

116 thoughts on “Alam Mo Na Ba Ito? Ang Walong Bagong Batas Sa Pilipinas

  1. I like that law that says no descrimination about age when applying for a job! I think that’s rest considering Joe many people are jobless in our country! It’s an incentive to help our own people to apply and have an income! Plus increasing their self esteem!

  2. Meron din po bang batas na ipinag babawal dapat ang mga penalty sa kompanya, kapag ikaw ay mag kamali sa iyong trabaho? Katulad ko 500 peso lang ang sahud ko kada araw. Kapag nag kamali kapa sa trabaho may penalty. Isang pag kakamali lang ang halaga ng penalty ay 100 peso. Paano kung maka 2 o 3 o 4 na pag kakamali sa isang araw sa trabaho ubos na ang sahud mo sa isang araw. May batas po ba na ganun na bawal ang kompanya na mag penalty sa kanilang emleyado? Sana po may sagot akong makuha.. salamat po..

    1. Hindi mo ba alam yang policy nila na yan bago mo inaplayan? Policy kasi yan ng company eh. Pwede nyo din naman ipa abot yan sa DOLE para mas malinawan kayo kung bawal ba yan.

  3. mapa-action na pelikula man o mapa-drama, o kahit sa anong larangan ng buhay, hndi tlaga mawawala ang kontrabida, kaya tama lang na nagkaroon tau ng presidente na tunay na lalaki na sya ngayong bida sa pelikula ng tunay na buhay ng ating bansa, ikaw ang aming pag-asa para sa knabukasan ng mga susunod pang mga henerasyon, May GOD→GUIDE, PROTECT & BLESS you always. MABUHAY KA MR.RODRIGO DUTERTE, our PRESIDENT.

    1. Sana gawing batas din yan ang mga airlines pag passenger season December biglang tumataas ang mga pamasahe sa mga airlines company indi naman yan kaya sa mga mahihirap na mga tao….

  4. may batas po ba tungkol sa mga HR na pinagayos kayo ng requirements then babaliwalain lang pala ung application mo?

  5. Good job..good law for the seek of all filipos n for our country..change now…all is possible if we believe it n trust it….I salute u Mr president..thanks

  6. How about yung sinasabing naging batas na yung pag require ng units before maka renew ng license ang mga professionals? How true po?

  7. Maganda araw po! Sana po isatupad din mo sa mg asawa n matagal n mgkahiwalay automatic n po legal n hiwalay avoid n po kasal..subrang tagal po mg p annulled ng kasal lalo n po un walang kakayanan mg p annuled..maraming salamat po Pangulo Duerte pgpalain po kau s lhat ng plano nyo s atin ganda..saludo po ako snyo!

  8. Magaling at maganda po ang mga bagong batas na yan para po sa ikabubuti ng sambayanang pilipino ,
    Mayroon lang po akong ibig na maging batas din tungkol naman sa mga pagkakamali o kaya naman ay pag iinteres ng ilan nating kapulisan sa panghuhuli ng kung sino sino lang na kahit inosente ay dadalhin para lang mag pasikat , ang batas na hinahangad ng mga inosenteng nahuhuli at minumura at sinisigawan ng pulis ay gawan din ng karampatang parusa at matutunan din nilang humingi ng pasensya na na kanilang naabala at para tuluyan ng mawala sa hanay ng kapulisan ang bulok na sistema bigyan po sana ninyo ng pansin ang mga maling gawi ng mga pulis na sangkot sa pa chamba chambang pang huhuli nila sa mga inosente

  9. im happy to have this new law sa ating bansa,at alam ko sa pamamalakad ng ating amazing presidentDuterte,lahat ng eto ay maisakatuparan ,,mabuhay pangulong ,Durerte

  10. Opinion lng po. May nabasa po ako tungkol sa provincial rate? and ang reply ay Pinag aaralan na din. Siguro po mas maganda sa aking pananaw na kung ano ang rate dito sa maynila sya na rin ang rate sa province. Sa ganitong paraan maaring mabawasan ang sobrang pagsisiksikan ng tao at sasakyan dito sa maynila. Mabibigyan din natin ng opurtunity ang mga gustong mag trabaho sa parehong halaga ng sweldo ngunit di makapunta ng maynila dahil sa ibang mga rason . Natulungan pa natin ang mga province na mas lalo pang bumilis ang pag unlad. Ika nga sabi ng iba Ano raw po ang pinag kaiba ng bituka ng mga tiga maynila kumpara sa mga tiga province. Para sakin magandang panukala ito kung sakali.

  11. Sana ung divorce maisabatas na sa pilipinas. Dahil madameng nagsasuffer being married with the wrong one, na hindi naman na nila kasama dahil ung asawa nila eh may iba ng kinakasama. Haha

  12. Good day mam/sir…gusto ko lng po itanong kung puwede po magamit ng anak ko yong apilido ng tatay niya…kahit patay na ito 8taon na po nakaklipas na siya ay pinatay..sa bc po niya wala pong pangalan ng tatay niya…mamari pa ba po niya ito magamit..papano po…salamat po

  13. Big wow and the highest thumbs up to the government today with the leadership of our very own mayor,president Rudrigo Duterte,..He is the answer of our cry.Thanks to him.The appointed President and the appointed friend of the appointed Son of God,Pastor.Apollo C. Quiboloy..TYAF

  14. Sana ipaskil din ang mga bagong batas sa mga akmang mga lugar na madaling malaman ng mga pilipino upang ang lahat ay makaalam. mga dati at bagong batas na dapat sundin para lahat ay maka alam.

  15. Sana malagyan dn po ng speed limiters mga trucks… kc un mga un nkktkot kasabay sa daan, merong iba n nag-u-over speeding n truck tas nag-u-over take p. Marami po nyan s mga probinsya llo pag gabi particularly capas. Pag mlpit n cl s mga check point sk lng binabagalan ung truck

    1. True po minsan nakikipag bilisan sa mga kapwa nila truck wla nman sila sa expressway na halos parang tutumba na sila sa minamaliit nila mga sskyang private especially car kya basta nlang sila liliko na walang kasenyas senyas at di nagmemenor…dpat alisin mga ganyang druver para maiwasan ang disgrasya at minsan kinasasawi ng mga inosenteng tao….

  16. Hello po. I have a problem po about my daughter adoption which is still on going at dswd. Its been 2yrs and 6 month and she is process as foundling. Why it takes so long? Been following up the papers but ????????. Im so worried about my daughter future because she dont have a birth certificate and know other documents. What can I do to speed up the process? Or where to go to ask for help ? Thank you

      1. Yes po we do have a attorney for our daughter adoption but my attorney said that she is wait for the dswd to provide the birth certificate and the papers for adoption so she could proceed. To file in the court. That why I need help. Because I dont know if the dswd doing their obligation. I dont know if they are concern with the childrens.

  17. About sa R.A 10906 anti-mail-order bride law….parang unfair naman ata po na ideport lang ang mga dayuhang mahuhuli.di makatarungan…

  18. Sana po magkaroon din trabaho ang senior citizen, ung may lakas pa kc ang 60yrs old basta maingat sa pagain at sa katawan ay malakas p naman. Ung trabahong naayon sa aming edad. Salamat po.

  19. Hello! Ask ko lang po anu nga pong batas or may batas po ba para sa maiingay na kapit bahay. Kasi kapit bahay namin kung Hindi nagsisigawan,nagvivideoke naman cla pero nasa apartment po kami nakatira ugaling squatters lang talaga young kapitbahay namin.

  20. Hi Omohanie,

    Pwede mong itawag sa hotline ng DOLE ang iyong mga katanungan at kung kailangan mo ng tulong. Libre ang pagtawag dito: 800-8888-1349. Kung hindi ka maka-connect, pwede mong patawagin ang mga kamag-anak mo dito sa Pilipinas sa 1349, libre din ang pag tawag dyan. Sila ang magrereport ng problema mo dyan sa DOLE dito sa Pilipinas para matulungan ka kaagad.

    MC

  21. Maganda tong mga bagong batas lalo na sa age limit pag nag apply ng trabaho. Lahat maganda. More power to the new administration👊👊👊

    1. Senior citizen npo aq ang problema q PO ay tungkol sa birt certificate q nakalagay po sa gender ay female nang maexpire PO passport q napuna na nila eto ng magpaparenew aq kya PO omowi pa aq ng probinsya at ipinaayos q eto ng dalhin q na PO e2 sa main ng Nso iba na naman anv nakita nilang problema Malabo daw date ng kapanganakan q saanv q BA pwedeng ereklamo eto?

  22. Hello po ask ko lang po panu po ung birth certificate na mali po ung gender kasi female ung may ari ng birth certificate pero ang may ex po ung male, pumunta narin po kami nun sa PAO kaya lang marami pa requirments bago maayos.

  23. Sana magkaroon rin ng batas tungkol sa JOB QUALIFICATIONS and REQUIREMENTS. Maraming hindi makapasok ng trabaho dahil sa taas ng qualification ng mga kumpanya. Halimbawa nalang ay para sa mga hindi nakatapos ng kolehiyo pero may kakayahan na makapagtrabaho sana sa opisina dahil may angking galing at talino naman, madalas hindi makapag-apply sa Office Jobs kasi graduate ng college ang kailangan. O kaya naman ay mayroong mga kumpanyang hahanapan ng experience ang nag-aapply pero paano nga magkakaexperience kung hindi naman natatanggap dahil kulang sa pinag aralan. May mga tao kasing sadyang kinapos lang sa pinansyal kaya di nakatapos ngunit may kakayahan namang mental at pisikal. Tungkol naman sa Requirements na ipinapapasa kapag natanggap na, sa sobrang dami ng hinihingi ng mga kumpanya ay paminsan hindi nalang nakakapagtuloy ang aplikante dahil mag uumpisa palang ay nababaon na sa utang para maipanggastos sa pagkuha ng requirements. Madaklap pa diyan ay may dead line na napakabilis sa pag aayos at pagpapasa nito. Paano kaya ang mga walang mautangan? Police Clearance palang 250 na ang kailangan, idagdag pa ang NBI na mahigit 200 din, NSO, Occupational permit, Health Permit hiwalay pa sa Medical na halos 700 inaabot, at kung ano ano pa kasama ang pamasahe papunta sa mga pagkukuhaan na malayo pa sa tahanan. Naniniwala naman ako na hindi tayo bibiguin ng ating Pangulong Duterte at worth it ang boto natin sa kanya. 🙂 sana may magpaabot sa kanya ng batas tungkol dito. 🙂

  24. gud am po askd ko lang po nag kamili po munisipyo namin sa pag lagay ng apelido sa marriage certificate namin nung askd ko po san nila nakuha yung apelido d naman po maka sagot kc hawak ko yung may seal n galing sa kanila at yung nakuha ko po sa nso at papaayos kopo sana kaso ako papo hinihingan ng bayad sila po nag kamali tama po ba yun..

  25. paano naman po kung ang name na ginamit sa birth certificate ay kunwari maria teresa..pero nakagawian gamitin ay marites..ngayon hindi makakuha ng passport dahil kailangan daw nya magbayad ng aabot sa 20k..sobra naman po yatang mahal nun..ano po kayang owedeng gawin jan?sa mga legal documents like diploma at marriage ay marites na ang gamit nya..sana po kahit bababaan ang presyo..nakakaawa naman kc..thank you po!

  26. Tayo po ay tao lamang, sana po maipatupad naman po sana ang DIVORCE sa bansa natin,…sa mga ikiinasal,mayroong pong naging successful ,mayroon ding hinde…sa mga mayayaman po madali po sa kanila to file annullment dahil they can pay…papaano nman po ang mga mahihirap…papaano na lamang…hoping n sana, pakinggan nman po ang hinain ,lalong lalo na sa Mahal nating Presidente.

  27. Sana po matupad narin yung pensyon ng mga senior citizen kase po yung mama ko 66yrs old na po xa at wala po syang pension. At sana yung mga allowance ng mga estudyante sana matupad din. Salamat po. God bless u Mr President.

  28. Sana po ay may istriktong batas na rin para sa mga naninigarilyo sa public places at public utility vehicles kasi hindi naman na iimpliment ung batas dito.

  29. Ask ko lang po na kung may ibang option p po b kami s pagkuha ng “NSO” birth cert ng pamangkin ko dahil po nakailang pabalik balik na kmi s cityhall ng manila eh ang gusto po ay magappear ang nanay ng pamangkin ko na imposibleng mangyari po na magappear ang nanay dahil po wala n kami contact at wala narin po kaming balita. Ang problema po eh ang birth cert ng pamangkin ko ay nakaapelido p saknyang nanay pero po ang ginagamit n surname n nya simula ng bata p pamangkin ko eh un sa kuya ko which is tatay nya. Kasal po ang mga magulang ng pamangkin ko. Ngunit nagkaproblema po nun mgpapasa po ng requirements n katunayang legitimate child po sya. Sa marriage cert ang nilagay n name ng nanay nya eh un real name nya “flordeliza” eh nun pinanganak nya po un pamangkin ko eh nilagay nya name nya eh un alyas lng nya “lovely”. Ano po b dapat gawin namin? Kanno po b kami dapat lumapit at magpatulong regarding this matter? Hanggang ngaun po hnd p naaayos un birth cert ng pamangkin ko. Till now hnd nya po makuha tor nya s school dhil wala po sya nso cert n nakaapelido s tatay nya. Kanninonpo kmi pede lumapit? Thank u.

  30. hello po master citizen…may balita na ba tungkol sa trabaho para sa mga senior citizen? marami pong nangangailangan ng pagkakakitaan na mga sc…sana mabalitaan nyo kame…thanks po…

  31. Ito po ay tungkol sa contractualization ng mga empleyado,di ba pwedeng mgkaroon na ng regularidad para di na laying ngpapanibagong apply uli kapag na ENDO na?

  32. Good day Sir/Madam,
    How about marriage. What if the couple we’re separated for more than 10yrs without the support of husband to his children.

      1. Ask ko Lang po saan bayad po ba nasasakop yung mga developer na naghohold p ng commission ng mga ahente?
        May developer po Kasi na ka pag Hindi nakabenta ang ahente hinihold po Nila yung commission is it Legal? Thank you.

      2. Pwede pong malaman kung anu pong bill etong sa marriage null and voidable .. Pwede nio po ba i-share din to samen?

      3. Paano nila mai-hohold yung commission, eh wala kang benta. Kung walang benta e di walang commission. Ano ang iho-hold nila kung wala kang commission dahil wala kang benta?

  33. di eye friendly ang website ninyo..sakit sa mata basahin..better to use white background..
    just a suggestion

    1. I agree, you should use white background and dark colored fonts or black background and white/light colored fonts (background and fonts’ color should be contrast) so that it will be more readable.

  34. gud pm po sir/maam, yung middle name ko po ang nakalagay sa BC ay Enbudo dapat po ay Embudo, sa LCR lang po ba ito dapat ayusin? thank you po

  35. Republic Act 10911 – Anti-age discrimination for employees, kasama po ba dito ang mga Shipping agency at mga work abroad na mga agency?

      1. Ibig po bang sabihin wla nang limit if u want to apply for pnp,bf,bjmp?alam ko kasi til 30 yrs old lang po

      2. good evening. regarding sa RA 10911, kasama po ba dito ang mga security agencies? sino po ang mananagot kung inaayawan na ng Client ng Security Agency ang Security Guard na e post ng Agency sa Establishment ng Client dahil over age na? Salamat.

  36. ,as what late Pres. John F. Kennedy once said, “Do not think what the government can do for you, instead, think of what you can do for the government.
    ,If you can’t be a good leader, then at least, be a good follower.

  37. RA 10913 – Bawal ang tumawag gamit ang celfon.

    Paglilinaw lang!
    Bawal na ba sa bagong batas ang tumawag o sagutin ang tawag sa celfon habang nagmamaneho kahit na may gamit na hands free devices na gaya ng bluetooth at headset? Dapat ipagbawal kung walang hands free devices at hawak ng kamay ang celfon at bibitaw ang kamay sa manibela ng sasakyan.

    Kung bawal na kahit may hands free devices ay para na din sinabi na batas na bawal na ang makipagusap sa mga kasama sa loob ng sasakyan.

    Pakilinaw lang po!!!

    Salamat

  38. Dapat din pati yung sa hospital maibatas na rin yung downpayment na hinihingi nila bago ka maadmit na mawala yun…

  39. I would like to thank you very much for sharing this important Laws for the Public to know and comprehend with . Congratulations po for a good job.

  40. Good morning po, wla po bang batas pra s mga OFW n ptungkol s benefits n nkasaad s kontrata di nman bnigay ng employer particular s Saudi. Sana po mtulungan nyo kmi, Salamat.

  41. tanong ko lang po, kasama ba ang mga drug stores sa Republic Act 10909 na dapat may nakalagay na presyo sa bawat gamot?

  42. Hello. I have a question: Hosted po ba itong wordpress blog niyo or free? Balak ko rin kasing gumawa ng blog pero hindi ko alam kung wordpress or blogger gagamitin ko. Thank you.

  43. anti-religion for employee may batas na ba nito kasi marami sa ating mga muslim brother or sisters kung mag apply nang work sa mga pribadong kompania lalo na dyan sa Manila malimit di sila tinatanggap dahil sila ay muslim religion ako isa na ako biktim noon nag apply ako ng works dyan sa Manila…sana may bill din na maipasa nito..

      1. Marami nman po akong kilalang muslim na may trabaho dito sa manila, wala nman pong dscrimination sa religion, nasa ugali po,. Mga psychologist po kadalasan ang nag iinterview., tingin palang nila plus pano ka sumagot alam na nila ang ugali ng isang tao at kung kay tinatago itong ugali, kaya wala po sa religion yan, nasa character po yan ng isang tao…

    1. Tama yan dapat mayroon panukalang batas para jan…sana masama rin yan sa anti descrimination act…
      Kahit christiano ako ndi dapat iapply ang religion sa bawat tao kasi pareparehas tayung mga pinoy…

    2. Di lang naman religion batayan para i hire, masyadong mataas ang mga requirements ang kinakailangan ng mga company para ma hire ang isang applicant..

    3. Isip nyo lng n anti-religion ..hndi ak nannwla jan kc d nmn ito totoo, at d ngyayari. Ni ak nga christiano, mtaas n pinag-aralan d nmn s pgmmybang, d ntnggap? Mrmi kasing kakompetensya .. Kng baga best of the bests tlga… Ang dapat n pgmultahin ng malaki ay iung PALAKASAN !

  44. obligado pong sumunod ang mga jeepney operators sa batas na yan,na maglagay ng speed limiters dahil hindi mare-renew ng prangkisa nila at hindi makakapagrehistro.paano naman po ang mga jeepney operators at driver colorum ang plaka.Kailan po ipagbabawal at kakastiguhin ang mga jeepney owners na colorum ang plaka pero nakaka-byahe.Kawawa naman po ang mga jeepney owners na rehistrado at may prangkisa,sa patakaran po ng pagbyahe pantay sila ng karapatan pati pagbabayad ng butaw pero pagdating po sa pagsunod sa batas sila lang ang puedeng parusahan.Dito po sa San Rafael Bulacan maraming ganyan.Sana po itama nyo ang batas nyo.May penalty po na 50,000 para sa mahuhuling colorum na jeep,pero wala naman pong nanghuhuli.Pangulong Duterte pakisilip nyo naman po itong ganitong sistema.Salamat po.

  45. napakaganda ang kinalabasan sa mga BATAS na ito.👏👏
    thank you Mr. Presidents..nasimulan na ang pagbabago sa bansa..👊👊👊

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: