Philhealth Member na ang Lolo at Lola Mo!

03 - 16

Magandang balita!  Kung ikaw ay edad 60 years old pataas at isang Filipino citizen, ikaw ay automatic na miyembro na ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth!  Maaari mo nang magamit at ma-enjoy ang iyong mga Philhealth benefits gamit lamang ang iyong Senior Citizen ID, PSA birth certificate, o ano mang ID na magpapatunay na ikaw ay edad 60 years old pataas.

Narito ang mga karagdagang impormasyon kung papano makakakuha ng Philhealth ID ang mga Senior Citizen.  Madaling lang!

May dalawang paraan ng pag enroll para makakuha ng Philhealth ID:

  1. Bulk Enrollment.
    • May listahan ng pangalan ng mga senior citizen sa isang siyudad o munisipalidad ang mga local health insurance offices ng Philhealth.  Siguraduhing nakapagpa lista kayo upang maisama kayo sa bulk enrollment.
    • Ang lahat ng qualified senior citizens (edad lang ang qualification) ay isasama sa bulk enrollment.
    • Ang inyong Philhealth IDs ay idedeliver sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA).
  2. Individual Enrollment
    • Requirements:
      • Duly accomplished Philhealth Member Registraton Form.
      • 1 x 1 photo taken within the last six months.
      • Senior Citizens’ ID na mula sa OSCA ng siyudad o munisipalidad kung saan nakatira ang senior citizen OR
      • Kahit na anong valid government-issued ID tulad ng Passport, Driver’s License, SSS o GSIS ID, PRC ID, Postal ID, Voter’s ID.

Kung wala pang Senior Citizen ID, mag apply na sa OSCA kung saan kayo nakatira.  Narito ang mga requirements kapag maga-apply ng Senior Citizen ID:

  1. Ihanda ang mga sumusunod na requirements:
    • PSA Birth Certificate
    • 2 pcs 1 x1 colored photo
    • Valid ID (kahit alin sa mga sumusunod: SSS, GSIS, PRC, Voter’s ID, Postal ID, Passport).
  2. Pumunta sa OSCA ng city o municipality kung saan nakatira ang Senior Citizen at i-submit ang mga requirements.
  3. Ang staff ng OSCA ang siyang maglalagay ng mga detalye sa inyong Senior Citizen ID base sa mga impormasyon sa inyong birth certificate at mga ID.
  4. Bago pirmahan ang ID card, basahing mabuti at i-confirm kung tama lahat ng impormasyong isinulat sa inyong ID, tapos ay pirmahan.

Ang ibang cities at municipalities ay nagbibigay ng one-hour orientation bago ibigay ang ID sa mga members.  Mag attend kayo nito sakaling i-require.

Kumuha na ng inyong Senior Citizen at Philhealth IDs sa pinakamalapit na OSCA sa inyong lugar!

Chips And Nibblers (1)

Closet Queen

ad

Published by MasterCitizen

I collect citizen facts and the usual stuff that might be important for a Pinoy's everyday life....Subscribe to get updates, opinions, and news.

20 thoughts on “Philhealth Member na ang Lolo at Lola Mo!

  1. San po ba magfifill up ng form ng philhealth ? Any philhealth branch po ba or sa OSCA office pra sa senior. Salamat po.

    1. Hi Gerlie,

      Pwede na po directly sa Philhealth. Para sa mas kumpletong information tungkol sa PHilHEalth membership ng senior citizens, pwede po kayong tumawag sa kanilang hotline sa 02 4417442.

  2. Hello poh.. Paano po maging card ung philhealth id ko?? Kc papel po ung akin hnd ko mailagay sa wallet ko.. Ung parang sa ATM card po..

  3. Ano ano po mga benefits makukuha ng mga seniors? Pag po ba may request ang mga doctors pero naka out patient ang lola o lolo free po ba? Like mga laboratories, 2d echo xray ct scan etc.

  4. Paano po pag may philhealth na dati? Yun pa rin ba yung MDR niya o panibago? At pwede bang iba mag asikaso ?

  5. Good Day maam/sir how can i get my online MDR? Thankyou.Godbless On Mar 16, 2017 11:13 AM, “MasterCitizen’s Blog” wrote:

    > MasterCitizen posted: ” Magandang balita! Kung ikaw ay edad 60 years old > pataas at isang Filipino citizen, ikaw ay automatic na miyembro na ng > Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth! Maaari mo nang > magamit at ma-enjoy ang iyong mga Philhealth benefits gamit lama” >

  6. Pag po b senior n wala n po bng binabayaran? Basta po b senior n automatically member n at pg naospital eh id n lng ng philhealth ang iprepresent?

  7. Ako po dalawa inaalagaan ko 80 years old at 59 years old. Pareha po babae. Wala pa po sila Phil health I’d.. Piro yung 80 years old na si Lola salud at mayrong Phil health # na po.. Gusto nya po sana magkaroon ng Phil health I’d. Panu po ba yun.

  8. Ano po ang kailangan sa pgkuha ng philhealth id kapag hindi p senior,,at saan pwedeng kumuha d2 po aq olongapo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: